Chapter 33 : Duchess

Magsimula sa umpisa
                                    



"Shit. Mas malala pa ito kaysa harakiri. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari kapag nabuntis 'yang si Fiacre, edi sana nag-ampon na lang kami. Trumiple ang pagkabungangera eh!" reklamo ni Sky habang binabalatan ang mga mansanas na hiniling ni Fiacre. Siguro ang O.A niyang pakinggan pero ganyan lang talaga 'yang bugok na 'yan dahil hindi na mabilang ang bandage na nakadikit sa mga kamay niya. 



Napailing iling na lang ako. Mas pinokus ko na lang ang tingin ko sa paghihiwa. Damn, the woman I almost killed before is the woman who I actually love even from childhood and the future mother of my first child.  



"Mauna na ako sa inyo, mga p're." nang-aasar na remarka ni Dash at nagkukumarog nang nagtungon sa hagdanan. Matapos ko ring ilagay sa tray ang platito ng asin at plato ng mga nahiwa kong manggang hilaw ay sumunod na rin ako kay Dash at iniwan sina Marc at Sky. 



Pagkarating ko sa kwarto kung saan nag-uusap usap ang magkakaibigan ay kanya-kanyang upo sila sa mga upuang hinanda namin. Nang makita nila kami, ang mga ngiti nila mula sa usapan ay naging iritableng ekspresyon. Dali dali tuloy kaming napalapit sa kanya-kanya naming asawa. 



"Here you go, Mrs. Vantress." bulong ko nang ilagay ko sa side table namin ang tray ng nirerequest niyang pagkain. Wala naman na siyang sinabi kaya naman napaupo na ako nang matiwasay sa tabi niya. Nakakapagod, tss. Mabuti nga at hindi nagpaputok ng baril ang mga babaeng ito kahit natatagalan na sila sa amin eh. Minsan kasi, pinapaputukan nila ang mga lugar na malapit sa paa namin para mas bilisan namin. Eh sila naman itong ayaw magpautos sa mga katulong at dapat daw kami ang gumawa dahil kami ang asawa at nambuntis. Siyempre, kami, wala nang nagawa. Totoo naman eh. 



"Tired?" she asked. At naramdaman ko na lang ang pagdampi ng bimpo sa noo at leeg ko. Tumango tango na lang naman ako. Makailang sandali ay narinig ko ang paghagikgik niya. Napalingon naman ako sa kanya at tinaasan ko siya ng isang kilay. "Why are you laughing?" tanong ko nang may pagka-inis. Pagod na nga ako, tatawanan pa ako. Kahit kailan talaga hindi na nagbago ang ugali ng babaeng ito. 



"Sus. Ang sungit mo na naman. Natutuwa lang naman ako na nag-eeffort ka eh. Seriously. Kapag naaalala ko kung paano mo asarin, pagtaasan ng boses, at insultuhin ako dati, nagtataka talaga ako kung ikaw pa rin iyon. Eh kasi tingnan mo, kung pagsilbihan mo ko, sobra sobra." turan niya habang abot tenga ang ngiti. Napakunot naman ang noo ko. Napatingin na lang ako sa ibang direksyon at papekeng napatawa sandali. 



"Seriously?" 



"Yup, seriously, Mr. Vantress." at kinindatan pa niya ako. Hay, kung hindi ko lang talaga mahal itong babaeng ito. 



"Ayieeeee! Bes, nilalanggam na 'yung kama!" 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon