Ten.

111K 1K 104
                                    

Alas siete na ako umuwi. Dumating si mommy ng alas sais. Pinakain muna namin si Kuya bago ako umuwi. Nagpaalam daw si mommy kay Tita Rina na aabsent muna kasi ako naman daw ang pumasok bukas, since kakasimula pa lang ng klase, baka maapektuhan ang grades ko.

Nag stay for almost an hour si Oppa. Si Jelly naman, nag stay pa ng mas matagal, bago umuwi dahil baka ma late sya at mapagalitan.

Hindi ko pa din kabisado kung paano mag commute kaya natural na nag taxi na naman ako. 100+ lang naman ang metro, kaya hindi na rin masama, at sa mismong tapat ng bahay ako magpapa baba. Natatakot na ako sa lugar namin bigla.

Nang makapagbayad na ako ay agad ako'ng bumaba. Dala ko yung mga damitni Kuya na nagamit na. Isampay ko na daw muna sabi ni mommy at sya ang maglalaba.

Muntik na ako'ng mapasigaw ng may makita ako'ng bulto ng tao sa harap ng gate.

Madilim na at may halaman sa labas ng gate, kaya you can get the idea na hindi masyado makikilala kung sino man ang nandoon. Nakita ko na nagsisigarilyo kung sino man yun dahil sa ilaw ng sigarilyo. Itinapon niya ito kung saan bago naglakad palapit sa akin.

Doon ko naaninag si Joon.

"Ano ka ba? Muntik na ako atakihin sayo ah! Tsaka bakit ka nandito? Bakit alam mo bahay namin?" Sunod sunod na tanong ko.

"Wala ka pa rin bilib sa namja chingu mo." (boyfraaan) Sagot ng lalaki. Nakapamulsa sya sa bulsa ng pantalon nya. Hindi na ito naka uniform.

"What?" Hindi ko na gets yung sinabi nya.

"Wala. Oo nga pala, kaya ako nandito, kasi dinalaw daw ni Rance yung kuya mo."

"Oh ano naman? Magkaibigan sila, masama ba yun?" Nakanguso na sabi ko.

"HIndi. Masama yung nagkikita kayo."

Lumaylay yung balikat ko. "What? Ang usapan natin, hindi ako lalabas o aalis kasama si Oppa. Baka nakakalimutan mo." Paalala ko sa kanya.

"Oh." Tumango tango ito. "Stop calling him Oppa."

"Ano? Ano na naman ba'ng trip to, ha?" Sabi ko na nga ba at manggugulo lang to eh.

Bahagya syang tumawa. "You don't understand, do you? I told them na girlfriend na kita. Whether you like it or not, you'll have to behave that way. And don't worry, i don't like being touched so you can't complain."

"Ano'ng kalokohan ba sinasabi mo? Kasalanan ko ba na sinabi mo yon? Aning ka din talaga eh."

"Just do what i say, Aura." Matigas na sabi nya.

Napalunok ako ng laway at napa atras ng kaunti. This man is.. scary. Parang may kung ano sa kanya na alam ko ay dapat ko'ng katakutan. But i envolved myself to him with our deal.

"Ah basta. Hindi naman kita totoong boyfriend. Susundin ko naman yung usapan natin na hindi ako sasama kay Oppa- Waaaa!" Nagulat ako ng bigla ako'ng hilahin ni Joon mula sa pagkakatayo ko sa harap nya. Napayakap ako sa kanya sa lakas ng impact.

Tapos inikot nya ako at nagpalit kami ng pwesto.

"Aray!" Biglang sabi nya. Tapos bigla syang nanghina.

Biglang may lumabas na tatlong lalaki kung saan. May baseball batt pa yung isa!

Napahandusay sa akin si Joon. I don't know what's going on.

"Joon. Sa wakas. Long time no see." Sabi nung isa'ng lalaki sa gitna, yung may hawak ng baseball bat. They look like college goons.. or whatever.

Bigla ako'ng natakot.

Seducing Bad Boys (Published)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora