CHAPTER 81

4K 109 4
                                    

"Good morning Mr. Pa---"

"Oooh! Kare-kare ba yun neng? Bigyan mo ko ng isang order nun, atsaka ano yun beef steak? Isa din nun."

Nandito na kami sa Cafeteria at kanina pa ako nakatayo dahil ang tagal mamimili ni Lolo ng kakainin nya.

"Pati leche plan, and apple please, spaghetti and sausages. Isang red tea make that two at pakihatid nalang sa table banda dun. Thankyou."

"Wh--wait, Lolo! Where do you think you're going?" Tanong ko dahil pagkatapos nyang umorder ng pagkarami rami basta nalang syang umalis.

"Uupo na." Aniya.

"Uupo? Hindi pa po bayad yung mga naorder nyo."

He chuckled.

"Ikaw ang magbabayad." Sabay alis nya.

Wh-what....anong ako magbabayad?! Burger nga lang nakakaya kong kainin dito tapos ako pa magbabayad ng lahat ng inorder nya?

"Lolo!" Lumingon pa ko sakanya pero nakaupo na sya sa table at kinawayan pa ako.

Anak ng.

"Babayaran mo ba yung mga naorder nya?" Tanong sakin nung nagtitinda sa cafeteria.

Nakakaloka, ako na nga tong nagiipon, tinitipid sarili ko, palalibre pa nga ako kila Travis at Jess tapos biglang sagot ko ang lunch ng matandang yun!

Padabog kong kinuha yung wallet sa bulsa ko at binayaran lahat ng inorder nya. Ako pa nga nagbuhat ng mga pagkain papunta sa table nya.

"Kare-kare, beef steak, apple, spaghetti, sausages and red tea. And all of this cost more than 200 pesos." Nilapag ko yun sa table nya pero parang wala syang narinig at nilamutak lahat yung pagkain na nakalatag sa harapan nya.

"Mmm! Ngayon ko lang natikman ang Kare-kare nila dito, masarap pala ano? Pati tong steak aba masarap din!"

Kain lang sya ng kain, seryoso ngayon lang sya kumain dito sa baba? E sya na nagsabi dito na sya tumanda diba?

"Lolo, alam nyo bang ang mahal ng mga tinda dito sa cafateria? Lahat ng estudyante dito nagbabaon nalang kesa gumastos ng spaghetti na tag 70 pesos, na lantang lanta naman at tinalo pa yung presyo ng spaghetti sa Jollibee!"

Tinitingnan nya lang ako habang nagsasalita pero nguya parin sya ng nguya.

"Lo, nailibre ko na kayo. Sinagot ko yung lunch nyo na hindi ko naman kalimitang ginagawa dahil kuripot ako. Isang tanong isang sagot. Paano nyo nalaman na may relasyon kami ni ano...Yuji." Binulong ko pa yung pangalan ni Yuji, mamaya may makarinig sakin.

"Iha, oh eto kumain ka nitong spaghetti masarap yan maganda pagkakaluto nila dyan."

Hindi ko alam kung hindi nya talaga ako naririnig o nagbibingi-bingihan lang sya para hindi nya sagutin yung tanong ko. Pero dahil gutom din ako, kinuha ko yung spaghetti at kumain din kasabay sya.

Tingnan mo nga naman, imbes na si Yuji kadate ko, si Lolo pa naging kasabay ko kumain ngayon.

"Mm, infairness masarap nga spaghetti nila." Sabi ko, ngayon alam ko na kung bakit paborito tong orderin ni Travis.

"Ito pang mga sausages, masarap din pagkakaihaw nila dyan. Kumain kanang marami iha, dinaig mo pa asawa ko sa dami ng wringkles mo sa noo. Marami kang problema ano? Tungkol sa nobyo mo?"

Para naman akong nabulunan sa mga sinabi nya. Kanina nagbibingi-bingihan sya sa mga tanong ko ngayon gusto nyang pagusapan yung problema ko.

"Wringkles? Seryoso po? Madami? Saan?!"

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon