Patalastas Two!

7K 132 3
                                    

Hello!


Sa mga nakaabot na po rito sa ikalawang patalastas, maraming salamat! Sa mga nagme-message sa akin para huwag ko na raw silang bitinin, hahahaha. Maraming salamat!


May kuwento ako. Kuwentong writer na first time makakita ng reader sa book store na bibili ng libro niya.


Nasa National Book Store ako sa SM North. Habang naghahanap ako ng reference material para sa isang subject na gusto kong pag-aralan, napadaan ako sa pocketbook shelves. Bilang baguhang manunulat, hinanap ko kung nandoon ang dalawang obra ko sa PHR.


Nandoon ang Red Is The Color Of Violet.


Nandoon and The Indigo In Lilac.


Aalis na sana ako nang may isang babaeng nagtingin-tingin din ng mga pocketbook doon para bumili. Laking tuwa ko nang kuhanin niya si The Indigo In Lilac. Hehehehe. At that moment, naisip ko na i-approach ko siya at magpakilala. Pero nahihiya ako. Kaya hindi ko na lang siya ginulo sa pamimili pa niya ng ibang libro.


Na-realize ko mula noon na dapat may kalidad ang mga ginagawa kong istorya. Dahil hindi biro ang bumili ng pocketbook na kapag nabasa mo naman ay madidismaya ka.


Kay ATE na nakita kong bumili ng book ko, sana nagustuhan mo siya at hindi ka nadismaya.


At para sa inyong lahat, konting hintay pa. Makukumpleto ko rin ang pag-po-post kay Indigo. HAHAHAHA


XOXO,


Jel Evans ♥

The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now