Si Yano ay sa tabi ni Yuki umupo.

Hindi pa talaga natatanggap ni Mia ang pagiging may bahay ni Yano, pero sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasang maramdaman na bahagi na siya ng pamilya nila.

Ate na ang tingin niya kay Yuki at nakababatang kapatid naman kay Trojan.

Dear Chen Yin,

Nabasa ko na ang email mo. Talagang masaya ko dahil okey ka na riyan sa Japan. Ako, ayokong aminin pero unti-unti na rin akong nagiging komportable kasama si Yano. Mabait din naman kasi siya pati na ang pamilya niya. Actually ngayong araw magbabakasyon kami sa labas ng Tama...

"Teka. Ang alam ko sa ibang bansa lang puwedeng magbakasyon, ah?"

"Tama iyon," sagot ni Trojan.

"Kung gayon bakit natin gagawin? Baka mamaya maparusahan tayo. Alam kong anak kayo ng boss pero hindi naman ata tama na lumabag sa batas," mahabang litanya ni Mia.

Ngumiti si Trojan. "Alam mo ang cute mo. Ang dami mong sinabi. Ang bilis mo pang magsalita," pang-aasar ni Trojan.

"Seryoso ako! Yano! Ate Yuki.Huwag na tayong tumuloy. Ayokong maparusahan!"

Walang tugon sina Yuki at Yano.

"Mia, masanay ka na sa'min. Pasaway talaga kami," nangingiting sabi ni Trojan sabay akbay kay Mia.

Bigla tuloy nawala ang payapang isip ng dalaga. Ang inakala niyang masayang bakasyon mukhang magiging kritikal pa dahil takas lang sila. Hindi ma tuloy siya mapakali.

"Oh, ito. Kumain ka na lang muna." Inabutan ni Trojan si Mia ng orange.

Natigilan si Mia. Biglang na-focus sa orange ang kanyang mga mata. "Mia, okey ka lang?" tanong ni Trojan.

Dito lang siya parang natauhan. "O-Oo! Ayos lang ako." Ngumiti si Mia at kumuha ng isang orange.

Bakit parang may something sa prutas na ito? naisip niya. Biglang sumakit ang kanyang ulo.

Sandali niyang nilingon si Trojan. Abala na ito sa paglalaro ng games sa phone. Nagmamaneho si Yuki at si Yano ay diretao lang ang tingin.

Kung sasabihin niya na masakit ang kanyang ulo baka makaabala lang siya kaya minabuti niya na ipikit na lang ang kanyang mga mata. Baka sakaling mawala rin ang sakit ng ulo niya.

"Mia. Mia!" Boses iyon ni Trojan. Ginising na nito si Mia. Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog na pala siya.

"Malapit na tayo," sabi ni Trojan.

Tumingin si Mia sa bintana. Natanaw niya ang isang Village. "Diyan tayo pupunta?" tanong niya.

Papalapit na ang sasakyan nila roon.

Nang medyo malapit na ay saka niya lang nabasa ang nakasulat sa arko nito. Yamato Village.

"Yamato Village? May isa pang Yamato Village?" nagtatakang tanong ni Mia.

"Mas maliit ang isang iyan kumpara sa kilalang Village. Ang lugar na iyan ang unang tinirahan ng mga pioneer natin," sabi ni Yuki.

Namangha si Mia. Hindi niya lubos akalain na bukod pala sa Tama ay meron pang ibang village ang Yamato Clan. "Ngayon ko lang narinig ang tungkol sa lugar na 'yan."

"Napaglumaan na kasi 'yan. Sa ngayon kilala 'yan bilang annex ng Village I," dagdag ni Trojan.

Wala nang masabi si Mia kundi wow! Dahil talagang humanga siya.

Hindi pa nila nararating ang pinakatarangkahan, pero tanaw na tanaw na agad kung gaano ito kaganda.

"Kung diyan pala tayo pupunta ibig sabihin hindi talaga natin lalabagin ang batas ng clan. Gumaan ang loob ko!" nasabi ni Mia.

Kizuna: The Bond Between usWhere stories live. Discover now