Chapter Four

8.9K 196 35
                                    

WHILE LILAC was bolting out of the pool area, isang babae ang nakabanggaan niya. "I'm so sorry!" hingi niya ng paumanhin dahil malakas ang pagkakabundol niya rito.


The woman looked at her and smiled. Para sa kanya ay napaka-peke ng ngiti nito dahil hindi iyon umabot sa mga mata nito. "That's okay. I'm Ysa Rivera, one of Miguel's colleague. And you are?"


"I'm Lilac Generoso," nakangiting pakilala rin niya. She might find her insincere but she would smile to her anyway.


"Hi, Lilac. I saw you and JF earlier. Are you two dating?" dire-diretsong tanong nito.


Natawa na siya. May mga nakapansin rin palang iba sa palabas nila. "No. We're not dating. We're just friends. New found friends to be exact," magiliw niyang sagot.


Tumango-tango si Ysa at saka ngumiti mula. "Okay. Anyway, see you around. I have to go," paalam nito.


"I had to go away. Nasasaktan lang ako lalo sa mga pinagsasasabi niya," di mapigilang himutok ni Lilac habang nagmamaneho pauwi. Kasalukuyan nilang tinatahak ang daan papunta sa bahay ng kambal upang ihatid ang mga iyon. Tatlo na lamang silang bumiyahe dahil si Violet ay kasama na ni Red.


"Tama. Don't give yourself a chance to be hurt by Indigo again. Hangga't hindi pa kaya ng puso mo sister, huwag ka munang makikisalamuha sa kanya," sang-ayon ni Purple.


"No! I beg to disagree with you!" kontra ni Lavender sa kakambal. Dapat ipinakita mo sa kanya na hindi ka apektado, na wala ka nang pakialam."


Napabuntong-hininga siya. "What would you like me to do? Pretend that I'm okay infront of him? Lav, I was doing that for fifteen years! I was always there smiling and fighting for Indigo. Pero lahat ng efforts ko ay hindi naman niya napansin. May nangyari ba? Wala. So please. I know you care about me but this time, I think I need to get away from him. Give myself space and appreciate my life without him," madamdaming pahayag niya. Kung hindi nga lang siguro siya nagmamaneho ay baka napahagulgol na siya.


Forgetting Indigo was very painful for her because a huge part of her still wanted to fight for him. Subalit ipinanganak naman siyang may utak. And her reason was shouting at her to move on and live her life.


Then Purple tapped her shoulder, "Okay lang 'yan. Someday, kahit hindi ka mag-effort, real love that stays will come to you. You just have to believe in God's perfect timing."


Nakangiti ito sa kanya at alam niyang seryoso na ang mga ito sa pagdamay sa kasawian niya.


"Thanks, Purp."


Pagdating niya sa bahay ay pasalampak siyang naupo sa sofa. She hurled her purse to the seat next to her and lazily throw her shoes somewhere. Pumikit siya at dinama ang pagod niya sa araw na iyon. Kahit pala um-attend lang ng party ay nakakapagod na. Ilang araw na rin kasi siyang subsob na lang sa trabaho. She wanted to rest. Panahon na siguro para humingi siya ng leave sa Daddy niya kahit tatlong linggo lang. Gusto niyang umalis sa Maynila at magpunta sa mga lugar na tiyak niyang malilibang siya.

The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz