19

94 5 0
                                    



Thalia's POV


"Why didn't you tell me?" Bungad sa'kin ni Kade paglabas ko ng kwarto ni Hands. Pinatulog ko muna ang anak ko. He was so happy this day but he keeps on asking kung sino ba talaga ang lalaking nakasama namin ngayong araw-- si Kade. Hindi ko siya masagot. Ngiti lang ang isinusukli ko sa mga tanong niya.


"What for?" My eyebrow arched. Naiinis ako. Bakit ba kung makaasta siya ngayon ay parang may pakialam siya? But he can't fool me. I know kinakain lang siya ng guilt niya kaya siya nagkakaganito. Pinipilit niya sa sarili niya na wala siyang kasalanan kahit meron. Meron at napakalaking kasalanan nito.


"Thalia we have a son! Why are you acting like it's nothing to you?!" He looks so frustrated that in any minute ay dadapo na ang kamao niya sa dingding ng bahay ko. I can't say I am not scared at the moment. It's been years. Hindi ko alam kung anong mga nagbago. Paano rin kung kunin niya si Hans? Paano kung ilayo niya sa akin ang anak ko?


"Why are you acting like you care? Will you please stop this bullshit?" I can see anger in his eyes. Nakatikom ang kanyang mga bibig pero alam kong ang mga susunod na salitang lalabas mula roon ay makakapagpahina sa akin. "Go away. Umuwi ka na. Hindi ka namin kailangan. Apat na taon naming kinaya, paano pa sa mga susunod na taon."


Tatalikuran ko na sana siya nang hinablot niya ang mga braso ko at isinandal ako sa pader. Parang tinatambol na naman ang dibdib ko. Napakalakas, higit sa lakas ng sa kanina. Hindi ko maintindihan. Sinubukan kong kumawala pero malakas siya. I am doing my best to avoid his gaze. "Ano ba? Tigilan mo nga itong kalokohan mo, Kade! Let go of me!"


"Where do you think you are going huh?" His voice was flat yet dangerous. Shit. Kitang-kita ang galit sa nag-aapoy niyang mga mata, kulang na lang sunugin ako nito. Mabilis ang paghinga ko, I feel so tensed. What could be worse than being trapped in this guy's arms?


"If you think that I will just go away without letting my son know who the hell I am, nagkakamali ka. I am his father and he needs to know that. Hans deserves to know his father!" Nagulat ako nang bigla na lang niyang suntukin ang pader sa kaliwa ko. I can feel my eyes stinging pero ayokong magpaubaya sa nararamdaman ko.


"What makes you think na makikilala ka ng anak ko ha? You are out of the picture for fucking years, and I want it to remain that way! Don't ruin our lives!" I shouted at his face. Galit na galit pa rin siya. Parang uusok na ang ilong niya sa galit. "Wala kang karapatan kay Hans, Kade. Nawala na ang karapatang 'yon simula nang ipinagtabuyan mo kami nang gabing iyon."


Lumamlam ang mga mata niya. A tear escaped my eye. Naitakip ko na lang ang mga palad ko sa mukha ko at tuluyan nang umiyak. Humakbang siya palayo sa akin. I don't care if I look helpless and pathetic right now. I just want him out of our lives. Ayoko nang masaktan pa ulit, ayoko na. Tama na iyong isang beses na biniyak niya ang puso ko at lahat ng mga pangako niya.


"You and my kid will move into my house next week."


"No. Hindi namin gagawin iyon," sagot ko habang umiiyak. Tinaliman ko ang tingin ko sa kanya. Hindi pwedeng susulpot na lamang siya bigla at masusunod ang mga gusto niya. I don't care who the fuck he is, kahit siya pa ang pinakamakapangyarihang lalaki sa mundo. I am Hans' mother and I will do everything for my son, for us.


"I am not asking for your permission. The two of you will move in with me next week and we're going to get married, again." Walang emosyon niyang sabi. I clenched my fists. I wanna fucking kill him right now! Saan bang impyerno siya galing! Napakasama niya! Fuck him and his wrecked system!






"BAKIT PO kayo laging nandito sa bahay? Ikaw po ba ang papa ko?" I glared at Kade from afar. Nandito na naman siya sa bahay. In the next two days ay lilipat na kami sa kanya. Nasabi na niya kay Hannah ang lahat at hindi man lang tumutol ang babae. God, ano bang nangyayari? Lahat na lang ay bumabagsak ayon sa kagustuhan niya.


"Oo. Hindi pa ba sinasabi ng mama mo sa'yo? I am your father, Hans." Nginitian niya ang anak ko. Nilingon naman ako ng anak ko. Nakakunot ang noo niya at nagtatanong ang mga mata. "Totoo po? Akala ko po ba nasa faraway land ang papa ko?"


Kinarga ni Kade si Hans. They look so good together. Kung buo sana kami hanggang ngayon, ito na ang pinakamagandang tanawin sa buong mundo. Pero hindi. I despise the father of my child and now he's back. This is just stupid. Pero siguro nga, kailangan din ni Hans ng isang ama. I just don't get the sense of moving with him. At magpapakasal ulit? What the hell is he playing? Bahay-bahayan? What a jackass.


"Tapos na ang trabaho ko roon, anak. Hindi na ako aalis ulit. Dito na lang ako....sa inyo ng mama mo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Undiscovered (ON GOING)Where stories live. Discover now