Hanggang ngayon, kahit na anong sakit, mahal ko pa rin talaga si Aivan.

Pero paano ko ipagpapatuloy ang pagmamahal na iyon kung magkakaroon na siya ng pamilya? Ayokong sirain ang buhay ng magiging anak niya nang dahil lang sa akin... Kaya hangga't maaga pa, kailangan kong pigilan itong nararamdaman ko para kay Aivan.

"Kain ka na po.... Masarap naman eh." Ani Aivan.

Ayoko namang madismaya si Aivan at malungkot, kaya kahit pinilit ko na lamang na kainin ang palpak na niluto niya. Kahit sunog, kinaya ko.

Habang nginunguya ko ang pagkain ay mataman akong tinititigan ni Aivan na para bang gusto niyang malaman kung ano ba ang reaksyon ko sa niluto n'ya.

Kaya kahit na napapangiwi ako habang ngumunguya ay nag-thumbs up ako sa kanya, at pagkatapos ay nilunok ang lahat sabay inom ng maraming tubig.

"Okay ka lang ba?"

Ewan komba dito kay Aivan kung ano bang problema ng mata niya. Hindi ba niya talaga napapansin na napapangiwi na ako? Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Nang maubos ko ang pagkain ay pansin ko na hindi mawala ang ngiti sa labi ni Aivan.

"Maaga akong gumising para lang maipagluto ka! Nagpaturo pa ako sa youtube tutorial para lang magawa ko 'yan! Alam kong hindi maganda ang lasa, pero salamat Avy dahil kumain ka talaga.... Pinaghirapan ko 'yan."

Aaminin ko, sobrang sweet ni Aivan. Sa bawat araw na kasama ko siya, pakiramdam ko ay mas lalo ko pa dapat na iwasan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Mahirap, pero sana ay kayanin ko rin.

Ilang linggo na ang nakalilipas, wala pa rin namang pinagbago. Si Aivan ay laging nasa tabi ko. Kulang na nga lang ay pati sa klase ko sa school ay sumama siya.

Alam na rin ni Papa na nililigawan ako ni Aivan. Dahil si Aivan na mismo ang umamin kay Papa.

Akala ko ay papagalitan ako ni Papa sa nalaman niya pero kinausap lamang niya ako ng masinsinan. Sabi niya, sabi ni Papa ay nasa akin na ang desisyon. Basta kailangan ko munang isipin ang sarili ko at tapusin ang pag-aaral ko.

Mahigit isang buwan na lang din naman ay gagraduate na ako, gayundin si Aivan.

"Nakabusangot ka na naman? Ano meron?" Ani Liz. Kasama ko siya, hinihintay kasi niya ang boyfriend niyang si Zach.

Inis na inis akong nakatingin sa may hindi kalayuan. Kasalukuyan kasi kaming nasa labas ng school.

Kanina pa hinahanap ng tingin ko si Aivan pero nandoon lang pala siya sa kalapit na bahay at masayang nakikipag-usap sa isang magandang babae.

Wala naman akong karapatang magselos pero hindi ko naman maiwasan.

"Babae niya siguro 'yan." Bulong ko na narinig naman ni Liz.

"Hindi naman siguro."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napapansin ni Aivan. Paano'y busy siya sa pakikipaglandian sa babae niya. Hayan tuloy at nakalimutan na niya ako kaagad.

Sabi ko sa sarili ko noon, titigilan ko na itong nararamdaman ko para kay Aivan. Pero iba talaga eh.... Mahirap palang pigilan.

Nakatitig pa rin ako ng masama kay Aivan nang mapadako ang tingin niya sa akin kaya nanlaki ang mata niya.

Nagpaalam na siya sa babae at lumapit sa akin para kunin ang bag ko, "Talagang ngayon mo lang ako napansin ah? Kanina pa ako dito!"

Si Liz naman ang narinig ko, "Chill lang bes."

Napahinga naman ng malalim si Aivan. Kahit na pawisan siya, kahit na masarap punasan ang pawis niya gamit ang panyo ko, kahit niya sobrang gwapo niya sa paningin ko ay galit pa rin ako.

"Nagseselos ka ba kay Rissa?"

Ah... Rissa pala ang pangalan ng babaeng 'yon.

May hinugot siya sa bulsa niya at nang nakita ko kung ano 'yon ay ang panyong binugay ko sa kanya noong nakaraan.

Inilahad niya sa kamay ko iyon at dinala ang kamay ko sa pawisang mukha niya para punasan ang pawis niya.

"Mas mabuti pa kung punasan mo na lang ako ng pawis kaysa magselos ka sa iba... Nagtanong lang naman sa akin 'yung babae, syempre kakausapin ko. Isipin pa niya bastos ako."

"Hindi ako nagseselos."

Ngumisi naman siya, "Talaga lang ah?"

"Hindi nga sabi eh!"

Tumawa naman siya bago ako inakbayan, "Alam mo.... Wala ka namang dapat na ikaselos.. Sayo lang ako!"

Napa-irap naman ako.

"Ang kapal."

"Hmmmmm....."

"Kamusta ang finals mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko pa alam kung ano ang results ng grade ko. Pero tiwala ako na mataas ang makukuha kong nga score. Inspired kasi ako." Proud na sabi pa niya.

"Inspired huh? Kanino naman?" Kahit na alam ko na ang sagot kung sino ay tinanong ko pa rin.

Pinisil naman niya ang ilong ko, "Kanino pa ba?"

Napatawa ako sa kakiligan. Hindi ko mapigilan eh.

"Oo na."

Tumukhim naman siya, "Uhmmm.. 'Yung usapan nga pala natin ah?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya pero nang maalala ko ay tumango ako.

"Basta huh. Kapag nakapasa ako sa exams ko, sasagutin mo na ako."

Napahinga ako ng malalim.

"Uy... Sweetheart. 'Yung usapan natin."

"Oo na po, pogi."

Nang balingan ko siyang muli ng tingin ay namumula na ang may bandang tainga niya, "Excited na ako!"




Thank you sa mga nagko-comment, vote at nagse-share ng story, I appreciate you guys!

Prince Of The Womanizers (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora