Nandoon si Kei nag-aabang sa labas ng room namin. May kausap itong babae. Ang babaeng kumausap din sa akin bago magsimula ang klase namin. Huwag mong sabihing ngayon sya magtatapat ng nararamdaman nya kay Kei?

Napalingon agad sa amin si Kei. Nagkatinginan kami at pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa babae.

"Who is she?" iritang tanong ni Max.

Tumigil kami malapit sa kinaroroonan nila.

"Tara na." aya ko kay Maxine pero hindi mahigit ang kamay nito.

Napatingin uli ako sa gawi ni Kei. May sinasabi ang babae sa kanya pero sa akin sya nakatingin. Sinulyapan kami ng babae at pinagtaasan ako ng kilay. Nagpatay malisya nalang ako at tumingin nalang sa ibang lugar.

"Lumapit nga tayo ng kaunti. Hindi ko marinig yung sinasabi nila, eh!" mahinang bigkas ni Maxine.

Lumapit kami. Katapat nalang namin sila. Hindi naman ganoon kasikip sa corridor namin pero ngayon ay naririnig na namin ang pinag-uusapan nila.

We're obviously eavesdropping. Alam kong alam iyon ng babaeng kaharap ni Kei. Nakasanayan nang kasabay namin si Kei sa pag-uwi. Sya ang taga-hatid sa aming dalawa ni Maxine kaya nasanay itong kaibigan ko na hindi umaalis hangga't hindi dumarating si Kei rito sa labas ng classroom.

They talked alot. Ako lang itong matigas at hindi kinakausap si Kei.

"Say something, Kei. Ako ang naghuhulog ng love letter sa locker mo everyday. Hindi mo man lang ba naa-appreciate 'yon?" wika ng babae sa pagalit na tono.

Napatingin na naman ako kay Kei. Nagtitigan kami. "I don't open my locker anymore." nag-iwas ako ng tingin.

Pakiramdam ko ay ako ang kausap nito dahil sa akin lang ito nakatingin. Ni hindi ko alam kung pinukulan na ba nito ng tingin ang kausap nya o hindi.

Ang alam ko ay may locker si Kei. Magkatabi kami ng locker dati. Ngayon ko lang nalaman na hindi na pala ito gumagamit ng locker. Mahigit isang taon ko na rin kasing tinigilan ang paggamit noon dahil nahihirapan ako bumalik ng school kada may maiiwan akong libro sa loob non.

Napabuntong hininga ang babae. Hiniwakan nya si Kei sa kamay. Napalunok ako. How dare she touch Kei's skin! Ako nga ay hindi naglalakas loob hawakan ang kahit anong parte ng katawan nito. Ganito na ba ang mga babae ngayon? They're doing the first move? Hindi ba sya makapaghintay sa lalakeng darating sa kanya at nagkakandarapa sya ngayon para habulin si Kei?

"That's okay." lumambing ang boses ng babae. "Anyway, I'm free tomorrow. How 'bout you?" malandi nitong tanong.

Tomorrow is Saturday. Pinapayagan ng Dean na lumabas ang estudyante ng Academy every weekends. Iyon ay kung may pahintulot ng kanyang magulang.

As for me, hindi na ako umaalis pa. Ganoon din naman si Max. I allot that time to study my subjects. Mas gusto ko pa iyon kaysa ang maggala sa labas o umuwi sa mansyon namin.

"Eww, kauya naman ito!" inis na bulong sa akin ni Max. "Lapitan mo na nga si Kei!" hinila nito ang braso ko at tinulak ako papunta sa gawi nila.

Fuck, Maxine! Kahit kailangan ay lagi mo akong pinapahamak!

Napatingin silang dalawa sa akin. Matalas na ang tingin sa akin ng babae. I swallowed hard. Sanay akong nagsasalita sa harap ng maraming tao. Even on stages, hindi ako nahihiya. I conquer my fears in facing other people pero bakit ngayong dalawang tao lang naman ang nasa harap ko ay para na akong mahihimatay sa sobrang kaba?

"Do you need something, Buenafuerte?" may pait na tanong sa akin ng babae.

Parang naiinis ito na umeksena ako sa kanila. Na mali na nandito pa ako at nakiki-alam sa kanila.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon