Chapter Two

9.5K 201 15
                                    

ALAS KUWATRO y medya pa lang ng madaling araw ay dilat na dilat na si Lilac. Nakasanayan na niyang gumising ng mas maaga kaysa sa alarm clock niya.


Inabot niya ang cellphone na nasa ilalim ng unan niya at nagsimulang mag-type ng mensahe para kay Indigo. "Good morning, handsome! I hope you had a wonderful sleep last night. Did the bed bugs bite you? I love you," basa niya sa i-t-in-ype niya nang sakto namang lumiwanag ang screen ng phone niya at nagsimulang mag-alarm.


"Good morning, beautiful! Today is a new day! Today is a new life! You are worthy. You are lovely. You are loveable. Someday, someone will love you! Someone will chase after you! Someone will take care of you! Wake up! The world needs you!"


Hindi pa man natatapos ang self-recorded niyang alarm tone ay naiyak na siya. She cancelled her message to Indigo. She almost forgot that last night, she decided to let him go. Alam niyang matutukso siyang i-text ang lalaki kaya't nag-record siya kagabi upang paalalahanan ang sarili niya sa oras ng paggising niya na nagbagong buhay na siya. Hindi na niya guguluhin si Indigo. Sa kanyang paggising ay kailangan niyang itanim sa isipan niya na may isang taong nakalaan para sa kanya. She would remind herself of that from now on. Masyado na kasi siyang nasanay na parte ng buhay niya si Indigo. "Unang araw pa lang naman. Kaya ko ito!" kalma niya sa sarili at muling isiniksik sa ilalim ng unan ang cellphone saka bumangon.


She was cooking breakfast for herself. Naglalaba siya, namamalantsa ng sariling damit at naglilinis ng sariling bahay. Iyon ang kinalakihan niyang pamilya. Kahit na marami na silang pagmamay-ari at yaman, gusto ng mga magulang niya na huwag nilang abusuhin ang kapangyarihang dala ng pera. Gusto ng mga ito na maging payak ang kanilang pamumuhay. Naniniwala kasi ang tatay niya na habang yumayaman ang isang tao, dumadami rin ang gastos kaya't mas mainam na maghigpit at magtipid. Alam niya iyon at gusto niyang sundin ang kanyang ama sa prinsipyo nito.


She bought her own house from her own money. Kung dati ay empleyado lang siya ng hotel company ng kanyang ama, ngayon ay isinalin na nito sa kanya ang pagiging Chief Executive Officer kaya't lalong hindi siya dapat magpabaya sa trabaho. Mali ang ibang tao sa pag-iisip na maaari mong gawin ang kahit ano sa sarili mong kompanya dahil sa'yo naman iyon. Para sa kanya, kailangang pinag-iisipan ang mga desisyong ginagawa ng isang tao sa sarili nitong kompanya dahil marami ang nakasalalay, marami ang umaasa at marami ang maaapektuhan. 'Yon na lang ang iisipin niya sa ngayon upang mawala ang atensyon niya sa sawi niyang puso.


Kasalukuyan din siyang nag-iipon dahil gusto niyang libutin ang buong Pilipinas gamit ang sarili niyang pera. Hindi lahat ng tourist spots sa bansa ay may hotel branch sila kaya pati ang accommodation fees na kailangan niyang gastusin sa plano niya ay kailangan niyang pag-ipunan. All the while, she was planning this trip because she knew her heart would be broken. Ang paglilibot lang ang tanging paraan niya upang malibang bukod sa pagtatrabaho niya.


Tahimik niyang kinain ang agahan niya. Wala siyang ganang mag-jogging ngayong umaga. Ni hindi nga siya nagpatugtog habang nagluluto. When she woke up today, she knew her life would change drastically because she let him go. Ganoon kalaki ang epekto ni Indigo sa sistema niya. "Gising na kaya siya?" Tumingin siya sa wall clock. Sumisilip na ang liwanag ng araw. "Sana kumain siya ng breakfast. Magpakabusog ka, ha?" kunwa'y kausap niya sa invisible Indigo.


Nagbuntong-hininga siya. Hanggang pangarap na lang lahat.


The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now