"Ayos ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo? Does it still hurt? Damn that Ysa Rivero! I will never ever make her life peaceful!" wika nito na naghalo na ang concern para sa akanya at galit para kay Ysa.


Sa halip na sumagot sa mga katanungan nito ay nagulat na lang siya sa sarili nang huminahon bigla ang sistema niya. "Pasok ka," marahang sambit niya. Pinilit niyang kumawala sa mga bisig nito at itinuro ang sofa. "Basa ka na. Sandali, ikukuha lang kita ng tuwalya. Gusto mo ba ng kape?"


Hindi yata maintindihan ni Indigo ang reaksiyon niya. Iba yata ang inaasahan nito. "Hindi ka galit?" malalaking matang tanong nito sa kanya.


"Few seconds ago, I was. Pero hayaan mo na 'yon. Ikukuha lang kita ng mga kailangan mo." Mabilis siyang kumuha ng towel at iniabot rito. Pansin niyang nanginginig ito marahil sa lamig sa labas. Nakunsensya pa tuloy siya. "Mukhang hindi ka pa nag-almusal," kalmadong turan niya at saka mabilis na nagtungo sa kusina upang ipaghanda ito ng makakain.


"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo, Lilac. D-dapat ay galit ka sa akin. P-pero bakit hindi ka nagagalit? P-parang wala lang sa'yo?" Sinundan pala siya nito sa kusina.


Hinarap niya ang lalaki. "Alam ko na galit ako. Pero," nalilito niyang paliwanag. "Ah, basta! Huwag mo nang isipin ang galit ko. Pero gusto kong sabihin sa'yo na naiinis ako dahil hinayaan ko ang sarili kong umasa na minahal mo na rin ako." Pinigilan niyang mapaluha. Hindi tamang ipakita pa niya iyon kay Indigo.


"What are you saying?" Gumuhit ang kalituhan sa mukha nito. Tinangka siya nitong lapitan ngunit umatras lang siya.


"I made myself believe that you are finally seeing me as somebody worth your love. Don't worry, Indigo. I will never blame you. Sinisisi ko ang sarili ko dahil ako ang umasa. Ako ang namali ng basa sa mga ipinakita mo sa akin. Ako ang namali ng pakiramdam," tuloy niya.


"Hindi na kita maintindihan!" pasigaw nitong putol sa kanya.


Ibubuhos na niya lahat. She was hurt! "Pero sana man lang noong una pa lang, ipinaintindi mo na sa akin na kaya ka lang nagiging mabait ay para kay Alessa. You should atleast have the decency to tell me that. Para hindi ako umasa," pagpapatuloy niya. "I know everything, Indigo. Alam ko na pinlano niyo ni Alessa na paghiwalayin kami ni Juan Fidel dahil akala ninyo na nagkakagustuhan kami. Well, the truth is, hindi naman talaga kami nagkakagustuhan ni JF. We are friends and we did those things para magselos kayo. Para si Alessa ay mapunta sa kanya at ikaw naman ay magkagusto rin sa akin."


"Inaamin ko naman, Lilac. Nag-usap nga kami ng pinsan ko dahil gusto niya talaga si JF. Pero hindi ako pumayag na gamitin niya. Lumalapit ako sa'yo dahil ayokong maging kayo ni JF. Hindi ko kayang makita kayong magkasama! Gusto ko sana ay babawi ako sa'yo. Gusto ko sanang ipakita sa'yo na ako naman ang gagawa ng paraan para magkalapit tayo. Mula pa pagkabata lagi na lang ikaw ang nagpapakita ng motibo na gusto mo ako. Lagi na lang ikaw ang humahabol sa'kin. This time, gusto ko ako naman ang hahabol sa'yo," madamdaming paliwanag nito sa kanya.


"Sana sinabi mo na lang 'yan noon, Indigo. Kasi hindi ko na mapaniwalaan pa ang lahat ng lumalabas sa bibig mo. Indigo, tama na. Konting wasak pa ng puso ko, bibigay na ako. Hindi ko na kaya na masaktan na naman dahil sa'yo." Tuluyan na siyang naluha. Hindi na niya kayang pigilan ang sarili.

The Indigo In Lilac [PHR] - Completedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें