Chapter Eleven - The End

12.6K 329 84
                                    

"OPEN THE door, Lilac!"


Ang paulit-ulit na sigaw na iyon ang gumising sa kanya kinaumagahan. "Kumatok ka maghapon. I won't open that damn door," sabi niya at inayos ang pagkakahiga sa kama. Siya namang pag-ring ng kanyang telepono. "Sis, what's up?" bungad niya. Si Violet ang tumatawag at alam na niya kung bakit.


"Nandyan na ba si Kuya? Tinakasan niya si Mr. Gregory!" naghuhumiyaw ito sa kabilang linya.


"Yes. He's breaking my door. Pakisabi sa kanya, bayaran niya na lang kapag nasira niya," walang emosyong sagot niya.


"Oh, God! Dad is so furious. Hindi dapat tinatakasan ang butler. At pinagbantaan niya ang piloto na paliparin ang plane kahit na malakas pa rin ang ulan! Nag-aalala kaming lahat dito," naiiyak na pahayag ng kausap.


"Pakisabi kina Tito at Tita na nandito si Indigo. Mukhang wala namang nangyaring masama sa kanya."


"Galit ka ba kay Kuya? Bakit hindi mo pa siya pagbuksan ng pinto?" naguguluhang tanong ng kaibigan.


"He fooled me, Violet. Sila ng pinsan mong si Alessa. At saka may kasalanan ka sa akin. You didn't tell me that you and Alessa are cousins!" nagtatampong akusa niya.


"Ha? Hindi ko naman alam ang ginagawa ni Kuya at saka hindi mo naman itinanong. And we haven't seen each other for a long time," depensa nito.


Umismid niya. "Never mind. Sige na, Violet. I'm still sleepy. Tell everyone that Indigo's safe and sound here outside my house," iyon lang at nagpaalam na siya.


Patuloy lang sa pagsira ng pinto niya ang lalaki sa labas. "Damn it, Lilac! I know you're inside. Come on! Open the door!"


Ilang minuto pa niyang hinayaang sumisigaw si Indigo. Napatunayan rin niya na matibay ang pinto ng bahay niya dahil hindi iyon natinag sa mga kalampag ng binata. "Hay! Kahit kailan talaga hindi kita matitiis," sambit niya sa sarili at saka tumayo.


Pagbubuksan na niya ang binata. Hindi rin naman niya maatim na hulihin ito ng security sa subdivision nila dahil lang naghuhumiyaw ito sa labas ng bahay niya. Tiyak din niyang masakit na ang kamay nito kakapalo sa pinto. Hindi rin naman niya matatakasan iyon. Sooner or later, she had to face Indigo to clear things out. Mas mabuti pang magkalinawan na sila ngayon kaysa tumagal pa ang paghihirap niya.


Bago niya tuluyang buksan ang pinto ay huminga muna siya ng malalim. Inipon niya lahat ng lakas ng loob at kapal ng mukha na mayroon siya sa katawan para sa komprontasyong magaganap. "Are you trying to break my door, Indigo?" walang emosyong tanong niya pagbukas ng pinto.


"Lilac!" sigaw nito at bigla na lang yumakap sa kanya.


Hindi siya nakapiglas dahil sa mabilis nitong pagkilos. "Aray! Ang mukha ko!" reklamo niya dahil naipit na ang namamaga niyang pisngi at ilong sa dibdib nito. But when she felt how his broad chest enveloped her, how his fast heartbeat felt on her and how she loved the warmth she was feeling inside the arms of this man. Alam niya sa pagkakataong iyon na naglaho na ang galit niya pati sakit ng mukha niya. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi na sila mag-uusap ng masinsinan ng tungkol sa kanilang dalawa. Sa isang iglap ay kumalma ang nanggagalaiti niyang mood.

The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora