Prologue

10.2K 208 8
                                    

"KILALA MO ba ako? Ako ang future ni Indigo! Kaya kung ako sa'yo, get out of my way. Akin lang siya, mula ulo hanggang paa!" dinig niyang sigaw ng babaeng iyon sa kapwa nito babae habang nasa loob ng locker room. Tiyak niyang matatakot na naman ang kawawang nilalang.


Kumatok siya sa pinto upang pigilan ang nagaganap na gulo. Hindi na siya nagulat nang makita doon ang nakababata niyang kapatid na si Violet kasama ang mga kaibigan nito. "Hey girls! Ano na naman ang ginagawa niyo sa kanya," turo niya sa babaeng inaaway ng mga ito. He knew that poor little thing had a crush on him. Kaya nga ito tinambangan ng magbabarkada. "Tinatakot niyo ang mga admirers ko," malamig niyang pahayag.


Namutla naman ang babaeng kanina ay matapang na sumisigaw. "I-Indigo! K-kanina ka pa diyan?"


"I heard everything you said, Lilac. And please, you're not my future. You'll never be. Kailan mo ba 'yon matatanggap?" iritadong sagot niya. Quota na sa kalokohan ang babaeng iyon. She was always terrorizing his admirers. Mabalitaan pa lamang nito na may nagkakagusto sa kanya ay susugod na agad upang komprontahin kung sino man ang babaeng iyon. Pati sa mga homosexuals na nagkakaroon ng interes sa kanya ay nilalabanan nito. Inis na inis na siya sa asta nitong akala yata ay girlfirend niya.


Maganda naman si Lilac. Matalino ito at maraming lalaking nagkakagusto. Natatandaan pa niya nang minsang maabutan niya ang dalawang lalaking nagsusuntukan sa gym. Pinagtatalunan ng mga ito kung sino ang unang magtatanong kay Lilac upang maging date ng mga ito para sa JS Prom. Natawa na lamang siya sa loob niya dahil nauna na siyang tanungin ni Lilac kung gusto ba niyang siya ang maging date nito sa darating na party.


Akmang tatalikod na siya nang magbago ang kulay ng mukha nito. Muntik na siyang bumait nang masaksihan ang pamumula ng magkabilang pisngi nito at unti-unting pagtutubig ng bilugan nitong mga mata. Ang mala-dragon nitong itsura kani-kanina lang ay napalitan ng maamong bata na kaunting salita pa mula sa kanya ay tuluyan nang iiyak. And he tested the water. "Ano? Iiyak-iyak ka diyan ngayon? Hindi kita gusto, Lilac. Maingay ka, magulo, masyadong matapang. You are controlling. Naiisip ko pa lang na ikaw ang girlfriend ko, kinikilabutan na ako. Now what? 'Yon ba ang masasabi mong magiging future ko?"


Sa halip na tuluyang umiyak kagaya ng inaasahan niya ay mas lalo niyang nakita ang determinasyon sa mga mata nito na diretsong nakatitig sa kanya.


"Hindi ako susuko, Indigo. I choose my own future. And I have already chosen you to be my future. I will prove to you that I am worthy of your love. Hindi man sa ngayon, pero sisiguraduhin kong darating ang araw na ako rin ang pipiliin mo para sa sarili mo."


"Try harder, little brat. Hinding-hindi mo ako mapapa-amo," aniya sabay talikod.


Para siyang tanga na nakangiti habang pabalik sa klase niya noong araw na iyon. He was so sure Lilac iritated him from hell and beyond. Walang makakapagbago ng iritasyong nararamdaman niya para sa babae. Subalit sa hindi malamang dahilan ay tila nasabik siya kung ano pa ang mga magagawa nito para nga mapaamo siya. Isa lang ang titiyakin niya, susuko ito dahil kahit kailan ay hinding-hindi siya mapapaamo ng tigresang iyon.

The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now