CHAPTER 27

5.3K 145 0
                                    


MATHLETE COMPETITION PART 1

Natapos ang buong araw na puro Mathematical equations ang nakikita ko. Mga word problems at mga definitions din, ang pinaka naging challenging sakin e yung pasok ako sa top 20 at iba't ibang representatives ang mga kalaban ko. Ako nalang natirang representative sa school namin, si Jess kasi natalo sya by 1 point nung laban nila ni Thunder. Thunder defeated him, this final round isa si Thunder sa makakalaban ko. Ako nalang natitirang pambato ng school kaya  parang ako na ang nagbibitbit ng pangalan ng school namin.

Kung kanina halos walang nagchicheer sakin, sa isang iglap halos puro pangalan ko nalang naririnig ko. Kahit kalaban ko si Thunder, nakikicheer din sya sakin. Pinapalo nga sya ng handler nya pero wala syang pakialam, maisigaw nya lang pangalan ko.

"Now, for our sudden death. Our top 20 finalists will have to achieved 30 points in order to win this competition. We have 3 stages, Easy, Medium, and Intermediate. Every stages has 2 questions, that means 3 stages, 6 equivalent questions. This is a race everyone, first finalist who got 20 points will be awarded as our Mathlete Of the Year and his/her school will win 10 sets of computer to their computer laboratory. Top 20, are you ready?"

Ang tatapang ng mga mukhang nakikita ko sa stage, nasa bandang gilid kasi ako nakapwesto kaya kitang kita ko sila. Tag-iisa kami ng mga table at may malaking monitor sa likod namin para dun nakikita ng audience yung mga solutions namin.

"Sha, handa kana bang matalo?" Sabay kindat naman sakin ni Thunder.

"You wish, natalo na nga kita kanina umusad kalang kasi nataasan mo si Jess ng 1 point kaya hindi sya pasok sa top 20."

"Sus, atleast natalo ko sya hindi lang 1 point yun Sha. 1 point means everything."

May pa-pikit pikit pa sya habang nagsasalita, baliw talaga. I really don't care kung manalo o matalo ako dito, dahil pag nanalo ako mabibigyan ng 10 new computers ang school nato and why would I want that? This school judged me. Mas gugustuhin ko pang magpatalo at mapanalunan nung representative ng MakHigh yung 10 new computers dahil kailangan yun ng school nila. Kung tutuusin naman kase hindi kailangan ng school namin yung sampung bagong computers, sabihin nalang natin na likas ng mayaman ang school namin pagdating sa mga technologies. Meron nga kaming science laboratory dito which has REAL different devices used in experimenting. Pag may nasira man, napapalitan agad. Ganun kayaman yung school namin kaya bakit pa kailangan ng bagong 10 computers?

Napatingin ako sa harapan at nakita ko si Sir na ngumiti sakin. Nagwave at nagthumbs pa sya sakin, haynako Sir kundi dahil sa pagtatyaga mo sakin magturo, hindi ko gagalingan 'to.

"Our first question for stage 1 (Easy): Solve the equation 3x + 18 = x (squared)."

Sabay sabay kaming tumungo para magsolve ng mga kalaban ko at halos sabay sabay din kaming natapos at pumindot sa buzzer.

"Whoa! That was fast, but according to our observer our first buzzer is...Ms. Briones. What is your answer Ms. Briones?"

"x= -3 or x= 6"

Saglit pang sumilip yung host sa papel na hawak nya and suddenly smiled to the crowd.

"Negative 3 or positive 6 is correct!"

(Crowd applaused)

Nakipag apir pa sakin si Thunder at sinisigaw ng mga kaklase ko yung pangalan ko. Suuus, mga plastik tong mga to parang nung isang araw hindi nila ako nilalayuan.

"Peter, galingan mo naman! Hindi ako naglaan ng oras ko sayo para turuan ka at mauwi yun sa wala! Pinapahiya mo ko sa mga co-professors ko!"

Napatingin kami ni Thunder sa huling huli kalaban namin na nasa dulo at kung paano sya sigawan ng handler nya. Kitang kita sa mga mukha nya na takot na takot sya sa handler nya. Impaktang professor yon, akala mo pinapakain nya yung tao kung sigawan nya!

"Hep. What are you doing?" Pigil sakin ni Thunder ng makita nyang bumaba ako sa desk ko.

"Nakita mo naman kung paano sya sigawan ng handler nya diba? Kahit sabihin nating prof sya, hindi ibig sabihin nun maninigaw at pwede na nyang pahiyain yung estudyante nya."

I was so mad. Tumataas ang alta presyon ko sa demonyitang prof na yon.

"I know, I know ok? But still you're a student too. What can you possibly do for that guy? Bumalik kana sa desk mo magsisimula na ulit yung bagong tanong."

Tiningnan ko ulit yung Peter at halos manlumo yung puso ko ng makita kong pinupunasan nya yung luha nya. That's it, tama si Thunder estudyante lang din ako at wala akong magagawa para sa batang yun but I know a way to help him with this battle.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon