CHAPTER VII Unexpected Encounter

11K 176 4
                                    

ALEX's  P.O.V

Inaya kong lumabas si Cathy para makapagdate kaming dalawa,hindi na rin siya pumapasok sa trabaho niya at masaya ko na tumigil na siya.

Habang naglalakad kami sa mall ay nakita ko si Samantha at nakita rin niya kami pero umiwas ako para hindi siya makita ni Cathy,natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari.

“ring….ring…ring”

Pag tingin ko ng cellphone ko ay nakita kong si Samantha ang tumatawag kaya lumayo muna ako kay Cathy  para sagutin ang tawag ni Sam.

“Alexis puntahan mo ko sa cr,gustong gusto na ulit kitang makasama,please!”   pakiusap ni Sam

“Sam kasama ko si Cathy,huwag mong gawin to sakin”   pakiusap ko

“Kapag hindi mo ko pinuntahan dito,ako mismo ang pupunta sayo”   pagbabanta niya

Dahil sa takot ko sa pwedeng gawin ni Sam ay pinuntahan ko siya at nakipagkita sa kanya,iniwan ko muna si Cathy habang tumitingin ng mga gusto niyang bilin.

Nang makarating ako sa cr ay lumapit agad sa akin si Sam.

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko sayo?”  tanong ni Sam

“Sam diba nag usap na tayo? “  sagot ko

“Alexis nasasaktan ako,nang makita ko kayo ni Cathy akala ko ok lang pero nasasaktan ako”  paliwanag niya

“Sam asawa ko si Cathy,at alam mo naman yun diba?”  paliwanag ko

Umiiyak si Sam at may mga taong nakakakita kaya minabuti ko na pumasok kaming dalawa sa cr.

“Alex I love you and sorry hindi ko mapigilan”  Samantha said habang umiiyak

“Sam nahihirapan na ko”   sabi ko

“Sorry Alex kung nahihirapan ka,nahihirapan rin ako pero mahal kita”   sabi niya habang nakayakap sakin

“ring….ring…ring”

Tumatawag na si Cathy kaya lumabas na ko ng cr at iniwan si Samantha,hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

“Hon bakit ang tagal mo?”   tanong ni Cathy

“Sorry hon”   sagot ko

Nahihirapan na kong maglihim kay Cathy,gusto ko ng sabihin lahat pero natatakot ako na baka iwan niya ako.

CATHY 's P.O.V

Madalas kong napapansin na may tumatawag kay Alexis pero hindi niya sinasagot,hindi ko na siya tinatanong dahil may tiwala naman ako sa kanya at sigurado akong hindi niya kayang maglihim sa akin.

“Hon kain na tayo,nagugutom na kasi ako”  aya ko

“Sige hon nagugutom na nga rin ako”   sagot ni Alex

Habang naglalakad kami para maghanap ng kakainan ay may lumapit na isang girl sa amin.

“Hi,Alexis kamusta na? “  sabi ng girl

“Jenny? Oh anong ginagawa mo rito?”   Alex said

Malagkit ang tingin ng girl kaya lumapit ako ng mas malapit kay Alex at yumakap sa kamay niya.

“Kasama ko si Megan kanina pero umuwi na rin siya dahil marami pa raw siyang aasikasuhin”  sabi ng girl

“Jenny si Cathy,Cathy si Jenny gf ni Megan”  sabi ni Alex

“Kilala ko na si Cathy madalas kasi kayong ikuwento sa akin ni Megan,oh sige aalis na ko may pupuntahan din kasi ako”   sabi ng Jenny

Siya pala ang gf ni Megan,maganda siya at bagay na bagay sila.

Pagkatapos kumain ay umuwi na rin kami ni Alexis.Gabi na ng makauwi kami kaya dumeretso na rin kami sa kwarto para makapag pahinga.

“Hon…Alexis  matagal tagal na rin at namimiss ko na”   bulong ko kay Alex

Simula ng magpunta ako ng Baguio at nagpunta siya ng Palawan ay hindi na ulit kami nakapag sex ni Alex kaya naman namimiss ko na ang mga ginagawa ni Alex sakin.

ALEX's  P.O.V

Inaakit ako ni Cathy at halatang may gustong siyang mangyari.

“Hon pagod ako at masakit ang katawan ko kakalakad kanina”  sabi ko

“Adi huwag!”  inis niyang sabi sabay talikod

“Hon…nagtampo na naman”   malambing na sabi ko

“Nawawalan ka naman na ng gana sakin kaya ganyan ka”   sagot niya

“Hon…pagod lang talaga ko,o sige halika na”   sabi ko sabay haplos sa likod niya

“Napilitan ka pa..huwag na matulog ka na!”   galit niyang sabi sabay tanggal ng kamay ko

“Hon naman”  paglalambing ko

Hindi na sumagot si Cathy at natulog na siya,hindi naman ako nawawalan ng gana sa kanya,pagod lang talaga ko at wala sa mood dahil rin siguro sa problemang naiisip ko.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Where stories live. Discover now