Chapter 6

990 26 0
                                    

Karen's POV

Pupunta ba ako?

Yung invitation lang na 'yun ang laman ng utak ko hanggang sa makauwi ako ng bahay. Ang adik kasi ni Keith, like hello? Kamakailan lang kami nagkakilala tapos inimbitahan niya agad ako sa birthday niya? Ang adik talaga.

"Pumunta kana kasi, Kai Angeles na 'yun noh! Member ng CThunder. C.T.H.U.N.D.E.R" Pangongonsensya ni Hani.

Kumuha ako ng pitsel sa ref at nagsalin ng tubig sa baso. "Oo nga, pero ewan ko." Ang gulo ko!

"At ikaw na rin mismo ang nagsabing magkaibigan na kayo diba?" Lumapit sa 'kin si Hani.

Magkaibigan na nga ba talaga kami?

Sumandal ako sa ref habang inuubos yung tubig sa baso. Magpapakalasing nalang ako.

"Tinawagan kana ba ni Mikko?" Muntik ko na maibuga sa mukha ni Hani yung iniinom ko.

Mabuti pa ang multo. Nagpaparamdam. E si Mikko? Wag niyo na tanungin. Naging yelo na siya ng tuluyan.

Hinatid ko si Hani sa labas ng gate at dumiretso naman ako sa kwarto ko para matulog.

Kurt's POV

"Pinapabigay ni Kai." May inabot si Manager Kenneth, este Kenneth na envelope habang nagpapa-dye ako ng buhok. Kailangan e. Ayoko talaga kaso ayun ang gusto ni CEO Min. Sadyang masunuring bata lang ako.

"Kai? Ah! Yung gwapo?" Sinulyapan ko siya sa salamin at jinujudge niya ako mula ulo hanggang paa dahil sa tanong ko. Bakit? Gwapo naman talaga si Kai ha?

Nagpatuloy siya sa pagpiflip ng pages ng magazine habang naghihintay sa 'kin. "Si Kai Angeles ng CThunder. Hindi mo pa pala siya kilala? Matagal na siyang idol sa MS Ent."

Napakamot ako ng noo.

Kai Angeles. Kai Angeles. Kai Angeles. Kai Angeles. Kai Angeles. Kai Angeles. Kai Angeles. Kai ANGELES?

"Manager Ken, anong buong pangalan niya?"

"Wait, ano nga ba 'yun?" Lumapit siya sa 'kin habang hawak yung magazine.

Tapos may pinakita siyang page na may mukha ni Kai na may kasama pang dalawang pogi sa picture. Tss, Panalo pa rin ang Empires, lima kami tapos tatlo lang sila. Huh, akala nila ha?

Ini-scan ni Kenneth yung nakasulat sa baba ng picture ng CThunder. "...Keith---hmmm---ah ito! Keith Andrew Inigo Angeles."

"Shet! Sinasabi ko na nga ba e! Ibang iba na siya ngayon, parang dati---"

"Babanlawan na po natin yung buhok niyo." Tss, wrong timing naman.

Sumunod ako sa hair stylist para nagpabanlaw ng buhok. Hashtag #NewLook #BagongBuhay #Broken

Karen's POV

This is it. On the way na ako papunta sa birthday party ni Keith. Iba kasi mangonsensya si Hani. Wala pa akong final decision hinila niya agad ako sa mall para bumili ng dress at mask na gagamitin ko. Masquerade ang theme ng party ni Keith kaya required lahat ng bisita na mag mask.

Hindi naman kaya magmukha akong tanga dun dahil si Keith lang naman yata ang kilala ko sa party mamaya? Subukan niya lang talaga akong i-op at yari siya sa 'kin. Masasayang ang effort ko dito noh, ang layo kaya ng venue nakalagay sa invitation.

Napatingin ako sa phone ko habang na-stuck ang sinasakyan ko sa traffic. No new message. Fine, edi wag siya mag text. Ang sabi ni Hani, hayaan daw muna si Mikko baka busy lang talaga. Hinahayaan ko naman e pero 3 weeks na ang nakalipas, 3 weeks na. Namumuti lang ang mata ko kakahintay sa wala.

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon