CHAPTER 85

4.4K 101 3
                                    


GRADUATION DAY (The Finale)

"Karlota! Malalate na tayo, tapos kana ba?" Sigaw ni Mama for the nth times.

Tapos na ko sa lahat, nakabihis na ko, nakaayos na yung buhok ko, nakahanda na yung toga gown ko. Nakaupo lang ako sa kama at di ko mapigilang hindi titigan yung engagement ring na bigay ni Yuji. Bumalik lahat ng pinagsamahan namin sa utak ko, yung unang araw ko syang nakita sa school, yung mga araw na palagi ko syang tinititigan, yung palagi nya kong sinisigawan, yung mga araw ng pagrereview namin para sa mathletes, yung mga araw na naging kami at walang araw na hindi sya nagiging sweet sakin. Lahat yun parang gusto  kong balikan, ang saya pa namin noon eh. Anong nangyari samin ngayon.

*Knock.Knock*

Tinago ko agad singsing at binuksan yung pinto.

"Naka-ayos na ko Ma, hindi nyo na ko kailangan katukin p---Yuji."

Karlota, yung puso mo lumalambot na naman. Patigasin mo yan, naiiyak ka na naman tapos kana dyan.

"Sabi ng Mama mo kanina kapa dito. Is everything okay?" Aniya.

No. I miss you, badly.

"Y-yeah, I'm just---just..um..Let's go?" Ngumiti ako sakanya, gagraduate ako ngayon ayoko na magdrama.

Nilahad ko yung kamay ko sakanya at agad naman nyang hinawakan yung kamay ko. I even missed his hands, lahat ata namiss ko sakanya. Palagi naman kasi syang tinatawagan ni Maxine, hindi ko na sya nasosolo.

Sabay kaming bumaba ng hagdan, sya nagbitbit ng toga gown ko. Sabi nya sya na daw maghahatid samin sa campus but still hanggang parking lot lang dahil lihim padin kami.

Pagdating namin sa school bumaba kami agad ng sasakyan nya at nauna sila Mama sa school ground. Pababa na sana si Yuji para pagbuksan ako ng pinto pero pinigilan ko sya.

"Yuji." Hawak ko yung kamay nya, hindi ko alam sasabihin ko.

"Are you okay?"

"N-no."

"You're nervous I know but this is your day, Charlotte. Smile okay? Nasa tabi tabi lang ako at papanoorin ko ang pagakyat mo sa stage. I'm so proud of you, Ms. Briones." Hinawakan nya yung kamay ko at hinalikan nya yun.

"Pagkatapos ng ceremony, sasabihin  na natin sa mga magulang mo yung tungkol sa kasal okay? Wag ka magalala, nandito lang ako hindi ako aalis."

Nang dahil sa sinabi nyang yun, kumalma yung buong kalooban ko. Bumaba sya at pinagbuksan nya ko ng pinto pero nauna akong pumunta ng school ground para hindi kami mahalatang magkasama.

Paglapit ko kila Mama, narinig ko agad yung sigaw ng dalawang kong boyFriends.

"SHACHA!!!!"

*BOOGSH*

Yep, dinaganan nila ako.

"GAGRADUATE NA TAYO, SHA! WHOO!!!" -Travis

"AT MAGKAKASAMA TAYONG TATLO! Cha, ngumiti ka naman dyan!" Nasa gitna namin si Jess at inaakbayan nya kaming dalawa ni Travis.

"Masaya kaya ako hahaha, wala naman siguro tayong speech speech dito no?" Tanong ko. Sana wala dahil hindi ako prepared.

"Wala naman siguro, grabe tayong tatlo lang yung pinakabata sa mga gagraduate ngayon." -Jess

"Tayo lang kasi nagtake ng acceleration test. Teka puntahan ko lang si Penny ah!" Tumatakbo si Travis habang nagpapaalam samin.

Nagpaalam nadin si Jess dahil pupuntahan nya din daw si Irene. Oh edi sila ng busy sa mga jowa nila. Tumabi ako kila Mama at inantay magsimula yung ceremony.

After 45 mins, nagsimula nadin. Lumipat na kami ng upuan nila Travis at Jess sa harapan kung saan nandun lahat ng gagraduate, maraming nagsalita, nagpahayag ng mga mensahe nila sa mga graduates at yung iba member ng school board which is yung Mommy ni Travis. Magkakatabi kaming tatlo ng magsimulang magtawag ng pangalan yung mga mistress. Hindi ko mapigilang hindi iikot yung mata ko kung nandyan pa ba si Yuji, hindi naman ako nagkamali ng makita ko sya sa tabi nila Mama. He was smiling at me, habang nakathumbs up sya sakin. Nakakagaan ng loob na makitang katabi sya nila Mama at nandito sila para sakin. Ang saya sobra ng nararamdaman ko ng biglang tawagin yung pangalan namin sila Travis at Jess.

"Now, for our three early graduates who passed the acceleration test, give it up for Travis Kyle Rajishima, Alexander Jess Madrigal and Charlotte Briones! Come up here you guys."

Nagpalakpakan saming lahat, lalo na si Mama grabe makasigaw ng, "Anak ko yan!" Kala mo may umaangkin sakin e. Umakyat kaming tatlo at magkakahilera kaming binigyan ng diploma. Una si Travis then picture taking, sunod si Jess then picture taking ulit. May isang tao akong napansin na kasama ng mga Schoolboard members na nagbibigay ng diploma, gulat na gulat ako na magsalita ulit yung mistress.

"And now our very own Mr. Patterson, the Godfather and owner of PATSColleges."

S-si Lolo

Nagpalakapakan lahat ng tao sakanya samantalang ako gulat na gulat na malaman kong yung matandang nakasama ko nung isang araw at namamalo sakin ng tungkod ay may-ari pala ng school na pinapasukan ko. Ngumiti sya sakin, hindi pa sya nakuntento lumapit pa sya sa sakin at niyakap ako na ikinagulat ng lahat. Dude, the owner of the school is hugging me right now. Who would've thought that we are close?

Everything was so perfect, not until the school board members gave me my diploma and when I was about to look at him, nakatayo sya habang may kausap sya sa phone.

Ni hindi nya man lang ako nagawang tingnan na tanggapin yung diploma ko. Basta dali dali lang syang tumakbo palabas ng gate. Hindi ko alam kung anong meron o baka tungkol ulit kay Maxine yung pagmamadali nya. Biglang nanigas yung buong katawan ko, hindi ako makagalaw habang tinitingnan ko syang nagmamadaling tumakbo palayo.

"Psst! Sha! Yung diploma mo uy!" Bumalik lang ako sa wisyo ko ng marinig ko si Travis na sinisitsitan ako mula sa baba ng stage.

Kanina pa pala inaabot sakin yung diploma ko pero nakatingin ako sa kawalan.

"I-I'm sorry, th-thankyou." Sabi ko habang tinatanggap yung diploma ko. Picture taking, ni hindi ko magawang ngumiti ng tunay kundi pilit.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon