He turned his back at me pero napahinto sya kaya natigilan din ako.

"what are you shouting again? Ayaw mo ng masaktan ulit? Come on brat! Loving is giving your all kahit masaktan ka pa." Sabi nya ulit bago nagpatuloy sa paglalakad.

I was eyes widened dahil sa sinabi nya. Seriously?! Anong katangahan nanaman ung sinabi nya? Love is giving your all kahit masaktan ka pa? Unfair yun!

"Hoy jerk sandali!" Sigaw ko saka ko sya hinabol.

"what?" He said, irritatedly ng mapantayan ko na sya.

"Mali ka." I said.

"huh?" Kunot noo syang tumingin sa akin. Tumigil na rin sya sa paglalakad kaya natigil na rin ako.

"Loving isn't always giving your all lalo na kung nasasaktan ka na. Love should always be loving yourself first before others. Bakit? Kasi paano ka magmamahal kung halos wala ka ng maitira sa sarili mo? Magtira ka parin para sa sarili para ung pagmamahal na yun, maaari mong magamit para magsimula ulit. Yung pagmamahal na yun ang hihigit sayo pataas. Hindi man ganun kabilis, pero paunti unti ay hihilumin nung pagmamahal na yun ang mga sugat sa puso mo." I smiled.

"Tss!" He just shook his head then continued walking.

"totoo yun ah! Palibhasa ikaw kasi hindi marunong magtira sa sarili mo. Alam mo jerk, there's nothing wrong of loving yourself more than you love somebody else. Mas maganda nga yun e"

"shut up. Let's go!" Hinigit nya ako bigla kaya nagpatianod nalang ako.

Kahit kailan ayaw nya talaga ng napagsasabihan tsk!

"Oh, san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng huminto kami sa harapan ng kotse nya.

"Hop in" yun lang ang sinabi nya tapos binuksan nya na ung pintuan ng kotse nya at pinagtulakan ako papasok dun. Okay! Sya na talaga -_-

Well, kung dati ang ingay ingay ko at nagsisisigaw ako pag pinagtutulakan nya ako sa kotse nya. This time tumahimik nalang ako. Tumingin nalang ako sa daan kahit gustong gusto ko syang tanungin kung saan ba kami pupunta tch!

Habang nasa daan kami, nakaramdam na ako ng hilo at antok kaya pumikit nalang muna ako.

"Ouch!" Napadilat ako ng bigla nalang nagpreno si jerk. "ano bang problema mo?! Kung balak mong magpakamatay wag mo akong idamay! Kainis!" Sigaw ko sa kanya. Nakapagilid na kami ngayon sa kalsada, buti nalang nakaseatbelt ako.

Tiningnan nya ako pero ung mukha nya, hindi ko nanaman mabasa kung ano bang ibig ipahiwatig ng mga titig nya.

"baba." Yun lang ang sinabi nya kaya nanlaki ung mga mata ko.

"ano? Nasisiraan kana ba? Matapos mo akong ipagtulakan pasakay dito sa kotse mo pabababain mo ako sa kung saan?!"

"I said baba!" He said looking serious at me. Nakakatakot ung tingin nya na feeling ko nanginig ako bigla.

"O-okay.." Dahan dahan akong lumabas ng kotse nya then pagbaba ko, mabilis nyang pinaandar ung kotse nya paalis.

Seriously?! Iniwan nya ako?! Ang taas taas ng araw oh! Ang sakit sa balat!

"Ugh! Paano na ako makakauwi? Hindi ko naman alam kung nasaan ako?" Napabuntong hininga nalang ako saka ako umupo.

Isinubsob ko ung mukha ko sa braso ko. Bakit ba kasi ako nagtitiwala sa lalaking yun? Dapat nagreklamo ako nung una palang! Ugh! Kainis! Naiiyak nanaman tuloy ako.

Ung phone ko lowbatt, paano ako tatawag? At kung makatawag man ako, hindi ko naman alam kung nasaan ako. Paano na? Hayys!

"Kainis! Ano nanaman bang nangyari jerk? Masaya ka ba talaga pag ginaganito mo ako ha? Akala ko ba okay na? Mabait kana sa akin? Bakit biglang ganito na ulit?"

Campus Idols [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant