Ngunit nagbago na iyon ngayon. Kailangan niyang tanggapin na hindi si Indigo ang magiging first dance niya kahit kailan. Sa kanyang harapan ay nakalahad ang kamay ni Juan Fidel na wari'y inaanyayahan siyang subukan ang mga bagay na kinalimutan niya para kay Indigo. Ilang segundo ang lumipas. Nagbuntong-hininga siya at nakangiting tinanggap ang kamay nito.


No. Indigo wasn't her first dance but it felt okay even if he was replaced by Juan Fidel. Maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya magmula pa kanina. Hindi siya nito binibigyan ng mga senyales na may kakaiba itong agenda sa kanya.


"I would like you to be my friend," deklara niya nang magsimula silang sumabay sa indayog ng tugtog.


Matipid naman itong ngumiti. "I'd like that, too. I can see you only have girl friends. It's high time you have a boy-space-friend."


Natawa siya sa tinuran nito. "Okay. Boy-space-friend lang, ha? I'm not into the boyfriend thing, one word."


"Ako rin naman. I want pure friendship with you. Besides, hindi lang ikaw ang may unrequited love," sabay kindat sa kanya.


Natapik niya ang dibdib nito. "Akalain mo 'yon? Parehas pa pala tayo ng situwasyon sa buhay. You look good and I think you're okay. Bakit hindi ka niya makita?" naiintrigang tanong niya rito. In an instant, lalong gumaan ang pakiramdam niya sa pakikipag-usap sa lalaki.


"Because she is not looking my way. Ayaw ko namang pilitin siyang lumingon sa akin para lang ako ang makita niya. I've learned from my experience that pushing someone to love you is never going to work out. Because eventually, that person will still leave you hanging on your own."


Nakita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. And she instantly found a friend she could relate to. "Hayaan mo na. Malay mo, there are others out there waiting for you to look their way. Magkakatagpo din ang mga mata ninyo sa tamang panahon."


Parang sa kanya yata tumama ang lahat ng sinabi niya. True enough, she was forcing Indigo to look her way. May nangyari ba? Nga-nga.


Natawa ito ng malakas sabay paikot sa kanya habang nagsasayaw. "Why don't we just enjoy the dance and let us feel the love that is near and yet so far from us."


"RED, ano'ng ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya sa butler ng kaibigan nang bigla siya nitong hawakan sa braso habang naglalakad sila ni Juan Fidel papunta sa pool area. Dapat ay sa parking na sila pupunta dahil nagyaya nang umuwi si Violet subalit nagpumilit ito na tingnan nila ang pool area. Naroon daw kasi si 'Unrequited Love'.


"Miss Lilac, nakita mo ba si Miguel Del Castro?" kunot-noo at hingal na hingal na sambit ni Red sa kanya.


"We were supposed to go to the parking lot but I have something to see in here first. Magkasama sila ni Violet. 'Di ba, Juan Fidel?" lingon niya sa kasama.


"Yeah. Probably, they're enjoying right now," nakangiting sang-ayon nito.


The Indigo In Lilac [PHR] - CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora