Chapter 2: The Last Will

420K 6.4K 715
                                    

Chapter 2: The Last Will

Bella's Point of View

May inabot si Mr. Jackson sa akin na ipinagtaka ko. Isang sobre ito. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Bago pumanaw ang iyong Lolo ay iniutos niya sa akin na ibigay ko sa iyo ito. Ang sulat na iyan ang makakasagot sa iyong katanungan. Young Mistress, maari ko na bang basahin ang last will and testament ng iyong Lolo?"

Kahit naguguluhan ako sa pangyayari ay tumango na lamang ako sa kanya.

Dated September 30, 2XXX

WILL OF MR. RENJI ECHIZEN

I, Renji Echizen, do hereby declare this to be my last and will testament.

I APPOINT Mr. Henry Jackson, of legal age, 35, living at Manila, Philippines, to be the sole executor and trustee of my will.

To my Granddaughter, Bella Echizen Smith, I give the sum of eight hundred billion dollars to be held in trust until her eighteen birthday and all of my real estate property, my cars, BE Malls and the most important to me, the Red Dragon University.

"BE Mall? Ang pinakasikat na mall sa buong mundo? Ang Lolo ko ang may-ari?" naguguluhan na tanong ko sa aking sarili.

Red Dragon University, with state of art facilitates and world class teachers to match, a prestigious university, a place where only the rich & top students in the Philippines will gather.

On behalf of me, I entrust my granddaughter to be the Head Mistress of RDU.

Biglang tumigil si Mr. Jackson sa pagbabasa at tumingin siya sa akin.

"Miss Bella, magiging Head Mistress ka ng palihim."

"Palihim? But why?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Para sa kaligtasan mo."

"Hindi ko po kasi maintindihan, gaano po ba kadelikadong maging Head Mistress ng school na iyon?" usisa ko.

Matagal siyang hindi nakaimik. "Bilang heiress ng Echizen Family, isa itong panganib dahil may taong sakim sa yaman ng iyong Lolo. Kapag nalaman nila ang iyong existence, paniguradong ipapapatay ka nila."

Hindi na ako na-shock sa narinig kong explanation niya. Obvious naman, katulad sa mga drama na napapanood sa tv, ganyan madalas ang nangyayari.

"Any further questions, Young Mistress?"

Umiling ako bilang sagot ko sa kanya.

Nagpatuloy na siya sa pagbabasa.

I know that she would not accept anything from me, but I hope this, my last will and testament will remind her of the never ending love I have for her.

Signed by:

Renji Echizen

Malungkot akong napangiti nang matapos siyang magbasa.

"Are you accepting this will, Young Mistress?" tanong niya sa akin.

"What if hindi ko tanggapin ang will ni Lolo? Anong mangyayari?"

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Miss Bella..."

"Maaari niyo po ba akong iwan muna? Gusto ko pong mag-isip, hindi porke't may magandang balita kayong sinabi ay magtatatalon na ako sa tuwa. Pasensya na po pero nabibigla po ako sa nangyayari," magalang na wika ko sa kanya. "Akala ko po naparito ako para bisitahin lang ang aking Lolo, hindi ko akalain na isang malaking responsibilidad ang iniwan niya sa akin. Kailangan ko po munang kausapin si Mommy."

Napatitig siya sa akin. "Well you can think about it, Young Mistress. Kapag handa na po kayo, you can visit my office or call me," sabay abot ng kanyang calling card.

"Thank you," mahinang wika ko.

Pabagsak na humiga ako sa kama. Anong intensiyon ni Mommy? Bakit niya ako ipinadala dito? Paano ko tatanggapin ang lahat ng iyon kung para sa akin ay isa siyang estranghero?

Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at tinawagan ko si Mommy.

"Nakarating ka na?" bungad niya sa akin.

"Mom, what's going on? Akala ko ba kaya niyo ako pinapunta dito ay para makita at makilala ko si Lolo, pero huli na pala ako."

Matagal siyang hindi nakaimik bagkus humikbi na lamang siya. Patay! Napaiyak ko pa yata.

"Mom, I'm sorry—."

"Don't. Kasalanan ko, kung hindi ako naging matigas sa iyong Lolo eh di sana na-meet mo siya ngayon. Alam kong naguguluhan ka, para sa ikatatahimik ng Lolo mo ay tanggapin mo ang pamana niya sa iyo."

"But mom—."

"No buts, Bella. You can sleep now," ma-awtoridad na sabi niya sa akin.

"Is that your order?"

"It's not an order but a wish, Bella. Bilang ina, gusto kong makita ang anak ko na normal at masaya."

"Sa palagay mo, Mom, magiging masaya ako na maging taga-pagmana ng Echizen Family?" naiiyak na tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako. "Mas gugustuhin ko na makasama kayo diyan sa Japan."

"No! Mas ligtas ka diyan. Don't worry, dadalaw-dalawin ka namin diyan ng Daddy mo."

Gusto kong sabihin na mapanganib din ang maging heiress, pero kung iyon ang ikakasiya ng magulang ko, tatanggapin ko na lang ito para na rin sa ikatatahimik ni Lolo.

Napatingin ako sa hawak kong sobre. Binuksan ko ito at binasa ng tahimik.

My treasure Bella,

Sa sandaling hawak mo na ang sulat na ito ay maaring wala na ako. Nang panahong nalaman ko ang pag-iibigan ng iyong Mommy at Daddy ay tumutol agad ako. Natakot ako dahil baka ang habol lang ng Daddy mo sa iyong Mommy ay pera. Pero nakita ko na hindi ganun ang Daddy mo. Nagsikap siya para itaguyod kayo. Dahil sa pride ko at gusto kong bumalik ang iyong Mommy sa akin ay ipinakidnap kita. Lalong nagalit ang iyong Mommy sa aking ginawa. Ang intensiyon ko lamang naman ay bumalik sila sa mansion at makasama ko na kayo dahil malungkot ako...

Hihingi sana ako ng tawad sa Mommy mo, pero nalaman ko na ipinadala ka na sa Japan at lumipat na ang iyong Mommy at Daddy ng tirahan. Nag-hire ako ng maraming detectives para mahanap kayo pero bigo ako dahil hindi nila kayo nahanap.

Nang panahon na pumunta ako ng Japan para sa business, nakita kita. Naalala mo ba na tinulungan mo ko sa mga magnanakaw? Nang makita ko ang iyong mukha, naalala ko ang iyong Mommy dahil magkamukhang magkamukha kayong dalawa. Tuwang tuwa ka sakin nang malaman mo na Filipino ako. Pinakain mo 'ko at nagkuwentuhan tayo...Kaya tinanong ko ang pangalan mo at sinabi mong ikaw si Bella Echizen Smith. Natulala ako sa sinabi mo at hindi ako nakapagsalita. Hindi na kita nahabol dahil tinawag ka na ng mga kaibigan mo.Pinahanap kita sa Japan pero bigo na naman ako.

My treasure, Bella, patawarin mo ako sa kasalanan ko pero nang sandali na nakasama kita sa Japan, iyon ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko. Napangiti mo ako at hindi ka natakot sa akin kahit na sinusungitan kita. Tinuruan mo ako ng ilang bagay tungkol sa buhay. Sayang apo, hindi kita nakasama nang matagal.

Ang lahat-lahat ng ari-arian ko ay ipinapanama ko sayo. My Bella, sana huwag kang tumanggi. Lagi mong tatandaan, na mahal na mahal kita. Salamat at itinuro mo sakin kung paano maging masaya kahit sa sandaling panahon lamang.

Sayonara My Treasure.

Renji Echizen.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang binabasa ko ang sulat na ito.

Nakapagdecide na ako at bukas na bukas din ay kakausapin ko si Mr. Jackson.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon