Chapter 36 : Trojan War

Magsimula sa umpisa
                                    



Teka ... nananaginip ba ako? Namamalik-mata?! Shit. Ilang beses akong nagpaulit ulit sa pagtingin sa paligid ko kung totoo ba ang lahat ng ito pero pawang parehas pa rin ang nagiging resulta nito. Kinusot-kusot ko pang muli ang mga mata ko pero talagang hindi eh. "Sky, hindi ka nananaginip. Talagang ligtas ka na. You, Vladimir, Marc, Rennei and a woman we still didn't know. You were all safe now. At nandito tayo ngayon sa main headquarters ng mga Cromello." wika ng isang lalaking may katangkaran at may hawig kay Alex pagdating sa ilang facial features. Alex ... Cromello ... safe?! 



"Wait a minute. Axel?!" nasigaw ko na lang nang balikan na ako ng katinuan at tamang pag-iisip. Totoo ba talaga ito? Ligtas na ako? At nandito na ako sa bahay namin? Oh God. Thank you, Lord! Pero ... paano ako napunta rito? Ang pagkakaalala ko, nasa isang kulangan kami. Kaming mga lalaki. Nakahiwalay ng ibang silid ang mga may injuries at mga babae naming kasamahan. Pinapahirapan kami ng mga bantay. Every hour is a torture ... 



Naaalala ko kung paano nila kami pinagtatatadyak at hinahampas ng latigo. Bakas pa sa mga alaala ko ang hapdi at sakit ng bawat latay na ibinakat nila sa aking balat. Napaangat na lang ako ng braso, hindi na ito masyadong mapula tulad ng naaalala ko. Hindi ko rin makakalimutan ang panggugutom at pang-uuhaw sa amin. Tinarakan din nila kami ng ilang droga para mawala sa katinuan at para mapasunod nila. 'Yung mga babaeng na-assign sa kulungan namin, halos pagsamantalahan na kami dahil wala kami sa tamang pag-iisip. Mabuti na lang at nakaya pa namin labanan 'yung init sa katawan na dulot ng isa sa mga drogang pinatikim nila amin. 



Sa tuwing nanlalaban din kami ay pinapalo kami ng tubo, bakal, baseball bat, at iba pa. Wala silang itinirang oras para magpahinga kami at makakuha ng bagong lakas. Kahit naman na magkaroon kaming muli ng lakas ay hindi pa rin kami makakalaban. Aside from we were being held on their hideout, we are surrounded by the enemies. Isa pa, ginamit din nila sa amin ang mga mahal at mga kaibigan namin para hindi kami makapumiglas at makaangal. Walang kasing sakit para sa akin ang marinig ang babaeng pinakamamahal ko na sumisigaw mula sa isang hindi kalayuang selda habang pinapahirapan. Now that I think about it ... 



Nanlaki na lang ang aking mga nang maalala ko siya. "Si Fiacre? Nasaan si Fiacre? Anong nangyari sa asawa ko?! Axel, magsalita nga ngayon na!" I asked with panic and worry while I keep on holding his collar. Hindi ko nga namalayan na nakatayo na pala ako rito sa kama nang wala man lang kahit anong pag-aalala sa paligid ko. Ang mahalaga sa ngayon ay ang malaman ko muna kung ano ang nangyari kay Fiacre. Hindi ko man nakita kung paano sila pinahirapan, ang marinig ko lang ang mga halong sigaw at iyak nila noong mga araw na iyon ay alam kong matinding pananakit ang ginawa nila sa kanya. 



Axel heaved a sigh. Marahan niyang tinanggal ang mga kamay ko sa kwelyo niya nang walang kahirap hirap. Pansin ko ang lungkot sa kanya nang itanong ko ang tungkol sa kondisyon ng asawa ko. Doon pa lang ay alam ko na ang sagot. Nanlambot na lang ang buong katawan ko at pawang napaupo na lang akong muli sa kama. Iniisip kung ano na kaya ang ginagawa ng mga miyembro ng konseho sa kanya. Napasuklay na lang ako ng buhok gamit ang dalawang kamay ko. Bakit ganito?! Kailan pa ba ito matatapos? Damn you, Sean! Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa'yo! To think that we've trusted you enough and yet, you'll just betray everything between us! 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon