CHAPTER 41

5.6K 155 4
                                    

Pagtapos ng klase, pinagtitinginan ako ng lahat. I'm sure nakalat na agad sa campus yung nangyaring sampalan namin ni Irene sa cafeteria Hindi ako nahihiya at hindi ko pinagsisisihan yung ginawa kong pagsampal sakanya, that's serves her right. Sya ang nanguna saming dalawa pero kung tingnan ako ng mga tao dito, para ako yung nagmumukhang masama. Mga abnormal talaga.

Naglalakad na ako sa kalsada pauwi ng maramdaman kong nagbavibrate yung phone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ng palda ko at nakita kong may tumatawag sakin pero unregistered sya sa contacts ko. Sino naman to?

*REJECTED*

Wala ko sa mood, kung importante sasabihin mo magpakilala ka.

*Pop!*

One message received.

Para namang narinig nung tumatawag sakin kanina yung sinasabi ko na magpakilala sya dahil bigla syang nagtext.

"Why aren't you answering my call?"

Napataas naman yung kilay ko. At baket ko naman sasagutin tawag nya e hindi ko sya kilala? Feeling!

*PHONE VIBRATE*

(+639362163*** calling)

*REJECTED*

Makulit ka ha, sinabi ng hindi kita kilala!

*POP*

One message received.

"Answer the phone, Charlotte."

Lul! Ngayong mainit ang ulo ko ayoko ng maraming pakulo, kung may kailangan ka magpakilala ka! Bwiset.

*PHONE VIBRATE*

(+639362163*** calling)

You gotta be kidding me.

*CALL ACCEPTED*

"Hoy! Ako mainit ang ulo ko! Kung may kailangan ka itext mo nalang dahil hindi kita kilala! Dalawang beses ko ng pinatay yung tawag mo, hindi mo pa nagets!?"

"Ms. Briones."

*GULP*

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses nya. Adik ka Karlota, si Sir yung sinisigawan mo!

"Uh S-sir k-kayo pa-pala."

Para ko tuloy nilunok yung pride ko ng buo, nakakahiya unang beses ko syang sinigawan baka ayawan na nya 'ko. Wrong timing ka naman kasi Yuji!

"Is everything ok?" Ang husky ng boses nya, ang gwapo.

"Ok lang po Sir, pasensya na po kung nasigawan ko kayo akala ko kasi ibang tao kayo." Kumalma na ko once na nalaman kong sya yung kausap ko, siguro nga boses nya lang talaga ang kailangan ko para kumalma yung alta presyon ko.

"I've planned to pick you up, but--"

"No! I mean w-wag Sir, mainit na naman kasi ako sa campus. I got into fight--"

"What?!" Gulat yung boses nya, hindi na naman nya ko pinapatapos, baka iniisip nya sapakan yung fight na tinutukoy ko.

"Sampalan lang po yun, it's not big deal Si--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng may humawak sa balikat ko at iniharap ako sa harapan nya.

"Are you hurt!? May masakit ba sayo? Sinong nakaaway mo? At anong dahilan?!"

Gulat na gulat ako ng makita ko sya ngayon sa harapan ko. How come na kausap ko lang sya sa phone kanina tapos ngayon nasa harapan ko na sya?

"Si-sir, kayo ba si Flash?" Seryosong tanong ko pa. Naguguluhan talaga ako, how the hell did he get here that fast?!

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon