Chapter 30 - Yaji

Magsimula sa umpisa
                                    

 

"dong!" tawag ko ulit pero talagang busy sya sa pagkalampag ng pinto ni moo.

Ano ba yan! Talaga bang hindi nya ko papansinin?

*O* alam ko na!

Unti-unti kong inilapit ang bibig ko sa may tenga nya at...

"HUBBBYYYYYY!!!"

 

"Shit! No need to fvcking shout at my ears! Damn!!!" nakahawak sa tengang daing ni Zeke hihihi.

 

Oh diba effective.

"hwag kang ngumiti-ngiti dyan babae. What the hell do you need? Diba sinabi kong huwag kang malikot?" tanong nya saka ako tinapunan ng matatalim na tingin

TT__TT *pout*

"wala naman kasi yatang tao, tignan mo wala man lang bukas na ilaw kahit isa."

 

Mukha namang kumalma si Zeke at tinignan ang buong paligid.

Nagsimula na syang lumakad pabalik sa kotse kaya patakbo akong sumunod.

"he-he sabi sayo Zeke diba walang tao? Ikaw naman kasi basta ka katok ng katok hindi mo muna tinitignan--"

 

*death glare* "shut up!"

 

TT__TT

Nico Jeisz’ PoV

Kalalabas pa lang namin ng mga sasakyan ay hindi ko na maiwasang hindi mamangha sa sobrang ganda ng mansion na to. At mas lalo pa akong napanganga nung pasukin na naming ang loob. Kung ikukumpara ko to sa bahay ko, siguro sampung beses ang laki nito. Halatang-halata ang karangyaan mula sa mga muebles, samga naka-display ng paintings, kahit sa mga simpleng poste lang hindi mo maipagkakailang mayaman ang may-ari.

Kasama ko sila Meisha, Cassandra, Tristan at Spade. Nagpatawag daw ng meeting ang tinatawag nilang ‘Master’

Sobrang haba ng pasilyo na nilakad naming, tapos kumaliwa, kumanan, kumanan ulit, kumaliwa naman. Ampucha! Nakakagago lang pag ganto kalaki ang bahay.

Sa dulo ng huling pasilyo namin ay may dalawang lalaki na nakatayo sa may pinto na ubod ng laki. “Kanina pa kayo inaantay ni Master”

Tumango lang si Tristan at pinagbuksan na kami nung dalawang bantay.

Sumalubong sa amin ang isang magarbong dining hall. Madaming mga lamesa at lahat ng mga tao na naka black suit. Karamihan sa mga ito ay lalaki. Bilang na bilang lang ang mga babae dito sa loob.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon