CHAPTER X Losing Grip

10K 173 13
                                    

CATHY's  P.O.V

Hating gabi na ng magising ako sa isang panaginip,nanaginip ako na papalayo sa akin si Alexis at sumama sa iba,ang sakit ng naramdaman ko kahit panaginip lang yun,para kasing totoo ang lahat.,nagpapasalamat ako na panaginip lang ang lahat at dahil katabi ko pa rin ang asawa ko.

Ginising ko si Alexis  dahil hindi na ako makatulog dahil sa naging panaginip ko.

“Hon..hon…”  gising ko kay Alex

“Oh bakit hon hindi ka ba makatulog?”   tanong niya

“Hon huwag mo kong iiwan ha!”  pakiusap ko

“Bakit hon?”   tanong ni Alex

“Nanaginip kasi ako,iniwan mo ko at sumama ka sa iba”   sagot ko

“Hon hindi mangyayai yun,ikaw lang ang nag iisa sa buhay ko,mahal na mahal kita,sana huwag kang susuko kahit anong mangyari”   paglalambing na sabi ni Alexis sabay yakap sa akin

Natulog ulit kaming dalawa,natulog kami habang nakayakap siya sa akin,hindi ko makakaya na mawala si Alex sa akin,simula nung ikasal kami ibinigay ko na ang buong buhay ko sa kanya.

ALEX's  P.O.V

Nanlulumo ako sa ginawa kong kasalanan kay Cathy,dapat ko na yata talagang aminin ang lahat sa kanya.

“ring….ring..ring”

Nagtataka ko na madaling araw ay may tumawag sa akin na hindi kilalang number kaya sinagot ko agad.

“Hello?sino to?”  tanong ko

“Hello ma’am,ibinigay po kasi yung number nyo sa akin ng isang babae,lasing na lasing po kasi,hindi na po  niya kayang umuwi,kailangan na po namin mag close,Samantha daw po ang pngalan niya,pakipuntahan na lang po”   paliwanag ng tumawag

Ibinigay sa akin ng tumawag ang address ng bar kaya mabilis kong pinuntahan si Samantha dahil ayoko rin naman na may mangyaring masama sa kanya,kaya habang natutulog si Cathy ay palihim akong umalis at habang tumatagal ay naiipit ako sa sitwasyon.

Nang makarating ako sa bar

“Samantha hindi ka ba nahihiya sa mga ginagawa mo? Wala ka na ba talaga sa matinong pag iisip para gawin to sakin?”  galit kong sabi habang inaalalayan siya

“Alexis dumating ka,sabi na darating ka”  lasing niyang sabi

Nakaramdam ako ng awa kay Samantha dahil nararamdaman ko kung gaano niya rin ako kagusto pero hindi pwede dahil mahal ko si Cathy,mas pinahihirapan ako ni Sam habang tumatagal.

“Halika na umuwi na tayo”  aya ko kay Sam

“Alexis mahal na mahal kita,sorry hindi ko talaga kaya na kalimutan na lang kita”   lasing pa rin niyang sabi habang inaalalayan ko siya palabas.

Nang makarating kami sa condo ni Samantha ay hindi ko siya maiwan na ganun ang kalagayan, kaya pinunasan ko siya hanggang mahimasmasan siya,nang makita kong nagiging ok na siya ay umuwi na rin ako agad.

CATHY's  P.OV

Nagulat ako ng makitang wala si Alex sa tabi ko,madaling araw na kaya mas lalo akong nag alala.

Pero ilang sandali lang

“Saan ka galing?”  tanong ko

Kakarating lang ni Alexis at ramdam kong may itinatago siya sa akin

“Hhhhon nagpahangin  llang”  nauutal na sagot ni alexis

“Alexis umamin ka nga sakin may dapat ba kong malaman?”   naiiyak kong sabi

“Hon…”   Alexis said

“Alexis may problema ba? may problema ba tayo?”   naluluha kong sabi

“Hon naman”  sagot ni Alex

“Alexis niloloko mo ba ko? “   naiiyak kong tanong habang hinahampas siya TT.TT

Nasasaktan ako at alam ko sa sarili ko na may hindi tamang nangyayari

“Hon I’m sorry may nagawa ako na alam kong hindi mo ko mapapatawad”  umiiyak na sabi ni Alexis TT.TT

“Bakit mo to nagawa sakin? “   galit kong sabi

“Hon sorry,nagsisisi ako sa ginawa ko,please sorry”   nakaluhod na sabi ni Alexis

“Sino yung babae? Sabihin mo kung sino!”   hiyaw kong sabi

“Hon please patawarin mo ko,hindi ko sinasadya”   pakiusap ni Alex TT.TT

“Sabihin mo kung sino!Sabihin mo sakin!,Alexis  bakit mo to ginawa sakin,hindi pa ba ko sapat  sayo?”   nanghihinang sabi ko

“Si Samantha,hon hindi ko sinadya ang nangyari,please patawarin mo ko”   sagot ni Alex TT.TT

“Alex lumayo ka sakin,huwag kang lumapit sakin!Ang kapal ng mukha mo para papuntahin pa rito yung babae mo!”   umiiyak kong sabi sabay hagis sa kanya lahat ng mahawakan ko T.T

Napakasakit ng ginawa ni Alexis,hindi ko alam kung makakaya ko yung sakit na nararamdaman ko.

“Ilang araw o linggo niyo na kong niloloko?”   muli kong tanong

“Hon isang beses lang yun nangyari at hindi na yun naulit,iniipit at pinagbabantaan ako ni Samantha kaya hindi ko nasabi sayo agad dahil natatakot ako na iwan mo ko,Cathy mahal na mahal kita”   paliwanag ni Alex

“Mahal? Naririnig mo ba Alexis yung mga sinasabi mo?  Ilang linggo niyo na kong pinagmumukhang tanga?”   galit kong sabi

“Hon hindi na mauulit please patawarin mo ko,lahat gagawin ko patawarin mo lang ako”   pakiusap ni Alex TT.TT

“Hindi na Alex,maghiwalay na tayo..”   umiiyak kong sabi TT.TT

“Hindi hon…hindi ako papayag,please ayusin natin to,walang sukuan diba? hon naman  TT.TT”  nagmamakaawa niyang sabi

“Wala ng dapat ayusin dahil nasira na lahat!akala ko iba ka,pero pare pareho lang kayo,mapalalaki o gaya mo magkakatulad kayo!”  hiyaw kong sabi

Pumunta ako sa kwarto at kinuha ang gamit ko,gusto kong magpakalayo layo,pinipigilan ako ni Alexis pero sobra niya kong nasaktan at hindi ko siya kayang patawarin sa ginawa niya,napakasakit ng nagawa niya,parang hindi ko kakayanin lalo na pag nakita ko pa siya.Hindi ko maisip na nagawa akong lokohin ni Alex,ibinigay ko lahat sa kanya,sa kanya umikot ang mundo ko kaya hindi ko alam kung paano ko makakaya to. Ang buong akala ko sa panaginip lang mangyayari ang bangungot na yun, pero hindi ko inasahan na yun na pala ang mgiging katapusan ng lahat.  TT.TT

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Where stories live. Discover now