12

97 3 0
                                    


Thalia's POV


Malalim na ang gabi ngunit gising na gising pa rin ako. Kanina pang umaga wala si Kade at hinihintay ko siya. Oo, talagang nag-aalala ako. Hindi naman kasi siya nagsabi na gagabihin siya masyado. Palagi niyang sinasabi sa akin kung gagabihin ba siya ng sobra o kung aabutin siya ng madaling araw sa opisina. Tumawag na ako sa sekretarya niya ngunit sabi nito ay maaga raw umalis si Kade dahil may pupuntahan daw itong mahalagang agenda na hindi naman niya alam kung ano.


Sumilip ako sa bintana. Napakaraming bituin sa kalangitan at lahat ng iyon ay kumikinang. Napabuntong-hininga ako. Nasaan na kaya si Kade?


Muli akong bumalik sa kama at naupo sa gilid nito. Kinuha ko ang larawan ng pamilya ko sa aking drawer. Si Amang, Inang, at si Racquel. Oo, wala ako sa larawang ito dahil ako ang kumuha nito. Wala naman silang larawan na naroroon ako dahil hindi nila ako pinapasama. Napangiti ako ng mapait. Namimiss ko na sila. Namimiss ko na sila kahit ni minsan ay hindi ko naramdamang bahagi ako ng pamilya namin. Pakiramdam ko isa lamang akong naligaw na estranghero at ginawa nilang alipin. Pero wala naman akong sama ng loob. Mahal na mahal ko sila at sila ang buhay ko.


Nawala ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Iniluwa ng pinto ang lalaking kanina pa hinahanap ng mga mata ko -- si Kade. Suot pa rin nito ang pang-opisina niya at pawis na pawis siya. Hingal na hingal, tila ba'y nanakbo mula sa kanyang pinagmulan. Pero kahit ganoon ay nanatili ang kakisigan at kagwapuhan niya. Hindi man lang nabawasan, nadagdagan pa nga yata.


Nagtama ang mga mata namin. Biglang nag-init ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay namumula hindi lamang ang pisngi ko kundi ang buong katawan ko. Parang may apoy sa mga mata ni Kade dahil ang mga titig niya ay pinapaso ako, pinapaso nito ang buong kaluluwa ko. Hindi ko alam ngunit sa tuwing titingnan ako ni Kade ay para bang tumatagos ang kanyang mga titig sa pagkatao ko.


Naglakad siya papalapit sa akin at nanatili akong estatwa, na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya. Segundo lang ang inabot nang maramdaman ko ang mainit at malambot niyang mga labi sa labi ko.



Hinahalikan niya ako?!



Para bang nagulo ang sistema ko. Nakaupo ako ngunit nanlalambot pa rin ang tuhod ko at pakiramdam ko ay mabubuwal ako sa halik niya. Hinawakan niya ang leeg ko at pinalalim pa ang kanyang halik. Namalayan ko na lamang ang sarili ko na tumutugon sa mga halik niya. Wala man lang akong ginawang pagtutol, sa halip ay niyakap ko siya. Niyakap ko siya nang mahigpit na para bang mamamatay ako kung mabibitawan ko siya.



Matapos ang mainit naming pinagsaluhan ay hingal na hingal kami parehas. Hanggang ngayon, ay nakatitig siya sa mga mata ko. Iyon na naman ang mga mata niyang puno ng pagmamahal, at kalungkutan.


"Tell me that I'm fighting for something worth it...



 ....tell me that you love me..."



Parang napatid ang lahat ng ugat ko sa katawan. Anong sinabi niya? Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ko. Hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung may naririnig pa ba ako bukod sa paghabol niya ng kanyang hininga. Para akong nawala sa realidad at nakulong sa isang lugar kung saan madilim, at ako lang at siya ang naroroon.


"Please, tell me that you love me, Thalia..."



May pag-aasam sa kanyang tinig. Pag-aasam na sana ay marinig niya ang nais niyang marinig. Pag-aasam na sana ay parehas kami ng nadarama.


Mabilis ang tibok ng aking puso. Para iyong hinahabol at tinatambol. Naging mabigat din ang aking paghinga. Para bang may kung anong nakabara. Mistulang pipi ako dahil parang biglang umurong ang aking dila. Parang hindi ako makapagsalita ng kahit ano. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinanap ang sagot sa kanya sa kaibuturan ng aking puso.



"M-Mahal kita, Kade. Oo, mahal na mahal kita..."


Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sagot na iyon. Muling lumapat ang mainit at malambot niyang labi sa aking mga labi. Sinamsam niya iyon na para bang nakadepende ang buhay niya sa paghalik. Naramdaman kong mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.


Kinuha niya ang kanang kamay ko at inilapit iyon sa dibdib niya. Sandali niyang iniwanan ang mga labi ko at bumulong sa aking tainga, "Feel my heart, Thalia. It beats so fast, only for you."


Muli ay hinanap ng mga labi niya ang akin. Inangkin niya iyon at nagsalo kaming dalawa sa mainit na sandali. Naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likuran. Hindi ko namalayang natanggal na pala niya ang kanyang pang-itaas. Ngayon ay hinawakan niya ang laylayan ng aking blusang manipis. Pinigilan ko siyang itaas iyon. Itinigil niya ang paghalik sa akin at tumingin nang mainam sa mga mata ko.


"Do you trust me?"


Tumango ako. Nagtitiwala naman talaga ako sa kanya. Pero natatakot pa rin ako. Hindi ako tanga para hindi malaman ang kahahantungan ng aming ginagawa ngayong gabi. Mahal ko siya, oo. Inamin ko na rin sa wakas sa kanya at sa sarili ko ang nararamdaman ko. Ngunit may alinlangan pa rin ako. Hindi ba't binili niya ako para gawing alipin at laruan na gagamitin niya tuwing nais niya?


Ayokong makuha ang iniingatan ko ng taong hindi naman ako mahal.


"Then let me. Trust me, Thalia...


trust me because I love you."



Nawalan ako ng lakas. At nabitawan ang mga kamay niya. Itinaas niya ang laylayan ng aking blusa. Pero ngayon, wala na akong alinlangan. Dahil sinabi na niya. Sinabi niyang mahal niya rin ako. At nagtitiwala ako sa kanya. Nagtitiwala ako at naniniwala sa bawat salitang sasabihin niya.


Undiscovered (ON GOING)Where stories live. Discover now