CHAPTER XIX Don't You Wanna Stay?

9.9K 165 5
                                    

CATHY's  P.O.V

Nang makauwi ako ay nadatnan ko si mommy na nakahiga sa sahig at walang malay kaya mabilis ko siyang kinuha at dinala sa hospital,sobra ang pag aalala ko kay mommy dahil baka bumalik ang cancer niya natatakot ako.

Nang makarating sa hospital ay mabilis tiningnan si mommy hindi ako mapakali kaya iniisip kong tawagan si Alexis,teka bakit si Alexis ang nasa isip ko bakit siya ang naiisip ko dahil ba sa pagkataranta ko? Tinawagan ko si Fred at pinapunta ko sa hospital.

“Cathy are you ok? Nasan si tita?”   boses ni Fred kakarating lang

Parang nawawala ako sa isip sa sobrang pag aalala

“Nasa loob,tinitingnan na siya,Fred natatakot ako baka kung anong mangyari kay mommy”   pag aalala kong sabi

“Babe magiging ok din si tita,magpray tayo ok?”   Fred said

Habang naghihintay ay kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kay mom

Ilang sandali lang ay lumabas na ang doctor at mabilis ko itong nilapitan

“Doc kamusta po si mom?”  tanong ko

“May mga gagawin pa kaming test,naiistress ba sya lately?iwasan ang stress,kaya siya nahimatay ay dahil sa hypoglycemia,masyadong bumaba ang sugar niya!”   paliwanag ni doc

Nang matapos kong kausapin ang Doctor ay mabilis kong pinuntahan si mommy.

“Anak bakit nandito ako?”   tanong ni mom

“Mommy magpahinga ka na muna,sorry mom kung binibigyan kita ng problema”  paumanhin ko

“Bakit anak may nangyari ba? ano ba ang sakit ko? bumalik ba ang cancer ko?”  pag aalala ni mom

“Mommy sorry kung naiistress ka dahil sakin”   sabi ko

“Anak ok lang ako,umuwi na tayo?”  

Hindi ko alam na masyado na pala ang binibigay kong problema kay mommy,nag aalala ko na baka bumalik ang dating sakit niya,ayoko ng mangyari yun.

ALEX's  P.O.V

Ilang araw na rin ako dito sa Palawan,gusto kong masanay ulit ng mag isa,lumilipas ang araw na unti-unti ko ng natatanggap ang lahat at unti unti ko na rin pinalalaya lahat ng nararamdaman ko para kay Cathy.

“ring…ring…ring…”

Tumatawag si Megan kaya sinagot ko agad,namimiss ko na rin kasi siya

“Hello Alexis kamusta ka na diyan?”   tanong ni Megan

“Eto ok naman unti unting bumabangon ulit”  sagot ko

“Alex may ibabalita sana ko sayo”   Megan said

“Bakit? Ano yun?”  tanong ko

“Si tita kasi yung mommy ni Cathy balita ko nasa hospital?”   malungkot na sabi ni Megan

“Ha? Bakit anong nangyari?  Wait best kailangan kong puntahan si mommy”  

Pagkasabi pa lang ni Megan ay mabilis akong gumayak para bumalik sa Manila,sobra ang pag aalala ko kay mommy,simula ng naging mag asawa kami ni Cathy ay si mommy na ang tumayong ina para sa akin.Napaka importante niya sa akin at ayokong mawala siya.

Nang maayos ko ang aking mga gamit ay mabilis akong umuwi pabalik sa Manila,hindi madaling makabili ng ticket pero pinilit ko para makauwi agad,sakto naman ang flight.mabuti at napakiusapan ko.

Ilang sandali lang ay nakarating ako sa Manila at dumeretso sa bahay para iuwi ang aking mga gamit at mabilis akong nagpunta sa hospital.

“Itatanong ko lang kung dito nakaconfine si Cynthia Dimla?”  tanong ko sa nurse

“Opo Ma’am room 103 siya”   sagot ng nurse

Mabilis kong pinuntahan ang room ni mommy,kahit pagod na pagod ako ay balewala sa akin basta makita ko lang na okay si mommy.

“tok..tok..tok”

Kumatok ako sa pinto bago pumasok pero walang nagbubukas kaya pumasok na ako dahil bukas naman ang pinto at nadatnan kong nakahiga si mommy at walang kasama

“Alexis anak? Natutuwa ako at nakita na ulit kita”   sabi ni mom

“Mommy kamusta ka na? ayos ka lang ba?”   naiiyak kong tanong

“Huwag kang mag alala anak..ok naman ako”   sagot ni mom

“Bakit po wala kayong kasama?”   tanong ko

“Marami kasing inaasikaso si Cathy,si Gail ang nagbabantay sa akin pero pinauwi ko na dahil pauwi naman na si Cathy at ok naman na ako”   sagot ni mom

“Kumain na po ba kayo?bibili muna ako ng pagkain”   sabi ko

“Alexis hindi na,pinakain ako ni Gail bago siya umalis”  mom said

“Mommy ano po ba ang nangyari sa inyo? Bakit kasi pinapabayaan niyo ang sarili nyo?”   pag aalala ko

“May ginagawa pa raw test anak,huwag ka ng mag alala at maayos na ang pakiramdam ko”  sagot ni mom

Habang nag uusap kami ni mommy ay hindi ko maiwasan ang sobrang pag aalala sa kanya,hindi ko iniwan si mommy hanggang wala siyang bantay at sa sobrang pagod ay hindi ko na mapigil na hindi makatulog.

CATHY's  P.O.V

Kumuha ako ng mga gamit ni mommy dahil mga ilang araw pa raw bago kami makauwi,iniwan ko naman si Gail para bantayan muna si mommy.

Nang makabalik ako sa hospital ay laking gulat ko na nadatnan kong natutulog si Alexis habang nakaupo at nakahawak sa kamay ni mommy.

“Anak nandiyan ka na pala” sabi ni mommy

“Mommy nasaan si Gail bakit nandito si Alexis?”  nagtataka kong tanong

“Anak hayaan mo muna si Alexis halatang pagod na pagod siya”  pakiusap ni mommy

Habang tinitingnan ko si Alexis ay kitang kita ang maamo niyang mukha,inaalala nya pa rin pala si mommy,habang natutulog si Alexis ay nilagyan ko siya ng kumot para hindi siya ginawin.

Nang makita ko siya ay parang nawala lahat ng galit ko at iba na ang nararamdaman ko,habang tinititigan ko siya ay gustong gusto kong lumapit sa kaniya at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

ALEX's  P.O.V

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako,nagising ako sa boses ng doctor.

Nang magising ako ay nakita ko si Cathy,dumating na pala siya..kausap ni Cathy ang Doctor at naririnig ko na maayos naman ang nagiging resulta sa mga ginagawang test kay mom.Umalis na ang Doctor at lumapit si Cathy kay mommy.

“Hmmmm mommy sige po aalis na ko,babalik na lang po ulit ako”   paalam ko

“Alexis kailangan mo na ba talagang umalis?”   tanong ni mommy

“Opo mommy,babalik na lang po ako”  naiilang kong sagot

Hindi kami nag uusap ni Cathy hanggang ngayon,umiiwas na rin kasi ako sa gulo at ayoko ng guluhin pa siya pero ng makita ko siya ay namiss ko siyang bigla.

Umalis ako at dumeretso sa bahay para makapagpahinga ng maayos.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Where stories live. Discover now