CHAPTER XXIV I'm Sorry...

11.7K 188 18
  • Dedicated kay my calex fans
                                    

ALEX's  P.O.V

Hindi na kami nagkikita ni Cathy,minsan naiisip ko na dalawin si mommy pero mas makabubuti kung umiwas na lang muna ako.

“ring…ring..ring”  

May tumatawag na hindi kilalang number at sinagot ko agad

“Hello Alexis? Pwede ba tayong magkita ngayon,si Fred to” 

May ibinigay sa aking address si Fred para duon kami magkita,hindi ko alam kung bakit niya gustong makipagkita sa akin pero mas mainam na rin para makausap ko siya.

Nang makarating ako sa resto na sinabi ni Fred ay nakita ko siyang nakaupo at mabilis ko siyang nilapitan.

“Alexis thank you at nakipagkita ka sa akin”   pasalamat ni Fred

“Bakit nga pala?”  tanong ko

“Gusto ko lang ibigay sayo tong invitation para sa kasal namin ni Cathy,alam kong napalapit ka na rin sa kanila kaya gusto ko sana na magpunta ka”   Fred said

Siyempre masakit para sa akin pero kailangan kong kumilos na parang okay lang ang lahat

“Congratulations in advance,I’m happy for the both of you”  pagkukunwari ko

“Thank you ha!excited nga ako dahil ilang araw ng delayed si Cathy,sana magkababy na kami”  masayang sabi ni Fred

Halos gumuho na naman ang mundo ko sa narinig ko pero kailangan kong magpakatatag.

“Magandang balita yan,matagal ng pangarap ni Cathy na magkaanak,sana Fred alagaan mo siyang mabuti at huwag mo sana siyang sasaktan,sige mauna na ako at may pupuntahan pa ako,salamat ulit sa invitation”   sabi ko

Nang makatayo ako sa aking kinauupuan ay biglang dumating si Cathy,nginitian ko lamang siya at agad akong umalis.

CATHY's  P.O.V

Dumating ako kung saan kami magkikita ni Fred at nagulat ako kung bakit niya kasama si Alexis.

“Babe bakit nandito si Alexis?”  tanong ko

“Babe binigyan ko lang siya ng invitation card para sa kasal natin”  sagot ni Fred

“Bakit kailangan mo pang gawin yun?”   muli kong tanong

“Bakit babe masama ba yun? Diba ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na napalapit na si Alexis sa inyo ni tita?”  Fred said

“Kahit na dapat ipinaalam mo muna sa akin”   naaasar kong sabi

“Sorry na babe,naibalita ko na rin sa kanya na malapit na tayong magkababy excited na kasi ako”   nakangiting sabi ni Fred

“Bakit kailangan mo pang sabihin yung mga ganyan? Hindi na niya tayo ginugulo diba? at hindi pa naman sigurado kung buntis talaga ako”   galit kong sabi

“Bakit Cathy may nararamdaman ka pa ba kay Alexis kaya ka nagkakaganyan ha?”  galit na sabi ni Fred

Umalis ako at iniwan ko si Fred,hindi ko gusto ang ginawa niya,nasasaktan ako at nahihirapan na sa nararamdaman ko.

ALEX's  P.O.V

Nang matapos kong kausapin si Fred ay dumeretso ako sa isang bar para magpakalango sa alak,masakit sa akin na may nangyari na kay Cathy at Fred,gusto kong magwala pero hindi ko magawa.

“ring…ring…ring”

Tumatawag si Samantha kaya sinagot ko

“Hello Alexis pwede ba kitang puntahan?”   tanong ni Sam

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon