Backstory (Love triangle or square?)

Start from the beginning
                                    

"may date ka? sinong date mo? pakilala mo muna sa akin huh? alam mo naman, protective ang kuya pagdating kay bunso." he smirked.

I faked a laugh while rolling my eyes again. "Asa! dalawa lang kaya tayong magkapatid. sino pa sanang poprotektahan mo liban sa akin? hays! dyan kana nga kuya! mababaliw ako sayo!" sabi ko nalang saka ako umupo sa dine in area.

Hinihintay nya lang daw pala akong magising, hindi parin sya nagbreakfast kaya ayun, nagsabay nalang kami. Topakin yang kapatid kong yan pero sweet, sweet pero ang sarap itapon sa malayong lugar pag nagsimulang mang inis.

After that eating session with kuya Rojean, bumalik na kami sa sala. sakto naman dumating na si liam.

"morning couz!" he greeted me.

"Oy! eto bang si liam ang date mo bunso?" kuya rojean gave me a teasing look. napafacepalm nalang ako. jusko! nakakabaliw ang kapatid ko!

"ewan ko sayo kuya! aalis na kami! bye mom, dad! alis na kami ni liam! kuya! babye!" I said then ikinawit ko na ung kamay ko sa braso ni liam. "oh? anong tinatawa tawa mo dyan?" I glared at him.

"wala, wala! magboyfriend kana nga kasi katherine! para naman hindi kana asarin ni rojean! ung kuya mo parang nasisiraan na ng bait e" he chuckled. natawa nalang ako sa sinabi nya.

Pagdating namin sa parking lot ng star city. namataan ko na agad sila cess, well! ung nagyaya wala pa. Pero minutes after, dumating na rin sya. With.. kurt.

"Crys!" salubong namin sa kanya at sabay sabay kaming nagtinginan sa kasama nya.

"Who is he? Boyfriend mo?" Tanong ni cess pointing kurt.

"Sana nga." Kurt chuckled. Siniko naman sya bigla ni crys kaya bahagya syang napaaray. brutal talaga tong babaeng to!

"Hindi. Bestfriend ko lang" sagot ni crys

"aray naman crys! Sakit nun ah!"daing ni kurt.

"Oh! Bestfriend daw" ngumisi naman sila. "pakilala mo naman kami sa BESTFRIEND mo crys!" Said saki emphasizing the word bestfriend. Loka lokang babae talaga!

"O sya, Guys! This is kurt, my bestfriend. And kurt, This is saki, aldray, ian, cess, lyn, coco, liz, christian, liam and yeah, kath" pakilala nya kay kurt sa amin. sabay sabay naman silang naghello sa kanya..

"Nice meeting you kurt! Infairness, ang gwapo mo! Bagay kayo ni crys! Agree ba guys?" Pang aasar ni liz.

"Agree!" we said in unison.

"Alam mo, gusto ko na ung mga barkada mo. Feeling ko magkakasundo kami" he chuckled.

"tse! Tigilan mo nga ako. Tara na!" Sabi nya nalang tapos sabay sabay na kaming pumasok sa star city.

Nung una hindi namin malaman kung saan kami pupunta o kung anong gagawin namin. Kaso ang mga kasama naming boys, nagsibilihan ng  ride all you can annual pass tapos ayun! hinila nila kami sa roller coaster! jusko! mamamatay na yata ako!

"ayos ka lang couz? di pa umaandar huh? para kang di maihing pusa e" he chuckled.

"tse!" hinampas ko sya sa braso.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang naghihintay na umandar at ng magsimula na nga ay hindi ko na alam kung saan ibabaling yung ulo ko.

"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh! I hate you Liam! I hate you to death! aaaaaaaaaaah!" sigaw ko

"hahahahaha!" tawa nya.

Inis na inis ako kasi habang sigaw ako ng sigaw. tawa naman ng tawa si liam pero meron rin ung times na nakikisigaw rin sya sa akin kahit may pagngisi pang kahalo. kaasar!

Campus Idols [COMPLETED]Where stories live. Discover now