Bumuhos ang mga luha ko. Tahimik akong umiyak. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay mabilis kong pinunasan ang mga luha para makita ko siya ng maigi.

"Please remember and do your promise, Zandra. Malalaman ko kung hindi mo gagawin iyon," aniya. "And call me once your ready. I'll be running to you..." sambit niya napupuno pa rin ng pag-asa kahit pa lalayo na siya.

Tumalikod siya. Tahimik uli ang pagbuhos ng aking mga luha. The pain I am feeling right now is worst than what I felt when I left him five years ago. Dahil ngayon, nagpaalam talaga kami sa isa't isa. Pero sigurado akong matatapos din ito. Mawawala rin ang sakit sa dulo. Magsasama uli kaming dalawa.

Marahang sumara ang pinto. Nakalabas na si Andrew. Gusto ko na ring umalis dito sa ospital pero sa tingin ko ay mas makakapahinga ako rito.

Lumapit sa akin si kuya at marahang hinaplos niya ang pisngi ko. "I'm sorry, Zandra," aniya. "But you made the right choice, princess."

Tumango ako. "Para sa amin naman 'to, kuya," usal ko.

Umupo siya sa tabi ko at hinila ako upang mayakap niya. "What do you want to do now?" tanong niya.

"Please call Auntie Barbara. I want to talk to her," pakiusap ko. "I want to clear things up to myself. Matutulungan niya ako," sabi ko.

Ginawa agad ni kuya ang hiling ko. Ilang saglit lang ay kausap ko na si Auntie Barbara. I told her everything. Simula nung umuwi ako ng Pilipinas, ang pagkikita at mga nangyari sa amin ni Andrew, at itong huli nang dalhin niya ako sa Bulacan.

"You were too eager to forget what happened that's why you forgot about your past, Zandra. Nasa sa'yo naman 'yan, e. If you stayed hidden in your past, you would not be able to forget about it. You'll be haunted by your past for as long as you allow it to," sabi niya.

Gamit ko ang phone ni kuya at tumawag pa talaga siya pa-New York para lang makausap ko si Auntie Barbara.

"I've been telling this to you from the start, Zandra. Ikaw ang gumagawa ng mga multo sa buhay mo. That's why I was so happy when you met this boy Andrew. I couldn't remember how many times I convinced your father that he's good for you. He didn't believe me. Akala niya ay mapapahamak ka lang kay Andrew kaya tiningnan ko rin ang side na tinutukoy niya. I was really happy when you were able to cope up even when he's not by your side."

Pinagdikit ko ang aking bibig. Nakayanan ko dahil naniniwala ako na sa huli ay makikita ko uli si Andrew. I did everything for him. Kaya ako nakarating sa puntong ito ay dahil sa kanya.

"What am I going to do, Auntie? Bumalik talaga, e. I felt it when Andrew brought me to that place. Sobrang takot na takot ako na parang ang gusto ko na lang ay mamatay. I..." naalala ko ang mga nangyari noong nasa kotse ako ni Andrew. "I almost saw him in Andrew's face," sabi ko.

Narinig ko ang malungkot na paghinga ni Auntie Barbara. "Do you still remember your goals when you were trying to mend yourself?" tanong niya.

Rinig ko ang lungkot sa boses niya. Napaisip ako sa kanyang sinabi.

Bumalik sa isip ko ang nakalipas na limang taon. My only goal back then was to have a better life. To be whole and complete. I want to learn to love myself so I could also learn to love the people around me. I want to be learn how to trust people. I want to cope up with everything. I want to be the girl Andrew could be proud of.

"Can you still remember what you said to me, Zandra?" tanong niya. "You said to me that you want to be worthy of Andrew's love."

Tumulo ang luha ko. Ngayon ko lang napagtanto na umiiyak pa rin ako. Hindi ako tumigil umiyak mula nang umalis si Andrew kanina.

TaintedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt