Chapter Three

9K 221 3
                                    

"HOW LONG have you been the CEO of the Royal House?" tanong sa kanya ni Juan Fidel.


Mabait naman pala ito kumpara sa mga 'Juan' na kasama ng kambal. Mas may sense itong kausap at hindi marunong mambola. She learned that the three men were cousins at kamag-anak din ng mga ito si Miguel del Castro. They have Spanish blood – their fathers to be precise. Kaya't hindi na nakapagtataka kung magkakapareho ang mga pangalan nito pati ang mga facial features.


"Actually, malapit pa lang mag-isang buwan. My dad still supervises my work. The past week had been full of paperwork review." Hinawakan niya ang sentido. "Masakit pala sa ulo lalo na kung puro pagbabasa lang ang ginagawa sa buong maghapon. I have a habit of forgetting about time when I am so full of work."


Lumagok ito ng wine. "You should rest, you know. Have a time limit for your work. Hindi maganda sa trabaho ang wala kang limitasyon. Kung hanggang 5 o'clock lang ang oras sa opisina, puwede kang mag-extend until 6:30 in the afternoon but not later than that. Ilaan mo rin ang oras mo sa pagpapahinga o paglilibang ng sarili."


"Pero wala naman akong ibang gagawin. I'm fine," depensa niya sa sarili.


"Are you sure about that?" paninigurado nito.


"Oo naman. Besides, kapag wala akong ginagawa, lagi lang akong may naiisip na kakaiba. Kaya mas mabuting busy ang isip ko." Si Indigo na naman ang tinutukoy niya. Ganoon naman talaga 'yon kaya siya nagpapakamatay sa trabaho. Kapag wala siyang ginagawa, si Indigo ang walang babala na pumapasok sa isip niya. Ayaw na niya.


"Now, I am intrigued," nakangiting pahayag nito. "Would you like to tell me about it?"


Napabuntong-hininga siya. Kanina pa niya ito tinatanong tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa pagkatao nito at sinagot niyon lahat ng walang alinlangan. Oras naman para siya ang maging laman ng usapan. "To cut the long story short, I am inlove with a man who is not interested in me. For fifteen years, it has been me who's loving him. I did all the stupid things to make him fall in love with me. Pero wala pa rin. So, just a few days ago, I decided to end my fifteen long years of unrequited love. Kapag wala akong ginagawa, lagi ko lang siyang naiisip. And I really want to make an effort to stop thinking about him."


Tumango-tango ito at seryosong nag-isip. "So, you need distraction?"


"I have it already. My job as the new CEO of our hotel company is a very good distraction," she said honestly.


Pumainlalang sa buong hall ang isang malamyos na tugtugin na siyang pumutol sa pag-uusap nila. Her friends stood up, guided by their escorts. Pinangunahan ng mga ito ang pagsayaw sa dancefloor.


"Dance with me?" ani Juan Fidel habang nakalahad ang kamay at nakangiti ng tipid.


For the first time, gusto niyang makipagsayaw sa isang lalaki. Noong college days, marami ang nagyayaya sa kanya pero hindi siya nagpapaunlak dahil gusto niyang maging first dance si Indigo. Kung hindi siya nito isasayaw, hindi na lang siya sasayaw forever. Wala ngang 18 roses noong debut niya dahil kasalukuyan noong nasa ibang bansa si Indigo para mag-aral. Ayaw niyang may mauna rito na makipagsayaw sa kanya.

The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora