"They're cousins, Lilac," ulit nito. "That night when we first saw them together, magkasama sila dahil engineer din si Alessa. That was a party of architects and engineers after all. Nagulat nga ako nang malaman kong magpinsan sila. Indigo never told me. We've been together for how many years during college. He never once told me they were cousins!"


Natawa siya. "Talaga? Bakit hindi ka man lang nagduda? Siguro lagi rin naman silang magkasama noon, 'di ba?"


"Wala akong kaalam-alam. Muntik ko pa siyang makasuntukan dahil kay Alessa noon pero hindi niya man lang binanggit na magkamag-anak sila! I have to give him something, a punch maybe. Pinasakit niya ang puso ko sa pag-aakalang siya ang gusto ni Alessa ko. Magkaiba ang apelyido nila at hindi rin naman sila magkahawig. Sino ang mag-aakala na magkamag-anak ang dalawang iyon?"


"Bakit hindi mo ni-research?" sambit pa niya. "Kung ako ang nasa kalagayan mo, inalam ko ang lahat ng tungkol sa lalaking karibal ko. Hindi na nga lang ako interesado sa mga babae ni Indigo kaya hindi ko na inalam pa ang tungkol kay Alessa." Kung gayon, hindi na niya kailangan pang magselos sa tuwing kasama ni Indigo si Alessa. Nakahinga na siya ng maluwag.


"Hayaan mo na. Kapag nagmamahal talaga tayo minsan ay nagkukulang ang isip natin," natatawang sagot nito sa kanya.


"Ituloy na ang kuwento," wika pa niya.


"Okay!" masayang bulalas nito. "Nalaman ko rin na sa tuwing sinasabi ko kay Alessa na lalabas tayo noon kahit hindi naman totoo, sinasabihan niya ang pinsan niya. Sinasabayan naman ni Indigo na yayain ka din para siguro hindi tayo magkita. I guess, they really believed na nagkakagustuhan tayo kaya pinipigilan nila tayong magkita."


Did I hear it right? "Ano kamo?"


"Nag-usap sila na paglayuin tayo. Gusto ni Alessa na tulungan siya ni Indigo na huwag tayong magkita. Buti nga ngayon, magkasama ang dalawang iyon sa Batanes for family gathering, nagkaroon tayo ng panahong magkumustahan man lang," nakangiti nitong tuloy sa kanya. "Hindi ko na inamin kay Alessa na nag-usap lang din tayo para pagselosin sila. Sikretong malupit na natin 'yon. At alam kong nagkaroon din kayo ni Indigo ng panahon para magkasama. Kumusta na kayong dalawa?"


Nanlamig ang buo niyang katawan at kusang nagbalik lahat sa ala-ala ang mga pagkakataong ginagamit niya si JF na pain kay Indigo. "Kaya pala palagi akong pinupuntahan ni Indigo? Para pala siguraduhin na hindi tayo magkikita dahil gusto niyang kayo ni Alessa ang magkatuluyan. I get it," nanghihinang sabi niya. "Inaliw lang niya ako dahil iyon ang napag-usapan nilang gawin ni Alessa."


"Bakit parang masama pa ang loob mo? Napalapit ka rin naman kay Indigo, hindi ba?" nagtatakang sansala ni JF.


Tiningnan niya lang ito. "Kaya pala sinimulan niya lang akong lapit-lapitan pagkakita natin sa kanila. Sabi ko pa, after my vacation I'll get serious with you. Alam mo ba kung ano'ng sinabi niya? Sinabihan niya akong gusto niyang malaman ang pakiramdam ng maka-date ako. That he'll keep an eye on me better when I get back. Lahat pala ng iyon ay dahil sa takot nilang dalawa na maging seryoso tayo sa isa't isa." Natawa siya ng mapakla. "Fuck them," tuloy pa niya. Pakiramdam kasi niya ay nalinlang siya ng bonggang-bongga. Ang lahat ng pagtataka niya sa ikinilos at ginawa ni Indigo ay nabigyan na ng kasagutan. 'Yon lang pala ang dahilan ng lahat.

The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now