"Pa! Mahulog kayo! Magdahan dahan naman kayo." Inalalayan pa ni Raven si Papa bumaba ng hagdan.

Umaalog alog pa tyan ni Papa habang bumababa e. Laughtrip.

*HUGS*

"Pa--Papa...can't...breath..." Halos hindi ako makahinga ng yakapin ako ni Papa ng sobrang higpit.

To think na may hawak pa kong kutsara diba.

"Pa, ano po bang meron at nagsisisigaw kayo ni Mama?" Tanong ni Raven.

"Ang ate mo gagraduate na! Basahin mo to dali!" Binigay ni Papa yung papel kay Raven.

Kawawa naman yung certificate ko, gusot gusot na. Di bale, may copy pa naman ako sa school.

"Naks naman!" Sabi ni Raven habang nakikipagapir sya sakin.

Si Papa kanina pa ko hindi binibitawan, si Mama naman nasa telepono agad at sinabi agad sa mga kamag-anakan naming graduate na ko acheche. Ang tali-talino ko daw, manang mana daw sakanya. Inagaw naman ni Papa yung telepono at sinabing HINDI! SAKIN NAGMANA SI KARLOTA!

Nakakaloka.

"Hep. San ka pupunta?" Tanong ni Mama.

"Maliligo na Ma, kasali ako sa committee na magoorganize ng school ground para sa graduation day."

Hindi lang naman ako, kami kami nila Travis at Jess.

"O sige, pero umuwi ka agad at ipagluluto kita ng marami ha?"

Wow.

"Pag sinabi nyo bang marami, kasama pati ginataang alimango lulutuin nyo Ma?" Favorite ko yun!

"Kahit ano pa, Anak. Reward mo yan dahil nagmana ka sa akin, matalino!"

Bigla namang humarang si Papa samin at nakipagtagisan na naman kay Mama.

"Sa akin nagmana si Karlota! Bagsak ka nga palagi sa Math e!" --Papa

"Anong bagsak sa Math?! Gusto mo pakita ko pa sayo yung card ko noon? Matataas ang gradea ko oy!" --Mama

"Ano, magsstay kaba dyan o sasabay kana sakin pumasok?" Sabi ko kay Raven at sabay na kaming umakyat sa taas.

Iniwan na naming nagtatalo sila Mama at Papa sa baba. Para talaga silang mga bata.

---

Pagdating ko sa school, lahat ata ng klase ng gamot nasa bag ko na. May dala pa kong rolyo ng tissue, para na kong mamamatay nito.

"SHACHA!!!!"

Nagsitakbuhan sila Travis at Jess sakin pero bago pa sila makalapit, nababahing na ko.

*Achooo!*

"Ewww..." Sabay nila sabi habang unti unti silang umaatras palayo sakin.

"Ano na? Nasaan na ang hug ko?"

"WAG! Wag kang lalapit sakin, Sha! May sipon ka ewww!" --Travis

"Pati saken! Wag na wag kang makakalapit sakin, Cha! Please lang! Layo ka muna! La---"

*HUGS!*

Hindi na sila nakaimik ng yakapin ko sila pareho ng sabay. Ang aarte, puro sila ewww habang niyayakap ko sila. Pinagkikiss ko pa sila sa mga pisngi nila, lalo sila nandiri hahaha!

"Charlotte."

Natigilan ako sa kakayakap ko sa dalawa ng may magsalita sa likod ko.

Lord, bakit ngayon pa. Hindi ko pa sya kayang harapin ngayon.

"Yan, si Sir. Yuji nalang yakapin mo, till death do us part naman kayo diba? Haha" --Travis.

*PAK!*

"AHH! SHAA!!"

"Loko ka e, tara na nga maiwan na namin kayo, Cha." Sabi ni Jess habang hila hila nya si Travis.

Pagka-alis nila, syang hila sakin ni Yuji paakyat ng building. Hawak hawak nya yung kamay ko papunta sa office nya. Gusto kong bumitaw pero ang higpit ng hawak nya sa mga kamay ko.

*Door opens then closes*

"You passed the test, right? Bakit hindi mo nirereplyan yung mga text ko?" Tanong nya.

"Wala akong load."

"Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot."

"Tulog ako."

Nakayuko lang ako habang kinakausap nya ko. Ayoko syang tingnan. Ayoko.

"Charlott--"

"May uhh...handaan sa bahay mamaya. Iniimbitahan ka nila Mama at Papa, makakapunta kaba? Kasi kung hindi ok lang, o kung pumunta ka nga tapos aalis kalang din wag nalang, ako nalang magsasabi sa kanila."

"Charlotte, I'm really sorry. Maxine had contractions, in any day by this week or next week manganganak na sya." May ngiting kumurba sa mga labi nya ng sabihin nya yung part na manganganak na si Maxine.

I can te na excited sya sa paglabas ng anak nya.

Gusto ko magalit, gusto ko manumbat, gusto ko sumigaw, gusto ko syang itulak, gusto ko syang konsensyahin, gusto kong sumabog ngayon din pero nung tumingala ako at nakita ko yung mga mata nya, nawala lahat ng nararamdaman ko sakanya. Gumaan yung loob ko, nagiging mahina na naman ako.

I smiled.

"That's great! May naisip na ba kayong pangalan para sa baby nyo?"

Ngumiti nadin sya ng makita nya kong nakangiti sakanya.

"Marcus. Marcus Salvatore yung ipapangalan namin sa bata. It's a boy, Charlotte!"

Sa sobrang saya nya, binuhat nya ko at niyakap nya ko ng mahigpit. Kwento sya ng kwento habang nakayakap sya sakin pero ako, hindi ko mapigilang maiyak habang yakap yakap ko sya.

Nakakatuwa dahil ngayon ko lang sya nakita na ganitong kasaya sa loob ng limang buwan na naging kami. I never seen him this happy before, I never seen him so excited and full of joy na tipong kahit sinong nasa harapan nya mayayakapin na nya sa sobrang saya nya. Ang saya nya, sobra.

"Thank you so much, Charlotte. Sa pagiintindi at pagtanggap sakin. Ikaw at ang mag-ina ko ang kumukumpleto ng buhay ko."

At yun na nga. Hindi ko na kinaya. "Mag-ina" Yun ang sinabi nya. Pamilya na sila, buong pamilya.

Ikaw at ang mag-ina ko.

Yun na ata ang pinaka-masakit na narinig ko sa talambuhay ko. Ako dapat, kami dapat ng magiging anak namin ang tatawagin nyang mag-ina pero hindi. May sarili na syang pamilya sa iba.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon