16

73 4 0
                                    



"Hans, please, kumain ka naman ng vegetables anak."


I looked at my baby. Ang cute-cute niya talaga. Nakatitig siya sa plato na may pakbet at kanin. Pagkatapos niya iyong titigan nang matagal ay ako naman ang tiningnan niya. Parang iiyak na siya na hindi ko maintindihan.


"Mommy...they don't look appetizing. Para nila akong aawayin eh..." Naluluhang paliwanang ni Hans. Niyakap ko siya at kinandong. Hay, kahit kailan talaga itong anak kong ito, ang pogi pero ang hirap pakainin! "Anak, bakit ka naman nila aawayin? Friends nga sila eh, they will make you healthy and strong!"


"Strong po? Like Superman and Batman?" Tanong nito. I smiled and nodded at him. Dali-dali niyang kinuha ang kutsara't tinidor at inumpisahang kainin ang niluto ko.


"I love you so much, baby Hans! Love na love ka ni mommy, lagi mo 'yang tatandaan ha?" Sabi ko sa anak ko at hinayaan na siyang maupo nang maayos. Tumayo naman ako para ligpitin ang mga laruan niyang nakakalat sa sala. Napangiti ako. Mahirap maging ina, pero masaya. Nakakapagod, pero sa tuwing nakikita kong masaya ang anak ko, nawawala iyong matinding pagod bigla. Parang magic.


Tumunog ang doorbell at agad akong pumunta sa pintuan. Binuksan ko iyon at nakita si Hannah. "Good evening, Thalia. Ginabi na ako sa work. Kumusta kayo ni Hans?" Tinulungan ko siyang dalhin ang mga pinamili niya.


"Titaaa!" Tinakbo ni Hans si Hannah at yumakap dito. Lumuhod si Hannah para magpantay sila ng anak ko. "Hi, pogi! Ang pogi-pogi naman nitong inaanak ko!"


Hannah is my bestfriend when I was in gradeschool. Tingnan mo nga naman, magkaibigan pa rin kami ngayon. Parehas din kaming tumutuloy sa simpleng apartment. Hati kami sa bills. Mabuti nga at mabait si Hannah, dahil okay lang sa kanya ang may kahati sa bahay. Ani niya, mas okay nga raw na may kasama siya dahil gusto niya ring magcatch up sa mga panahong hindi kami nagkasama. She's just so kind.


"Kumain ka na ba? Paghahanda kita ng dinner?" Tinanguan ako nito. Pumunta na ako sa kusina at naghanda ng makakain niya. Inihanda ko na ito at sabay silang kumain ni Hans. Masyadong pasaway si Hans, panay kwento tungkol sa mga pinanood niya sa TV. Spongebob, Batman, Superman, Phineas and Ferb at marami pang iba. Aliw na aliw naman si Hannah, at syempre, ako. Three years old palang si Hans pero ang tali-talino na niya at napakabibo.




"MALAPIT na ang birthday ni Hans ha? Anong balak mo?" Naglilinis kami ni Hannah ng bahay dahil sa wakas ay nakatulog na rin ang makulit kong anak. Napaisip din ako, oo nga, malapit na ang birthday ni Hans! Ano kaya ang magandang gawin sa birthday niya?


"Ano kayang magandang gawin? Anong gift kaya ang pwedeng ibigay ko kay Hans?" I asked, showing my excitement. Nilapitan ako ni Hannah at seryosong tiningnan ako sa mata. "You know what, I think he needs to know his father."


I looked at her in disbelief. Parang malalagutan ako ng hininga. Is she serious? Hindi nga alam ng ama ni Hans na nag-eexist sya! Anong sasabihin ko kay Kade? 'Hello Kade, si Hans nga pala, anak mo.' Baka maconfuse lang kaming lahat kapag pinakilala ko si Hans sa kanya!


"Para saan pa? Mag-aapat na taon na kaming annulled, Hannah. I don't think he needs to know Hans." Malungkot kong sabi. Hannah sighed. She left the sala and I guess magpapahinga na siya. I think she doesn't understand my point here, hindi niya maiintindihan ang point ng isang inang kagaya ko.


Yes, Kade and I separated three years ago. The fact breaks my heart, but I can't change it. Totoo iyon, at matagal nang nangyari. Kung paano, ay malabo pa rin sa akin ngayon. It still feels like yesterday. The love we shared, it was forever for me. Little did I know, it was ephemeral. Hanggang ngayon, ang dami ko pa ring gustong itanong sa kanya. Pero hindi ko magawa. Nauunahan ako ng kaba at takot. Paano kung kapag nagkita kami at makita niya si Hans ay hindi niya ito matanggap? Masasaktan si Hans. Hindi ko naman tinago sa anak ko na buhay ang ama niya. Hindi ko nga lang pinakilala. Palagi kong sinasabi na nasa faraway land lang ito. I wish what I tell Hans is real. Sana nga ay nasa faraway land lang siya. At least, kung naroroon siya ay babalik siya. Pero hindi. Malabo na siyang bumalik. Matagal na kaming tapos. Tapos na ang chapter niya sa buhay ko.


I have to admit that the two years of our marriage's the happiest two years of my life. Pinaramdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako. Pinag-aral niya ako, dinala sa iba't-ibang bahagi ng mundo. He gave me the world. Tinupad niya ang mga pangako niya--pero hindi niya tinupad ang pangakong magsasama kami habang buhay. Hindi ko alam kung bakit kami humantong sa hiwalayan. All I knew was, one night changed everything. Naging cold siya sa akin at bigla na lang siyang umalis. Sabi niya, for business purposes. After a week, bumalik siya na may dala ng annulment papers.


I tried asking him that time. Umiyak ako sa harapan niya pero hindi siya sumasagot. His face showed no emotions that night. Tanging iyak at pagmamakaawa ko lamang ang maririnig sa kwarto namin noon. Tinanong ko kung anong kulang, kung saan ako nagkulang. I never demanded anything from him dahil nakuntento ako sa kung anong binibigay niya. Sobra-sobra pa nga eh. Ang mahalaga lang naman sa akin ay mahal ko siya at mahal niya ako. Pero siguro nga, masyadong naging mabilis ang mga pangyayari sa amin. Baka nagising na lang siya noong isang gabi, at narealize niya na mali ang mga naging desisyon niya. Ni hindi nga alam ng mga magulang niya na ikinasal kami. Siguro nga, nagising na siya sa katotohanan at ako, masyado akong nalunod sa panaginip na iyon. Nakalimutan ko kung sino si Kade at sino ako. Sino nga ba ako para mahalin niya diba? I have nothing. And he has everything.


Wala na akong balita kay Kade. Hindi ko alam kung nag-asawa na ba siya ulit o ano. He is unavoidable because he's famous and the world knows him. Pero ginawa ko ang lahat para hindi na muling magkrus ang landas namin. Ayoko na siyang makita. Ayoko nang maramdaman pa iyong pagmamahal na kahit kailan ay hindi na namatay sa puso ko. Lalo na't iniwanan niya ako ng isang Hans Alexander. It was just a week after our annulment when I found out that I was pregnant. Hindi ko na rin nasabi sa kanya. He tried helping me by giving me a condo unit pero hindi ko iyon tinanggap. Sapat nang pinag-aral niya ako. Ayoko na dumepende kami sa kanya ng magiging anak namin--ko. Kakayanin ko lahat, lahat para sa anak ko. Nawala man si Kade, mayroon naman akong mas mahalagang inspirasyon para ipagpatuloy ang buhay. And it's my son, Hans.







Undiscovered (ON GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant