2

188 8 2
                                    


"Saan ka galing?!"

Matalim ang tinging ibinato sa akin ni Inang. Magmamano sana ako ng tabigin nya ang kamay nya dahilan para matamaan ako sa ulo.

"Kaninang umaga ka pa wala! Wala tuloy kaming hapunan! Alas onse na! Naglandi ka pa siguro!" Galit na turan nito sa akin. Gusto kong umiyak. Hindi naman ako umalis para sa wala. Naghanap ako ng trabaho. Sa kasamaang palad nga lang ay nasayang ang ilang oras ko sa Kade na iyon.

"Nay, naghanap lang po ako ng trabaho, pasensya na po kayo." Mahinahon kong sabi.

"Naghahanap ng trabaho? Hoy Thalia! Undergraduate ka lang ng kolehiyo!" At dinuro-duro nya pa ako. "Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin yung trabahong inaalok ng Auntie Sonia mo!"

Matagal na akong pinipilit ni Inang na tanggapin ang trabahong inaalok ng Auntie ko. Pero ayaw ko. Magiging dancer daw ako sa isang malaking club. Hindi naman daw ako itetable. Ngunit ayoko! Bakit ko tatanggapin iyon gayong may iba namang trabahong mas matino?

"Nay, iba po ang gusto kong trabaho." May pagsusumamo sa boses ko. Tumawa sya ng pagak. "Hoy, Thalia. Ang may karapatan lang magpili ng trabaho ay ang mga katulad ni Racquel!"

Kapatid ko si Racquel. Nasa kolehiyo na sya at isang taon na lang ay makakatapos na. Ito ang paboritong anak ni Inang. Pakiramdam ko nga minsan ay ampon lang ako. Paano ba naman kasi ay iba ang trato nila sa akin ni Amang. At si Racquel, pinag-aaral pa nila sa magandang eskwelahan habang ako ay pinilit na maghinto noong magthithird year college na.

"Nanay, bigyan nyo pa po ako ng isang buwan, makakahanap na rin po ako ng trabaho..." halos halikan ko na ang paa nya. Inismiran nya lang ako at tinalikuran.

May usapan kasi kami ni Inang. Sa totoo nga lang ay napilitan lamang ako. Kapag lumipas ang isang buwan ay wala pa akong trabaho, tatanggapin ko ang trabaho sa club. Sisikapin kong makahanap ng trabaho. Hindi ko maisip na magsasayaw ako sa harap ng mga lalaking mayayaman habang sinisipulan ako at sinasabihan ng mga salitang malaswa.

Napabuntong-hininga na lang ako. Gutom na gutom na ako. Sana pala ay hinintay ko na yung pagkain sa hospital bago ko nilayasan ang mayabang na Kade na iyon. Hmp! Kapag naaalala ko ang gwapo nyang mukha, hindi paghanga ang nararamdaman ko kundi inis!

Pero may konting pagtataka rin. Natitigan ko ang mga mata nya. May kakaiba rito. Nagsusumigaw ito ng misteryo.

**

Alas seis pa lang ng umaga ay bumangon na ako. Kailangan kong maghanda para makahanap ng trabaho. Kinuha ko ang tuwalya ko at sa pagbaba ko ng bahay, nagulat ako dahil nasa sala ang Inang, magiliw na nakikipag-usap sa isang lalaki. Nakasuot ito noong parang sa mga lalaki sa hospital, iyong mga kasama ni Kade. Napansin kong may lima pang lalaki na nakatayo sa labas ng pinto namin. Aakyat na sana ako dahil may naramdaman akong kakaiba ng marinig ko ang boses ni Inang.

"Oh, that she was! She is Thalia, my son," pagpipilit ni Inang mag-english. Son pa ang natawag sa akin. Hindi naman pinansin ng lalaki ang nakakatawang english ng nanay ko.

"Wait there! I just talked to them." Paalam ng nanay ko. Lumapit ito sa akin at dinala ako sa kusina.

"Sino po sila?" Tanong ko. Mula sa pagiging maamo ay naging mabagsik na naman ang mukha ng Inang. "Binili ka na nila."

Napatutop ako. "Ano po bang s-sinasabi nyo?" Nagkakandautal ako. Naninikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga.

"Ito," at pinakita nya sa akin ang isang kapirasong papel, isang check. "Ten million pesos para makuha ka nila. Mag-ayos ka na at aalis na kayo."

Umalis ang Inang sa harapan ko. Napaupo ako sa sahig. Diyos ko, ano bang kasalanan ko? Bakit nagkakaganito ang buhay ko?

Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Bakit nagawa sa akin ni Inang ito? Talaga bang wala syang pagmamahal para sa akin? Ganoon na lang ba sya kawalang pakialam sa mararamdaman ko?

Sa huli ay gumayak na ako. Wala na rin akong magagawa. Siguro nga ito ang kapalaran ko. Ang mapait kong kapalaran.

"She look beautiful, right?" Saad ng nanay ko ng lumabas ako. Nakasuot ako ng maong at tshirt na itim, nagluluksa kasi ako. Pakiramdam ko ngayon ay binubugaw ako ng sarili kong ina. Na sa totoo'y hindi naman isang pakiramdam lang. Totoong binubugaw nya ako.

Hinatid ako ni Inang at sya pa ang may dala ng bag kong may mga damit. Sya pa mismo ang nag-empake noon. Gusto kong umiyak pero alam kong wala namang magagawa iyon.

"Thalia, umayos ka ha. Sumunod ka sa lahat ng gusto nila." Bulong ni Inang at pumasok na ako sa magarang kotse. Umandar na ito at kita ko ang pagkaway ni Inang na parang sobrang saya pa nito. May dalawa pang magagarang sasakyan ang nakaconvoy sa sinasakyan ko. Ihinilig ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at ipinikit ang mga mata ko.

Diyos ko, huwag nyo po akong pababayaan.

Thalia Monique on multimedia! :)

Undiscovered (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon