Chapter 18

858 19 4
                                    

Karen's POV

I can feel Jerome's breathing on my face. My eyes are still half close and my vision is slightly blurry pero alam kong nakatingin siya sa 'kin. "Good morning my love."

I automatically smiled. Seeing his face every time I wake up is the best thing. Don't get it wrong! Wala kaming ginagawa. We just slept together. That's it. Wala naman sigurong masama dun diba? I'm already 21 and he's 22. Nasa legal age na kami pareho.

Anyway, why am I explaining myself?

"Nakatulog ka ba ng maayos?" He asked me.

Kinusot ko ang mata ko bago sagutin ang tanong niya. "Of course. Katabi kita e."

Ngayon nalang ulit ako nag-stay dito. Madalas kasing nasa dorm siya at nasa condo naman ako dahil sa busy schedule ng Empires. Payag na rin naman sila mommy at daddy na mag-stay ako sa bahay ni Jerome since malaki na daw ako at may tiwala sila kay Jerome. Tignan mo yung mga 'yun, hindi naman sila ganun kaluwag nung kami pa ni Mikko. Siguro nga dahil nasa legal age na ako and they know na kaya ko na ang sarili ko.

"Is that my favorite?" Chineck ko kung anong ginagawa ni Jerome sa kitchen and I found out na nagluluto siya ng favorite ko. Carbonara!

He smirked. "Yeah. Alam ko naman na miss mo na ang luto ko."

"Sobra. Next time babawi ako ikaw naman ang pag lulutuan ko. Make sure na kakainin mo 'yun ha?"

Napangiti siya habang naghahalo ng white sauce. "I will. Basta ikaw ang nagluto."

Napatingin ako sa phone ni Jerome na nag-ring sa ibabaw ng countertop.

Kenneth calling...

"Si Manager Kenneth." Sabi niya.

Ako ang pumalit sa ginagawa ni Jerome para makapagusap sila ng maayos.

"Yes, it's me." Napatingin ako sa kanya at pinagpatuloy ang pag-sstir ng sauce.

"Wala ako sa dorm. Why?"

"Tonight?"

"Okay. I'm coming."

*end call*

Binaba niya yung phone sa table.

"Bakit?" I asked sabay tanggal ng apron.

Napabuntong hininga siya.
"Okay ka lang ba dito mag-isa mamayang gabi?"

"Aalis ka?" Hindi sa pinipigilan ko siya. Once in a blue moon na nga lang kasi kami magkasama ng kaming dalawa lang tapos ganito pa.

He nodded. "May party daw sa MS Ent. later, exclusive for idols, trainees and staffs. CEO Min asked Empires to attend. Kailangan din kasi 'yun, you know, our 5th album promotion."

I understand. I always do.

I bite my lower lip.

"Hey, don't be upset." Hinawakan niya ang chin ko sabay pisil sa pisnge ko.

"I'-im not." Okay, that was a lie.

Jerome smiled at me. Ayan, simpleng smile niya lang okay na ulit ako.

"You can go too, if you want."

Wait, what? Did he just give me a go signal? Did I hear that right? Sa pagkakaalala ko, hindi niya rin ako binibigyan ng pahintulot na tumapak sa MS Building. Lalo na kapag hindi ko siya kasama at may schedule ang buong Empires dun.

"Are you serious?" He nodded. "Pero Mikko will be there too, diba you don't want me to see him?"

He kissed me on my forehead. "I trust you. 4 years na rin ang nakalipas. Wala ka naman ng feelings sa kanya diba?"

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon