CHAPTER 18

5.4K 159 3
                                    


Nasa mall ako ngayon, nagcut ako ng class kay Mrs. Machine Gun para mabilhan ng gift si Sir. Hindi pwedeng wala akong gift sakanya, hindi ako pwedeng magpatalo kay Ms. Lina.

Nasa men's wear ako, dahil balak kong polo ang gift ko sakanya. Tutal gwapong gwapo ako kay Sir pag nakikita ko syang nakapolo. The blue caught my eye, iba yung design nya sa lahat at may different lining sya na alam na alam kong bagay na bagay yun kay Sir.

Tumakbo agad ako para sa polong yun at ng mahawakan ko na yun may kaagaw akong babae na nakahawak din sa polo.

"I saw it first." Sabi nya.

"Yeah, you saw it first but I got my hold into it FIRST."

Magkamatayan na dito hindi ko to ibibigay sakanya!

"Is there a proble--"

"YES!" Sagot naming dalawa sa saleslady na lumapit samin.

"May isa pa ba kayong polo na ganitong ganito ang design at kulay?" Tanong ko pa sa saleslady.

"Um, wala na po Ma'am out of stock na po kasi iyan."

Sa sinabi nung saleslady lalo akong napahawak ng mahigpit sa polo.

"Let go." Bulong nung babae sakin. Ano tinatakot nya ko? Baka sampigahin ko sya.

"No, YOU let go." Nagtitigan na kami, kahit abutin tayo ng gabi dito hindi ko to bibitawan.

"Bitch, I don't have time to argue with you about this. So, if you want to e--" Nakataas yung kilay nya sakin habang nagsasalita, nakakasura kaya di ko na sya pinatapos.

"Don't try to scare me with your bitchyness cause that won't work either." Hindi ako natatakot sakanya, oo matangkad sya pero sa taas ng heels nya I can kick her way out of here.

"Maxine, we have to go." Someone called her name and I was there shocked. Narinig ko na naman yung pangalang 'Maxine'.

Hindi kaya sya yung Maxine na binubulong ni Sir? ANO BA YAN SIR WALA KA PALANG TASTE! MAS MAGANDA PA KO SAKANYA E!

Tinitigan pa nya ko ng isang beses nya bitawan yung polo.

"Fine, it's all yours. It looks cheap anyway." Sabay irap nya sakin at talikod nya.

THAT BITCH! It's not about the prize you stupid stupid bitch!

Kinuha ko agad yung polo at dumeretso sa cashier. Nagiinit yung dugo ko, napakaarte ng babaeng yun. Pero sya nga kaya yung babaeng tinutukoy ni Sir? Parehas kami ng pinagaagawang polo that means naisip nya ring bagay yun kay Sir diba?

Habang nakapila sa cashier, may nakita akong necktie na nakaagaw agad ng atensyon ko. Walang duda, bagay na bagay yun sa polong binili ko. Kinuha ko agad yun at sabay na binayaran sa cashier kasama yung polo. Maganda naman yung paperbag na lagayan kaya hindi ko na naisipang ibalot pa, hindi naman siguro maarte si Sir pagdating sa gift wrapping diba?

Napatingin ako sa relo ko at nakitang matatapos na yung last subject namin. Kailangan ko na bumalik sa campus, ineexpect na ako Sir na dumating sa office nya by any minute now.

---

Pagdating sa campus, tumatakbo na ko paakyat ng hagdan. Natraffic ako kaya late na ko ng 40 mins. sa review namin.

"Bawal tumakbo sa hallway!" Sita pa sakin nung isang prof pero dahil hindi ko sya kilala snob ko lang sya.

Patuloy parin akong tumatakbo, hanggang sa gapangin ko na yung hagdan ng makarating ako sa 5th floor. Juskolord, para na kong hihikain nito. Tumigil ako sa kakatakbo ng makarating ako sa hallway papalapit sa office ni Sir, and as I reached his door agad agad kong binuksan yun pero..

.
.
.
.
Wala sya.

Napaupo ako sa sahig, pawis na pawis ako at halos atakihin na ko ng hika ko kakatakbo tapos wala pala sya dito. Tiningnan ko ulit yung relo ko, no wonder kung bakit wala na si Sir dito. Halos 1 hour na kong late at birthday nya. Malamang inaya sya ng mga co-proffessor nya sa party or suprise whatsoever.

Nakakainis, kung hindi dahil sa pakikipag-agawan ko ng polo di sana naabutan ko sya kahit papano. Nagpahinga ako ng konti, tsaka tumayo at lumabas ng office ni Sir. Uuwi nalang ako, itong gift? Hindi ko alam kung ibibigay ko pa to sakanya bukas, gusto ko ngayong mismong birthday nya ko to ibigay kaso nahuli na ko.

"Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Argh!!"

Nagmamaktol ako habang naglalakad pababa ng hagdan. Halos nakakuba na ko maglakad, grabe napagod ako kakatakbo tapos nauwi lang sa wala. Effort pa Karlota, ang bagal mo kasi. To think na nagcut kapa ng class para mabili yang regalo na yan.

*Sigh*

Nakalabas na ko ng building at padiretso nadin akong lumabas ng gate. Mukha pang uulan dahil makulimlim.

Pagtapak ko sa labas ng gate, ayun na nga bumuhos na yung ulan. Hindi ako tumakbo, hindi ako nagmadali maglakad, parang feel na feel ko yung ulan. Magsesenti muna ko, this is just exactly what I need.

Ang saya siguro ni Sir ngayon, may candles, cake, balloons, surprises. Habang ako pawis, pagod, at basang basa pa ng ulan. Akala siguro ni Sir hindi ako dadating kaya hindi nya ko naantay. Kaiyak naman.

"Ms. Briones"

Yan, ganyan na ganyan yung boses ni Sir pag tinatawag nya ko.

"Ms. Briones."

Nakakainis, ni hindi ko man lang narinig yung boses nya ngayong araw. Wala! Walang kwenta tong araw nato, nalaman ko pang may girlfriend sya. Maxine? What kind of name is that!

"Ms. Charlotte Briones."

Nahihibang na ata ako, pakiramdam ko naririnig ko yung boses ni Sir na tinatawag yung pangalan ko.

Habang naglalakad nakayuko lang ako, tumila na ata yung ulan dahil wala na kong nararamdamang patak ng ulan sa ulo ko.

"Ms. Briones, kung gusto mong magkasakit wag ganitong gabi na naglalakad kapa magisa."

Napatigil ako sa paglalakad, kung hindi ako nagkakamali boses talaga ni-- Tumingala ako at nakita kong nakangiti sya sakin.

"Kanina pa kita tinatawag nakalayo na nga tayo sa kotse ko para mapayungan kita habang naglalakad ka. Are you deaf?"

Ang gwapo mo parin kahit galit ka. Pero galit kaba talaga? Can't tell the difference.

"S-sir Yuji?"

Hindi na nya ko sinagot, hinahawakan nya nalang yung kamay ko papunta sa kotse nya. Hilig nya talagang manghila no?

Pinapasok nya ko sa sasakyan at ganun din sya. Kinuha nya yung panyo nya sa bag nya at pinupunasan nya yung mukha ko na basang basa ng ulan.

Ako? Inatake na naman ako sa puso. Hindi ako makagalaw sa ginagawa nya.

"What are you doing walking under the rain in the middle of the night? Paano kung may nangyari sayo? Pano kung hindi kita namukhaan at hindi kita napansin na naglalakad magisa? You could have been raped or taken by someone you don't know. Ms. Briones, are you listening to me?!"

He's shouting, magkasalubong ang mga kilay at hindi nanlulumo ang mga mata nya like before, okay this time alam ko ng galit sya.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon