Chapter Ten

9.7K 199 6
                                    

"YOU'VE CHANGED. Parang ang saya-saya mo," bati sa kanya ni JF habang naglalakad sila sa mall at kumakain ng ice cream. Nagkabati na rin silang dalawa pagkatapos niyang makipag-ayos kay Indigo. Naipaliwanag na ni Juan Fidel na kaya lang naman ito nagsinungaling ay upang maging normal ang kilos nila nang gabing iyon. Tiyak daw kasing makakahalata ang stalker nito kung sakaling planado ang lahat ng bagay. Humingi na rin ito ng paumanhin. Laking pasasalamat talaga niya dahil wala si Indigo. May family gathering sa Batanes ang buong angkan ng mga Piedra.


Ikinuwento rin niya kay Juan Fidel na nakaengkwentro niya nang gabing iyon ang stalker nito. Hindi nga lang niya nakita ang mukha dahil sa pagkakabagsak niya. Mabuti na lang at wala siyang natamong galos o pasa sa pangyayaring iyon. Kung hindi, gaganti talaga siya kahit sino pa iyon.


"Ikaw din. Ang saya-saya mo kumpara noong isang linggo. Nagkikita na ba ulit kayo ni Alessa?" usisa niya.


"Oo. And what's more, we are officially a couple now," nakangiting pahayag nito. "Umamin na rin ako sa kanya na alam ko lahat ng nangyari sa kanya noon. Sabi ko nga sa kanya, gagawin ko lahat para lang maprotektahan lang siya. Ayokong mangyari na magtaguan na naman kami ng nararamdaman dahil lang sa stalker na iyon."


"Tama!" masayang sang-ayon niya. "Congratulations, Juan Fidel!"


Nahihiyang napakamot ito sa batok. "Salamat! At siya rin, maraming inamin sa akin na nakakatawa," dagdag pa nito.


"Tell me. Share it," untag niya. Masaya kasi siya para sa kaibigan.


"Sabi niya sa akin, matagal na raw talaga siyang may gusto sa akin. I guess, kaya siya pinagbabantaan ng stalker ko dahil alam nito na gusto rin ako ni Alessa. Mas madali nga namang takutin ang mga babae kaya siguro si Alessa ang pinuntiriya niya."


"Kung ganoon, wala naman pala talagang unrequited love sa pagitan niyo. May asungot lang na talagang pinaglalayo kayo," komento niya.


"Exactly. At sabi pa ni Alessa, nagselos daw siya ng husto sa'yo. Ang ganda-ganda mo raw lalo na noong party na ako ang naghatid sa kanya pauwi. Remember that time before your vacation? Masama daw ang loob niya dahil matapos ang ilang taong hindi namin pagkikita ay malalaman niya na may nililigawan na akong iba," tuloy nito sa kuwento. Namumula-mula pa ang pisngi nito.


Kaya pala malungkot ang itsura ni Alessa noon. Hindi iyon dahil si Indigo ang kasama niya kundi si Juan Fidel kasi ang date niya.


"Pero 'di ba, dati ay gusto siya ni Indigo? I mean, they were dating." Nag-aalala siya para sa lalaki. Kahit na sinasabi ni Indigo na wala silang naging relasyon ni Alessa, paano kung masaktan ito kapag nalaman na si Juan Fidel talaga ang gusto ng babae? She knew he would be affected by it. Bruised ego and all because Alessa chose Juan Fidel over him. Ayaw niyang makitang ito naman ang nahihirapan kahit pa nga nagdeklara ito na siya na ang gustong maging girlfriend.


Natawa muli si Juan Fidel. "Alam mo ba? Ngayon ko lang nalaman na magpinsan si Alessa at Indigo."


"What?" Parang namali yata siya ng dinig.


The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now