Maraming tao ang sumalubong sa amin ni Aivan nang makalapit kami sa may bulletin board ng department nila Aivan. Halos mapuno iyon ng tao dahil ngayon lang ipinaskil sa bulletin ang listahan ng mga nakapasang mga estudyante.

Nang medyo humupa ang dami ng tao ay saka lang kami lumapit ni Aivan para lang tingnan kung kasama rin ba ang pangalan niya sa mga listahan ng nga makaka-graduate ngayong taon.

"Excited na ako!" Ani Aivan habang hinahanap na ang pangalan niya.

Nakihanap na rin ako.

Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin namin nahahanap ang pangalan niya, naririnig ko na ang mahihinang mura ni Aivan sa tabi ko habang panay ang pagti-tsek niya sa mga listahan na nakapaskil sa bulletin board.

"Hindi ko mahanap." Sabi ko sa kanya.

Natignan ko na hanggang sa dulo ang mga pangalan na nakalista. Talagang inisa-isa namin ni Aivan ang pangalan ngunit wala naman doon ang pangalan niya.

"Nandito lang iyon!" Ani Aivan, nang balingan ko siya ng tingin ay napansin kong namamawis na siya.

Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa mga listahan nang hawakan ni Aivan ang kamay ko, nanginginig siya at sa tingin ko'y natataranta pa.

"Sasagutin mo pa rin ako di ba? Nag-aral naman ako ng mabuti ah? Pinakita ko naman sa'yo 'yung mga results ng exam ko.."

Gusto kong mapatawa sa inaasta niya pero pinili ko na lang na hindi. Alam ko naman na nag-aral siyang mabuti, minsan pa nga ay sabay pa kaming nagre-review na dalawa. Nakakapagtaka tuloy kung bakit wala siya sa listahan ng nga gagraduate.

Ngumiti na lang ako sa kanya para naman maramdaman niya na okay lang ang lahat, siguro ay nagkaroon lang ng problema.

Napalis ang ngiti ko nang makita ko na mabilis na pinunasan ni Aivan ang pisngi niya, tumulo na pala ang luha niya.

Napaka-iyakin talaga ni Aivan kahit kailan.

"Huwag ka nang umiyak diyan, Aivan." Sabi ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ako nang nay lumapit sa amin na babae na medyo may edad na. "Good Afternoon, Sir Gonzales...." Bati nito kay Aivan.

Professor siguro ito?

"Ma'am! Bakit wala 'yung pangalan ko sa mga ga-graduate? May problema po ba sa akin?" Mabilis na tanong ni Aivan.

Ngumiti naman ang babae, "Mister Gonzales. Kung maaari sana ay sa Office of the Dean ka pumuntan." Sabi pa ng babae kay Aivan.

Mabilis naming tinumbok ni Aivan ang Office ng Dean.

Kumatok siya ng tatlong beses bago kami pumasok sa loob.

"Ginoong Gonzales, mabuti at naparito ka." Sabi ng isang lalaki nang makita si Aivan sa tabi ko.

Siya siguro ang Dean.

"Sir... Gusto ko lang pong malaman kubg bakit wala ang pangalan ko sa listahan ng mga ga-graduate?" Tanong ni Aivan. Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil ko naman iyon.

Ngumiti naman ang Dean at binalingan ako, "Good Afternoon, Miss?"

Napalunok ako bago magsalita, "Dela Cruz po." pagpapakilala ko.

Napatango naman si Dean, "Ikaw pala ang inspirasyon nitong si Aivan...." Tumatango-tangong sabi ni Dean sa akin sabay baling naman ng tingin kay Aivan, "Mister Gonzales, sadyang hindi isinama sa mga listahan ng ga-gradweyt ngayong taon ang pangalan mo.... Mayroon ka kasing espesyal na pagpapakilala sa susunod na araw.."

"Ano po bang ibig n'yong sabihin, Dean?"

Muling ngumiti ang Dean, "Congratulations, Mr. Aivan Marcus Gonzales. You're a cum laude."

Napa-awang ang labi ko sa narinig ko, at alam kong gayundin si Aivan na nasa tabi ko.

Pakurap-kurap pa si Aivan habang nakatitig sa dean na larang hindi makapaniwala.

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Aivan sa akin.

"Narinig mo 'yun sweetheart? Gagraduate ako at cum laude pa!"

Napangiti naman ako habang pinupunasan ko ang pawis na nasa noo niya gamit ang palad ko, "Masaya ako dahil ipinagpatuloy mo ang pangarap mo. Congratulations, baby ko." Nangingiting sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Bahagya pa siyang napatigil.

Nang makalabas kami sa office ay muli akong niyakap ni Aivan, "Gagraduate akong cum laude... Tapos ikaw naman, gagraduate na summa cum laude."

Pinisil ko naman ang ilong niya, "Parehas tayong with honors. Sobrang saya ko... Kung alam mo lang."

"Tayo na ah?"

Napangiti ako at napakagat pa sa labi, "Tayo na ah? Uyyyyy!" Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Ang kulit lang!

Tumango ako at bago pa ako makapagsalita ay naramdaman kong binuhat na niya ako sa tuwa, "I love you!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao doon pero hindi naman niya inalintana iyon, napatawa na lang ako.

"I love you too, baby ko."

Kung dumating man ang panahon na lumapit na naman ang panibagong pagsubok sa buhay namin, sisiguraduhin kong hindi ko siya susukuan. I will fight for him, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para sa kanya... At sana ay ganon din siya.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa may tainga ko, "Wag mo akong iiwan ah?"

I wont.

Prince Of The Womanizers (Completed) Where stories live. Discover now