7

126 5 0
                                    


Pagbaba ko ng hagdan, ang una kong nakita ay ang nakasimagot na si Kade. Sinilip ko ang orasan, huli na pala ako ng isang oras. Malamang ay kanina pa siya naghihintay.



"K-Kade?"


"Bakit ang tagal mo? I said I'll —"



Nahinto sa pagsasalita si Kade at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko, isang oras na niya akong tinitingnan kahit isang minuto pa lamang yata ang lumilipas. Umiwas ako ng tingin.


"Alright, let's go." Mahina niyang sabi. Tumango ako at inalalayan niya ako. At muli, sa paglapat ng kamay ko sa kamay niya, sa paglalapit ng mga balat namin ay naramdaman ko na naman ang kakaibang elektrisidad na dumadaloy sa katawan ko.


Lihim akong napangiti.



Tahimik lang kami ni Kade sa byahe. Nagmamaneho siya at nakatuon ang atensyon niya sa daan. Tiningnan ko ang mukha niya. Seryoso. Pero gwapo. Ang ganda-ganda ng mukha niya. Ang kilay niyang makapal, ang ilong niyang matangos, ang labi niyang mapula.


"Why are you staring at me?"


Muntik na akong mapatalon sa boses niya. Alam niya? Alam niyang tinitingnan ko siya? Pero nakatingin siya sa daan!


"H-hindi ah." Nauutal kong sagot. Nakita ko ang pagngisi niya. Inismiran ko siya at tumingin na lang sa bintana. Napakaganda ng siyudad kapag gabi. Maraming ilaw.



"Thalia, you look beautiful tonight."


"Huh?"



Awtomatikong napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa daan. Ako? Tulala sa kanya. Anong...sinabi niya? M-maganda ako?


"Why are you blushing?"


"Ano?!" Halos mapatili ako. Tinakpan ko ang mukha ko at lalong nag-init ang tenga ko. Hmp! Nakakainis! Hindi naman ako namumula! Hindi ako kinikilig!


Narinig ko na bigla siyang tumawa. Inirapan ko na lamang siya. Maya-maya pa ay napangiti ako. Ang ganda ng tawa niya, parang sinsero at walang bahid ng misteryosong Kade. Sana lagi na lang siyang ganoon.


"We're here."


Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako. Inalalayan niya akong lumabas. Nagpasalamat ako sa kanya. Sinuklian niya lang iyong ng isang matamis na ngiti.




Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking gusali. Isa itong hotel. Siguradong puro mayayaman lamang ang nakaka-afford dito. Halata naman kasing napakaganda ng hotel eh.

Undiscovered (ON GOING)Where stories live. Discover now