CHAPTER 11

5.9K 171 20
                                    






Kinabukasan, magdamag na nakadilat yung mga mata ko. Hindi ako nakatulog ng maayos, magdamag akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Hinalikan nya ko sa pisngi, pero parang para sakin sa lips nadin yun HAHAHAHA! Kanina ko pa pinanggigigilan yung unan ko, iniisip ko sya si Sir, kinikilig padin kasi ako! Yun na ang unforgettable moment ko EVER!






Maaga akong bumangon, naligo at nagbihis ng uniform at nagluto ng breakfast namin ni Raven. Ang ganda gandaaa ng umaga ko, mula pa kagabi yung ngiti ko pero hanggang ngayon nakangiti padin ako. Ni ayaw ko ngang hilamusan yung mukha ko kasi mawawala yung kissmark ni Sir sa pisngi ko!





"Whoa, ang aga natin nagising ah? Ano niluluto natin dyan?"

Kagigising lang ni Raven at umupo sya agad sa lamesa at hinainan sya ng fried garlic rice at bacon na paborito nya.





Kumakanta kanta pa ko habang back and forth na nagaasikaso sa kusina. Umupo ako sa lamesa at sinabayan si Raven kumain, kahit sumusubo na ko naghahumhum padin ako at nakangiti padin. Ginagalaw galaw ko pa yung ulo ko na parang may earphone ako sa tenga at nageenjoy sa pinapakinggan ko pero wala naman.




"Hoy Karlota anong nakain mo? Kanina kapa nakangiti dyan nakakatakot kana oy."



Tumingin ako kay Raven at binato sya ng green peas na nakahalo sa fried rice ko.


"Kumain ka nalang, paborito mo yung bacon at fried garlic rice diba?"



"E ba't ka nga nakangiti dyan? High kaba? Takte nakadrugs ka siguro no? Sumbong kita kila Mama."

This time dalawang green peas na binato ko sakanya.



"OA mo. Kung nakadrugs ako hindi ako magluluto, at kung magluluto man ako, may lason yang kakainin mo."


"Hmm...May boyfriend ka siguro. Nice naman may pumatol sakanya."

Pinisil pa nya yung ilong ko at inaasar na naman ako.


"Raven, tumigil ka nga. Ubusin mo na yang pagkain mo at maghugas kanang pinagkainan. Bye!"

Tumayo ako at hinalikan sa pisngi ang baby brother ko.




"Ew!" React naman nya sabay layo nya sakin.

"Ang arte!" Sagot ko naman habang tumatawa at lumabas na ko ng bahay.




Alam nyo yung lakad na may patalon talon pa na parang bata? Ganun yung lakad ko papunta sa sakayan ng Jeep. Pakiramdam ko ako na yung pinakamasayang tao sa mundo.




Pagdating ko naman sa school, ang active ko naman sa mga recitation. Taas ng kamay dito, taas ng kamay doon. May activity pa nga kami sa Literature at ako ang leader, naipanalo ko rin yung grupo namin excempted nga kami sa darating na test eh.




Pagkatapos ng klase dumeretso naman agad ako sa office ni Sir, hindi pa dismissal pero kasi gusto ko ng ipasa yung mga pinaassignment nya sakin na puro equations. Kumatok ako sa pinto nya pero walang sumasagot.





"Sir. Yuji?"


Tanong ko pa pero wala paring sumasagot. Sinubukan kong iikot yung doorknob at nabuksan ko yun. Hindi sya naglalock ng pinto?



Pumasok ako sa loob, asual maayos ang mga gamit dito sa loob. Ni isang gamit dito wala kang makikitang wala sa kanya kanyang lalagyan. Umupo ako sa karaniwang inuupuan ko, balak kong antayin sya para personal na ipasa yung papel ko sakanya.


My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon