Gusto man ni Jongin na sawayin si Chanyeol sa inaasal niya ay hindi niya magawa. Dahil sa kanilang lahat, si Chanyeol, Sehun, Chen at Jongin ang pinaka nagkakaintindihan pagdating sa feelings. Naiintindihan niyang naiinis si Chanyeol dahil sa hinaba haba ng panahon na tinago nila 'to sa kanila.

Alam kong may rason sila Kyungsoo at Luhan kung bakit nila 'to tinago.

Sabi ni Jongin sa sarili niya.

"Dahil mali kami ng akala, Chanyeol..." Napatitig nalang si Chanyeol kay Kyungsoo sa inis niya.

Gusto niyang magwala dahil nasasaktan siya. Binitawan niya si Baekhyun dahil naniwala siyang baliw 'to, naniwala siyang baliw si Baekhyun dahil sa sinabi ng mga kaibigan niya, at naniwala siyang baliw ito ng sabihin nitong buntis siya.

Ano pang dapat kong malaman?

Tanong niya sa sarili niya.

"Try asking Taeyeon" nagulat sila ng magsalita si Sehun.

Tinignan siya ni Chanyeol, "Tapos ano? Sasabihin niyang kay Baekhyun ko rin itanong?" Umiling si Chanyeol at huminga ng malalim, "mas okay ng kay Baekhyun ako didiretso" sabi niya at naglakad na palayo.

Dahil sa inasal ni Chanyeol ay kinabahan si Luhan. Hindi sila pwedeng mag usap ngayon. Hindi pwede lalo na't nasa hospital pa si Chanhyun.

Tumayo si Luhan mula sa kanyang kinauupuan, "Chanyeol!" Sigaw niya rito, hindi lumingon si Chanyeol pero tumigil ito sa paglalakad, "Saan ka pupunta?" Mahina na yung boses ni Luhan pero rinig pa rin ni Chanyeol.

Lumingon ito sa kanila, "Uuwi na ko," sabi nito sabay ngiti ng maliit, "napagod ako bigla" dagdag pa niya at tumalikod na.

Pinanood nila si Chanyeol na naglalakad palayo sa kanila. Biglang naguilty si Kyungsoo dahil sa itsura ni Chanyeol kaya napatingin siya kay Luhan na nakatingin pa rin sa direksyon ng pinaglakaran ni Chanyeol.

"Luhan," halos pabulong niyang sabi, lumingon naman si Luhan, actually hindi lang si Luhan, lahat sila, "hindi ba natin pwedeng sabihin sa kanya?"

Dahil sa tinanong ni Kyungsoo ay mas lalong nalungkot si Luhan. Hindi niya naman kasi ineexpect na kapag niloudspeaker niya yun ay may magsasalita ng ganun. Atsaka wala siyang kasalanan, napagtripan niya lang talagang pindutin yung loudspeaker.

Umiling si Luhan habang sinasabi, "Hindi, ayokong pangunanahan si Baekhyun..."

"M-May dapat rin ba kaming malaman?" Sabi ni Xiumin. Minsan lang magsalita si Xiumin, pero kapag talagang may gusto siyang malaman hindi ka niya tatantanan hanggat di mo yun sinasabi.

Napakamot si Sehun sa batok niya, "Let me summarize the whole story," sabi niya at umupo sabay patong ng dalawang magkahawak niyang kamay sa lamesa at tinignan ang mga kaibigan niya, "Baekhyun is not crazy, he's fine, and yes. Believe it or not, he became pregnant and Chanyeol is the father"

Pagkatapos sabihin yun ni Sehun ay tinignan niya ang expression ng mga mukha nila.

"Totoo?"

"Di nga?"

"Hala weh?"

Tinuro naman ni Sehun yung mukha niyang pokerface, "Etong mukhang 'to? Magjojoke?" Sabi nia sabay iling, "ang tanging joke na kaya kong sabihin ay ang makipaghiwalay kay Luhan" sabi nito at hinawakan si Luhan sa kamay.

"Totoo ba talagang nabuntis si Baekhyun?" Tanong ni Jongin. Dahil nga sabi sa Biology class nila, babae lang ang may power na magbear ng child.

Delight || chanbaek (mpreg)Where stories live. Discover now