CHAPTER 74

3.8K 98 2
                                    

Yuji's Wife. Yuji's Wife. Yuji's Wife.
Yuji's Wife. Yuji's Wife. Yuji's Wife.
Yuji's Wife. Yuji's Wife. Yuji's Wife.
Yuji's Wife. Yuji's Wife. Yuji's Wife.

Ang sakit. Dapat ako yung tumatawag kay Yuji nun eh, dapat ako yung humahawak ng phone nya at sasagot ng ganun dahil ako girlfriend nya diba? Well, hindi ko naman sasabihin na 'Yes? This is Yuji's Wife' No. I would say 'This is Yuji's Girlfriend' dahil alam ko kung ano pagkakaiba ng kasal sa hindi. Pero yung ako pa mismo ang sabihan na 'This is Yuji's Wife', parang ang laking sampal sakin na ano? May anak kami and he might as well marry me 'coz I'm carrying his child. Diba?

"Score! Whoo-hoo! Oh, Sha ano ng scores namin?"

"Cha? Sinong lamang samin?"

Baka naguusap lang siguro sila kaya sila magkasama kaninang umaga. Diba ako pa nga nagsabi sakanya na kausapin nya si Maxine? Pero sabi nya isasama nya 'ko pag kinausap nya si Maxine dahil kasama daw ako sa mga plano nya. Ano yun pinuntahan sya ni Maxine sa campus? Pero sabi ni Penny, hindi naman pumasok sa klase nila si Yuji.

God, hindi ko na alam iisipin ko.

"Sha?"

"Cha?"

Sabay na tanong sakin nila Travis at Jess. Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay namin at nagbabasketball silang dalawa sa mini ring na ginawa ni Papa. Hindi nga sila pumasok dahil tulog pa sila kaninang umaga, sabi na nga ba. Kaya yan, pumunta sila dito sa bahay bored daw sakanila.

"H-ha? Oh! Sinong nakashoot? Pasensya na hindi ko nakita haha!"

Sabi ko habang nililipat yung page ng notebook dahil nilipat ko yung page para makapagdrawing ako sa likod.

"Ok kalang, Sha? Bakit ka nakatulala?" -Travis

"Tsaka ano yang dinodrawing mo?" -Jess

Kinuha naman ni Jess yung notebook na hawak ko nakita nya yung dinodrawing ko.

"Baby pre." -Travis

"Bakit ka nagddrawing ng baby?" -Jess

"Um--"

Hindi pa ako sumasagot bigla nalang silang nagtalunan at parang lumiwanag yung mga pagmumukha nila dahil bigla silang nagsingitian sakin.

"BUNTIS KA?!?!" Sabay nilang sigaw sa mukha ko.

*PAK!*

"Amina na nga yan! Hindi ako buntis mga loko." Kinuha ko kay Jess yung notebook.

"E bakit ka nagddrawing ng sanggol?" -Travis

"Cha, it's either you want a baby or your thinking about pregnancy kaya ka nagddrawing nyan." -Jess

Napabuntong hininga ako. Sasabihin ko ba sakanila? Ayokong maglihim sakanila pero isa pa 'tong mga maiinitin ang ulo, hindi ako pinapatapos magsalita bigla bigla nalang silang nanunugod. Baka sugurin NA NAMAN nila si Yuji.

"I don't want a baby, and yes I'm thinking about pregnancy pero hindi ako. Si Mama, ako yang baby na yan na dinodrawing ko. Iniisip ko lang kung ano itsura ko nung baby ako." PALUSOT QUEEN. I still got it.

"Sus." Parehas nilang sagot. I glared at them.

"Tara na nga sa loob, ginawan kayo ni Mama ng meryenda sa taas. Tsaka magshower nadin kayo, ang babaho nyo puro kayo pawis." Hawak hawak ko na yung gulong ng wheelchair ko ng may marinig akong yapak papalapit sakin.

"SHACHA!!" *hugs*

"AHH!!! ANG LALAGKIT NYO! WAG NYO KONG YAKAPIN!!"

"HAHAHA! WE LOVE YOU!" Sigaw pa nila.

"I LOVE YOU TOO. BITAW NA!!"

Ang sweet namin na ewan. Ako talaga number 1 girlfriend ng dalawang 'to e. Pero seriously, basang basa talaga sila ng pawis. Kadiri.

Nagsihubaran pa sila ng mga jersey tapos hinagis nila sakin. Lalo ako nandiri samantalang pinagtatawanan lang nila ako. Lumapit pa sila at sabay sabay nila akong sinayawan na para silang mga strippers.

"Hoy! Para kayong mga ewan! Oy! Itigil nyo nga yan! Isa!"

Nagtatawanan lang sila habang kinikembutan nila ako. Aakyat na sana kami, si Travis gustong magtulak ng wheelchair ko ng biglang may bumisina sa labas ng gate.

*BEEP BEEP*

Napatingin kaming tatlo ang kilalang kilala namin kung kaninong sasakyan yun.

"Sige na mauna na kayo sa taas, susunod nalang ako." Sabi ko sakanila.

Sumunod naman sila at nagsiakyatan na sila sa taas. Inikot ko naman yung wheelchair ko papunta sa gate para pagbuksan si Yuji na kabababa lang ng sasakya nya.

*Gate opens*

"Charlotte, about this morning I can explai--"

"Pumasok ka muna." Hindi pa kasi sya nakakapasok ng gate, dire diretso na agad yung pagsasalita nya.

Pagpasok nya ng gate, sya na yung nagsarado kaya nauna akong pumunta sa ilalim ng puno namin dahil malilim doon. Nilock ko yung wheelchair ko at inantay syang lumapit sakin. Eto na naman kami, maguusap na naman, magtatalo na naman. Nasa harapan ko na sya pero hindi ako nagsasalita, ang totoo pagod na ko magsalita.

"She came into my house this morning without her telling me na pupunta sya. Nagulat nalang ako na nasa kwarto ko na sya."

Nasa kwarto?

"You mean she has key to your house?"

"Y-yes. It was long time ago, she needed place to stay for a couple of days so I gave her the key to my house para may napupuntahan sya everytime na may problema sya sakani--"

"Hindi ko gustong malaman yung tungkol dun Yuji. Yes or No Question lang naman yung tanong ko. Oo o hindi lang isasagot mo."

Who would want to know about their past? Nagstay pa pala si Maxine sa bahay nya noon, hindi ko alam yun. Tapos may susi pa sya sa bahay nya, this is just....so great.

"I'm sorry, I know you're mad I didn't tell you about Maxine having her own key to my house. Hayaan mo papalitan ko na yung locks ng bahay ko."

Hindi ko alam kung matutuwa ako na papapalitan na nya yung locks ng bahay nya para hindi na makapasok ni Maxine o maiinis dahil NGAYON nya lang naisip yan kung kailan nakalabas masok na si Maxine sa bahay nya. She has her own key, ang saya naman. Tinalo pa nya ko na girlfriend ni Yuji pero wala akong susi ng bahay nya.

THIS IS JUST SO GREAT.

Napahawak ako sa noo ko, naiinis ako sakanya. I want to yell at him pero nangyari na e.

"Charlotte, where are you going? Please let's talk."

Inikot ko na kasi yung wheelchair ko patalikod sakanya pabalik ng bahay.

"Yuji it's ok. May susi sya ng bahay mo it's ok. Nakakalabas-masok sya sa bahay mo it's ok. Nakakapasok sya ng kwarto mo habang tulog ka it's ok. I called you and she answered it saying that his your Wife, IT'S REALLY OK. Nagusap kayo about sa baby nyo, walang problema sakin yun. Hindi ako galit sayo, hindi ako galit sainyo. Pagod lang siguro ako. Umakyat kana sa taas, malamang nakita ni Mama yung sasakyan mo, inaantay kana nya sa taas."

"Charlotte please."

Hawak hawak ko na yung gulong ng wheelchair ko at umakyat sa ramp na ginawa ni Papa para nakakaakyat ako sa bahay kahit walang nagbubuhat o nagtutulak sakin.

Nauna akong nakaakyat sa taas tapos sumunod sya. Binati nya sila Mama at Papa, sila Travis at Jess na nasa lamesa at kain ng kain ng meryenda. Ako iniwan ko na sila, pumasok na ko sa kwarto ko at nilock yun. Hindi ko alam kung bakit pero parang nawalan ako ng gana nung makausap ko sya.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon