CHAPTER IX Love and Mistake

11.3K 182 10
                                    

ALEX's  P.O.V

Kararating ko lang sa bahay galing sa opisina ko, nang makarinig ako ng malakas na tawanan.

Nagulat ako sa nakita ko dahil kausap ni Cathy si Samantha.

“Hon,nakauwi ka na pala,nandito si Samantha,nakakatuwa pala siya noh?”   Cathy said

“Ahhh Alexis kinamusta ko lang si Cathy kasi umalis na pala siya sa company namin”   Samantha said

Natataranta ko at hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko pero kailangan kong kumilos ng normal.

“Honey kuha mo muna kami ng makakain sandali”   utos ko kay Cathy

Nang makaalis si Cathy ay hinila ko si Samantha sa labas para kausapin

“Samanta nababaliw ka na ba?”  galit kong sabi

“Oo nababaliw na ko sayo,diba sabi ko puntahan mo ko!pero hindi mo ko pinuntahan kaya ako ang nagpunta sayo”   sagot niya

“Baliw ka na nga,umalis ka na at mag usap tayo mamaya!”  galit kong sabi

Nang matapos kong kausapin si Samantha ay bumalik na ko sa loob para puntahan si Cathy.

“Hon nasaan si Samantha bakit naman iniwan mo siya don? Halika tulungan mo kong dalin to”   Cathy said

Tinulungan ko si Cathy magdala ng meryenda.

“Samantha magmeryenda ka muna,tikman mo yung cookies na ginawa ko favorite ni Alex yan”   aya ni Cathy

“Hmmmm masarap nga,thank you”   Samantha said sabay tingin sakin

Hindi ko alam kung may nahahalata si Cathy na kakaiba about samin pero hindi pa ko handa na malaman niya.

“Cathy, Alex hindi na rin ako magtatagal may dapat pa kasi akong asikasuhin,salamat sa pag entertain,sa uulitin ha!”   paalam ni Samantha sabay smile sa akin

Ano kaya ang gustong mangyari ni Samantha,natatakot ako sa pwede niyang gawin,kasalanan ko to lahat kung bakit kasi nagpadala ako sa kanya.Hindi ko alam kung kelan ako makakatakas sa sitwasyon na to.

CATHY's  P.O.V

Nang magpunta dito si Samantha bigla kong namiss ang trabaho ko pero ok naman na at masaya ko kasi hindi na kami nagkakaruon ng problema ni Alexis.

“Honey mabait naman pala si Samantha noh?”   sabi ko

“Hon ano ang pinag usapan niyo?”  tanong ni Alexis

“Tinatanong niya kung bakit daw ako umalis sa pagmomodel”   sagot ko

“Ahhh yun lang?may sinabi pa ba siyang iba?”  muling tanong ni Alexis

“Wala naman,bakit may dapat pa ba siyang sabihin?”   nagtataka kong sabi

“Ahhhh wala hon,halika magbihis ka may celebration kasi kila Megan kaya magpupunta tayo”   Alexis said

May napapansin ako kay Alexis dahil madalas siyang mataranta ngayon at laging malalim ang iniisip niya,may problema kaya siya? Pero ano naman yun,hindi naman niya nagagawa na maglihim sakin,siguro pagod lang talaga siya.

Pagkabihis namin ay pumunta kami agad kila Megan.

“Hon bakit may celebration kila Megan?”   tanong ko

“Birthday kasi niya hon kaya hindi tayo pwedeng mawala don”   sagot ni Alexis habang nagdadrive

“Ahhh birthday pala niya,hon may itatanong ako sayo”   sabi ko

“Ano yon?  Tungkol saan?”   pag aalalang tanong ni Alexis

“May napapansin kasi ko sayo”   sagot ko

“Bakit ano bang napapansin mo?”  muling tanong ni Alex

“Kasi hon,madalas kitang makita na parang ang lalim ng iniisip mo,may problema ba?”   pag aalala kong sabi

“Hon marami lang akong  ginagawa sa opisina,alam mo naman na ako lang nagmamanage non,huwag ka ng masyadong mag alala”  paliwanag niya

“Hon sorry ha!hindi kita natutulungan”   paumanhin ko

Habang nag uusap kami ay halata ang lungkot sa mga mukha ni Alexis kaya mas lalo akong nag alala sa kanya.

Nang makarating kami kila Megan ay napakaraming tao at nagsisimula na ang celebration.

ALEX's  P.O.V

Hindi ko alam kung hanggang kelan ko maitatago kay Cathy yung sitwasyon ko,nahihirapan na ko at hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

“Alexis,Cathy bakit ngayon lang kayo?”   tanong ni Megan kasama si Jenny

Matagal na rin si Megan at Jenny may 2 years na rin yata silang nagsasama.

“May bisita kasi kanina sa bahay kaya hindi kami nakaalis agad”   sagot ko kay Megan

“Babe mag usap muna kayo ni Cathy,may sasabihin lang ako kay Alexis”  sabi ni Megan sa gf niyang si Jenny

Nang makalayo na si Cathy at Jenny ay minabuti ko na rin mag open kay Megan about sa problema ko,dahil alam ko na maiintindihan niya yung sitwasyon ko.

“Happy birthday bestfriend ,ano nga pala ang sasabihin mo?”   tanong ko

“Alexis hindi ako ang may problema,baka ikaw ang may gustong sabihin sa akin”  sagot ni Megan

“Bakit? Bakit mo alam na may problema ko?”   muli kong tanong

“Alexis kilala kita and nagtext sa akin si Cathy last time at nag aalala siya sayo,ano ba ang problema?”  Megan said

“Kasi Megan may nagawa akong napakalaking pagkakamali kay Cathy,naaalala mo pa ba si Samantha Lim?”  sabi ko

“Samantha Lim? Yung sikat na classmate natin nung highschool na crush mo?”  tanong niya

“Oo,may nangyari kasi sa amin nung nasa Palawan ako,umiwas ako pero nangyari na”   paliwanag ko

“Ha?nagawa mo yun kay Cathy?akala ko ba mahal na mahal mo siya,hindi ako makapaniwala na magagawa mo yun,pano pag nalaman ni Cathy yan?”  muling tanong ni Megan

“Hindi ko na nga alam ang gagawin ko,ngayon lagi akong iniipit at binabantaan ni Samantha,nahihirapan na ko”  sagot ko

“Alam mo Alex darating ang panahon na malalaman niya rin lahat,ikaw na mismo ang magsabi kay Cathy huwag mo nang hayaan na lumala pa ang sitwasyon”   payo ni Megan

“Pero natatakot ako na baka iwan niya ako pag nalaman niya,hindi ko kaya yon”  sagot ko

“Hindi malabo na mangyari yan Alex,napakalaki ng nagawa mong kasalanan sa kanya kung ako sayo aaminin ko yung totoo at haharapin ko yung pagkakamali ko”  Megan said

Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa  relasyon namin ni Cathy pero tama si Megan kailangan kong harapin yung pagkakamali ko at mas maganda na sa akin na mismo manggaling kung ano man yung nagawa ko.

“Honey halika kumain ka na,kanina ka pa hindi kumakain”  tawag ni Cathy

“Ok hon,nagugutom na nga ako”  sagot ko

Habang kumakain kami ay hindi talaga ako makakain ng maayos,para bang wala akong gana palagi dahil sa problema.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Where stories live. Discover now