"He invited me to join him tonight," patay malisyang sagot niya.


"How about your trip?"


"He promised he would drive me to Baguio tomorrow. Basta pumayag lang daw akong sumama sa kanya ngayong gabi," kalmadong paliwanag niya.


"No! He can't!" bulalas nito. Nang lingunin niya ay bakas ang namimintong galit sa mukha nito.


"Yes, he can," bulong niya.


"Ako na ang maghahatid sa'yo bukas!"


Naglaban ang kalooban niya. "Bakit ba ganyan ka? Lumalayo na nga ako sa'yo, lapit ka naman ng lapit!" Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na isigaw iyon. Mula sa gilid ay nakita niyang nakatingin sa gawi nila ang original date ni Indigo. Nakita niya kung paano nito pasadahan ang itsura niya at ang bahagyang paglungkot ng mukha nito. Kahit na nag-uumapaw ang galak niya dahil tila kina-iinggitan siya ng magandang ka-date nito ay hindi niya kayang maging mang-aagaw sa paningin ng babae. She knew how it felt. "Hey! Instead of pestering me here, why don't you go to your date? Hindi magandang pinaghihintay mo siya," aniya at saka siya tumalikod.


"Lilac!" tawag nito subalit hindi na siya lumingon pa.


"Ang tagal naman kasing kumuha ng pagkain ni Juan Fidel," she muttered under her breath.


Nang matagpuan niya ito ay agad niyang isinukbit ang braso niya sa braso ng lalaki. "Huwag kang umarte, JF. They are looking at us. I'm sure of it," may kumpiyansang pahayag niya.


Right then as if on cue, paglingon nila ay siya namang paglapit ng iniiwasan niyang magkapareha. Nakangiti ang dalawa subalit nang dumako ang tingin niya kay Indigo ay nanlilisik ang mga mata nito. Hindi nito iyon maikukubli sa kanya.


"Pare," bati ni Indigo kay JF. Nagkamay ang dalawa.


"Siya nga pala, we always see each other but I haven't really gotten the chance to introduce my lovely date for tonight. JF, Lilac, meet Alessa. Alessa, this is Juan Fidel. Of course you know each other," tukoy nito kay JF at Alessa. "And this very pretty lady here is Lilac, one of my little sister's friend."


Inabot niya ang kamay nito at nakita niya muli ang lungkot na nakita niya sa mukha nito kanina. Kumpirmado. May pinagdadaanan rin ito. It's your fault, Indigo! He caught you talking to me. Sino'ng babae nga naman ang magiging masaya kapag nakita niya ang mahal niya na may kausap na magandang babae. Oh. He called me very pretty, biglang bawi niya sa isip niya. Silently, kinilig ang insides niya. He called her very pretty.


"Nice to meet you, Miss Lilac," nakangiting bati sa kanya ng babae.


She couldn't get angry with her even if Indigo was holding her hand. She just couldn't get angry with her sad eyes. Ako na ang martir! "Nice to meet you, too. You're very beautiful, Alessa," 'di mapigilang bati niya.


"Yes, she's beautiful," wala sa sariling bulong ni JF sa kanyang tabi.


The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now