CHAPTER XXI Not just an Ordinary Day

10K 161 2
                                    

CATHY's  P.O.V

Bukas ay makakauwi na kami,salamat sa Diyos at wala nang problema kay mommy,naging maayos ang results ng mga ginawang test sa kanya.

“Goodmorning mommy,nakausap ko yung doctor mo,thank God ok ka na”   boses ni Alexis

“Oo nga anak makakauwi na kami bukas”   sagot ni mommy kay Alex

“Cathy nakausap ko na nga pala yung nagkasal sa atin,wala raw magiging problema”   nakasmile na sabi ni Alexis

Bakit hindi ako masaya? Gusto kong tanungin si Alexis kung naka move on na siya,gusto kong tanungin kung may iba na ba siya?  Bakit ang bilis niya akong nakalimutan at bakit ako nasasaktan? mga tanong sa sarili ko na hindi ko maintindihan.

“tok…tok..tok..”

Pag bukas ko ng pinto ay si Fred ang nakita ko.

“Goodmorning Babe”  bati ni Fred sabay kiss sa akin

Napatingin si Alexis pero parang balewala na sa kanya,nakalimot na ba talaga siya?

“Tita kamusta po? Oh Alexis nandito ka pala”  sabi ni Fred

“Pinuntahan ko lang si mommy”   sagot ni Alex

“Cathy pwede ba tayong mag usap sa labas?”  bulong ni Fred

Lumabas kami ni Fred para makapag usap sandali.

“Babe nakausap mo na ba si Alexis?”  tanong ni Fred

“Inayos na raw niya ang lahat at wala raw magiging problema”   sagot ko

“Mabuti naman kung ganon”   Fred said

Nang matapos kaming makapag usap ay bumalik na kami sa loob at nadatnan namin na wala na si Alexis.

“Tita umalis na po ba si Alexis?”  tanong ni Fred kay mommy

“Oo may date pa daw kasi siya”  sagot ni mom

Nasaktan ako sa sinabi ni mommy,sino na ba ang bago ni Alexis? Si Samantha ba? Gusto kong tanungin si mommy pero ayoko naman na may isipin siyang iba.

ALEX 's P.O.V

Umalis na ako sa hospital at nagpaalam kay mommy na may date kami ni Megan,tumawag kasi si Megan at nakikipagkita sa akin pero hindi ko alam kung bakit.

Nng makarating ako kila Megan ay mabilis niya akong nilapitan.

“Alexis ngayon na ang araw”   Megan said

“Araw ng ano? Ang weird mo naman yata ngayon?”  tanong ko

“Araw na pinakahihintay ko, araw na sinabi ko sa sarili ko na aayain ko na si Jenny na magpakasal”    masayang sabi ni Megan

“Sigurado ka na ba diyan?”   pagbibiro ko

“Oo naman,huwag mo nga sirain yung moment na to”   naaasar na sabi ni Megan

“Binibiro lang kita,sorry naman”  sabi ko

“Best turuan mo nga ako kung paano ako magpopropose kay Jenny”  Megan said

“Megan congratulation,masaya ko para sayo at lagi akong nakasuporta sa mga desisyon mo”   seryoso kong sabi

“Alexis thank you,bestfriend talaga kita”  pasalamat ni Megan sabay hug sa akin

Masaya ko para kay Megan dahil sa wakas ay ikakasal na rin siya,matagal na rin naman sila ni Jenny kaya hindi na ako nagtataka.

CATHY's  P.O.V

 Umuwi na si Fred at naiwan na lang kami ni mommy sa hospital.

“Anak napatawad mo na ba si Alexis?”  tanong ni mom

“Mommy hindi ko alam,pero hindi na ako galit sa kanya”  sagot ko

“Anak kailangan mong magpatawad kahit sino man ang nakagawa ng kamalian sayo”  paalala ni mom

Tama si mommy kailangan kong magpatawad  dahil hindi naman ako perpektong tao at isa pa ay hindi rin ako Diyos para hindi tumanggap ng mga pagkakamali.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Where stories live. Discover now