Chapter Six

9.5K 218 30
                                    

PAPASOK NA si Lilac ng bahay nag mag-ring ang cellphone niya. Hindi pa man siya nakakapag-hello ay agad na nagsalita ang nasa kabilang linya.


"Lilac, samahan mo naman ako sa party."


Agad namang rumehistro sa kanya ang boses na iyon. "Juan Fidel?"


"I'll fetch you later at six in the evening. Casual party lang iyon kaya hindi mo na kailangang magdamit ng hindi ka magiging kumportable. Samahan mo ako. Please?" pagmamakaawa sa kanya ni Juan Fidel. There was urgency in his voice.


"I can't. Aalis na ako mamayang gabi for my vacation," sagot niya.


Bumuntong-hininga ang kausap. "Please? Ihahatid kita sa pupuntahan mo bukas. Promise! Just be my date for tonight," tila desperadong pakiusap nito.


"What's with the party tonight?" nagtatakang tanong niya. "Bakit ba gustong-gusto mo akong makasama? Imbitahin mo si fine-lady-in-blue mo."


"'I did. Pero may iba na siyang date for tonight. Can you guess who?"


"Sino naman? I don't care kung sino ang ka-date niya. I need to leave tonight. It's a matter of life and death for me," masungit niyang sagot sa makulit na kausap.


"Si Indigo mo lang naman ang date ng mahal ko."


Natigilan siya at lumukob ang damdaming anumang oras ay maghahamon ng away. "Pagkatapos niyang makipagbiruan sa mga magulang ko kanina dito, magtataksil siya sa akin ngayon?" wala sa loob na bulalas niya. Hindi na bale kung magkita sila ng stalker niya, huwag lang mapalampas ang gabing ito na may makasamang iba si Indigo.


Natawa ang nasa kabilang linya. "Possessive, huh?"


"Sunduin mo ako rito sa bahay ng parents ko ng saktong ala seis. I'll text you the exact address. Kung hindi, malilintikan ka sa akin. And before I hang up, ihatid mo ako sa Baguio bukas ng umaga!" matatag na wika niya.


"Baguio? What the ---"


"Oh? Bawal magreklamo. Hindi ba't sabi mo ihahatid mo ako? You can't back out now. I'm cancelling my trip to be your date. Bawal magreklamo, Juan Fidel!" putol niya sa pagrereklamo sana nito at saka in-off ang tawag.


Ang balak niyang pagbiyahe niya ng gabi ay ipagpapabukas na lang niya sa ngalan ng pag-ibig!


"Akala ko ba sumuko ka na?" tanong niya sa sarili.


Napaamang siya sa naisip. "Oo nga pala," saka umismid. "I'll be there for Juan Fidel. Hindi ako pupunta doon for my own agenda."


Pero sino ba ang niloloko niya? She would go there for herself also, not just for Juan Fidel subalit kahit kailan ay hinding-hindi niya iyon aaminin.



"AKALA ko ba ngayon ang alis mo? Bakit kasama mo si JF?" kunot-noong sita sa kanya ni Indigo. Nilapitan siya nito at dinala sa isang sulok habang abala ang mga tao sa pagkuha ng pagkain. "What are you doing here?" tuloy pa nito. Kulang na lang ay umusok ang ilong sa galit.

The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now