Chapter Three

Magsimula sa umpisa
                                    

"I said keep it. It's soaked. I have no use for it," habang sinasabi iyon ay inalis niya ulit ang tingin sa akin. Pinadalhan niya ng malalamig na titig ang kung anong nasa gilid ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili at sinundan ang tingin niya. Tumama agad ang mga mata ko sa isang lalake na nakasandal sa pader at seryosong nakatitig sa akin.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita akong nakatingin din sa kanya. Lumipat ang tingin niya sa lalaking kaharap ko at mukhang namutla sa takot. Inangat nito ang kamay at nagpanggap na may tinitingnan sa phone.

Napangisi ako at umiling bago muling ibinalik ang mga mata ko sa harapan. Nakatingin pa rin siya sa lalake pero inalis rin makalipas ng ilang segundo. His eyes were on me again.

"I'm hungry," he quietly mumbled.

Ang akala ko nga ay ako ang sinasabihan niya no'n pero bigla niya akong tinalikuran at umalis nang hindi nagpapaalam. Napangiwi ako dahil doon.

Sinundan ng mga mata ko ang likod niya hanggang sa lumiko siya at pumasok sa loob ng cafaeteria. Huminga ako nang malalim at ibinulsa ang panyo bago ipinagpatuloy ang paglakad.

I'm going to order a pizza and spaghetti on my favorite stall called Hasty's. Noon pa may ay madalas akong bumili roon dahil masarap ang mga pagkain. It's been two weeks and I missed the food.

Bumagal ang pagbukas ko sa mabigat na glass door nang makita siya sa harapan ng Hasty's. Nakatingin lang ito sa menu at mukhang nag-iisip ng mabibili.

"Excuse me," sabi ng isang mariin na boses mula sa likod ko. Umalis na agad ako sa harap ng pinto at itinuloy ang paglakad patungo sa stall.

Nang makalapit ako ay tumingin na siya sa babaeng cashier na nakatitig sa kanya at mukhang kanina pa naglalaway sa kagwapuhan niya.

"One carbonara and coke," sabi nito at inasikaso naman siya agad.

Mukhang hindi niya napansin na katabi niya ako dahil hindi niya ako nagawang tapunan ng tingin. Hindi ko na lang ito inintindi at nag-order na nang tanungin ako ng cashier.

I picked up the tray and turned around. Hindi agad ako naglakad dahil inilibot ko pa ang mga mata sa buong cafeteria para maghanap ng bakante.

Tumama ang mga mata ko sa kanya na sumisimsim ng coke habang nakatingin sa akin. Nakaupo siya mag-isa sa bakanteng table. Baka ma-conscious akong kumain kapag nakisalo ako sa table niya kaya naghanap ako ng iba.

I spotted a table with only one person occupying it at the far corner of the room. Inayos ko ang hawak sa tray at maglalakad na sana para puntahan ang lamesang iyon nang biglang may umagaw ng tray kong may nakapatong na plate at nakahiga na mineral bottle.

Hindi pa ako nakakapag-react ay tumalikod na agad sa akin ang umagaw ng tray ko. Kahit na likod lang ang kita ay alam ko na agad kung sino iyon.

Ayaw kong magtawag ng atensyon kaya sumunod na lang ako sa kanya nang walang reklamo. Inilapag niya ang tray sa tapat ng kanya bago bumalik sa inuupuan kanina.

"What are you doing?" I asked with a grimace, standing near the table.

"You were looking for a table. Here's a table." Tinapik niya pa ang lamesa kaya napatingin ako doon. Ibinalik ko agad ang mga mata sa mukha niya.

Embrace the Suck (Bad, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon