"Mali yata ung pwesto natin?"

"No. We're staying here together with my mom and dad." Sabi nya. Nanlaki naman ung mga mata ko. A-ano daw? Baka nabibingi lang ako.

"Anong sabi mo?"

"ugh! I said we're staying here together with my mom and dad! If you want then go there! Psh!"

Natigilan naman ako. Shet! So tama nga ung dinig ko? Waaaaaaah! Ayan nanaman, ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko! Waaaaah!

"Kumalma ka crys.. Wag kang OA" I whispered.

Bigla namang nagbeep ung phone ko sa loob ng pouch ko kaya kinuha ko iyon.


=========================

From: Katerina

Girl akala ko hindi ka makakapunta! ^_^

=========================


Pagkabasa ko nung mensahe, napalingon ako sa mesa sa kaliwang side namin ni jerk. Nakatingin naman na sa akin si kath. Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti na rin ako. Buti naman okay lang sya, katabi nya kasi ngayon si jahlen eh, nakapagtataka lang kasi parang medyo malayo sila sa isa't isa? Buti naman. Makakahinga ako ng mas maluwag.

Pumikit nalang muna ako ng mariin saka ako dumilat at humingang malalim. Nakita ko naman ung emcee na lumapit na sa microphone. So malapit ng magstart? Wew!

Nagsimula ng bumati ung emcee sa mikropono.

"Goodevening ladies and gentlemen!" bati nya. Nagsalita din sya dun ng nagsalita pero wala akong pakielam. Hindi parin kasi nawawala ung tensyon na nararamdaman ko darn! Kinakabahan ako ugh!

Ung emcee gustong gusto ko ng patayin! Bakit? Kasi eto, pinagsisigawan ba naman sa lahat at inisa isa kaming mga campus idols! Bwisit!

Kahit tuloy labag sa kalooban ko lalong lalo na si jerk, tumayo kaming dalawa, actually lahat kaming mga campus idols saka nagbow sa lahat ng mga tao. Tuwing matatawag ung pangalan namin at tumatayo para magbow. Utos nila yun sa amin e, pag daw naipakilala na kami, magbow daw kami tss!

Pag upo ko, panay ang dinig ko sa mga mura ni jerk. Halatang badtrip na badtrip na kasi sya, kahit ako naman tss!

"Curse you! Fvck! You're getting on my nerves ugh!" Bulong nya habang nakatingin sa emcee. Napangiti nalang din ako pero nawala ung ngiti ko ng mapansin ko ung bracelet, wala na sa kamay nya, hindi nya na suot. Tinanggal nya?

"As expected. Tumutugma ang reality ko sa mga expectation ko ah, nakakatawa" I shook my head while smiling trying to hide my sadness.

Nakinig nalang ulit ako sa emcee, gusto kong tanggalin na ang mga bumabagabag sa akin pero di ko magawa, lakas makaepic fail! Damm!

"Let's all welcome! The owner of this school, no other than, Mr. Sandoval together with her lovely wife, Mrs. Olivia Sandoval!" Sigaw nung emcee tapos bigla nalang nagsitayuan ang lahat at magpalakpakan. Kahit tuloy di ko naman alam ung mga nangyayari sumusunod nalang ako.

Pumasok naman bilang grand entrance ang tingin ko eh mag asawa. Well, maganda ung babae huh? Ung lalaki gwapo din.

Teka, palapit sila sa amin ni jerk ah! Bakit bigla nanaman akong kinabahan? Shet! Nawawala na talaga ako -_-

Mas nagulat pa nga ako nung huminto sila sa mismong harapan namin. Lumapit si jerk sa kanila at yumakap dun sa babae, nakipagbeso beso din sya dun saka sya nakipagkamay dun sa lalaki.

Campus Idols [COMPLETED]Where stories live. Discover now