"I can't believe na ganoon ang ugali ni Jane, akala ko ay mabait siya dahil maamo namang tingnan ang kanyang mukha but her face says otherwise to her attitude" iiling iling na wika ni Donya Imelda.

"Noon pa man ay parang wala na akong tiwala sa kanya ngunit hinayaan ko lang dahil kapitbahay naman natin siya. Ang hindi ko lang nagustuhan ay pumayag ka sa kanyang pagpapanggap bilang fiancee ng ating anak kahit na hindi naman siya kasintahan ni Shannon"... sagot ni Don Robert na mahahalatang malungkot ang boses nito.

"Kasi nga ay hindi ko akalain na ganoon ang mangyayari. Kasi maganda naman ang pinapakita niya noong una ngunit sa totoo ay gusto ko naman sanang tumutol noon ngunit baka isipin ng anak natin na niloloko natin siya dahil nasabi na niya kay Shannon na fiancee siya nito" paliwanag ni Donya Imelda.

"Ngayon, gulo pa ang hinatid ng babaeng iyan sa buhay ng anak natin. Nahihirapan na nga siya sa kanyang kalagayan ay dagdag pa na panggulo ang babaeng iyan!" paninisi ni Don Robert kay Donya Imelda.

"Alam ko naman na kasalanan ko ang pagkunsinti ko kay Jane sa ginawa niyang iyon but ngayong nakita ko na ang tunay niyang ugali ay ayaw ko na siyang palapitin pa kay Shannon" ani Donya Imelda na hindi nila alam na narinig pala lahat ni Shannon ang pinag uusapan nilang mag asawa kaya ng tumikhim si Shannon at lumabas sa pinagkukublihan nito ay parang binabad sa suka ang mukha ng mag asawa.

"How could you do this to me mommy, daddy? Bakit ninyo hinayaan ang babaeng iyon na panghimasukan niya ang buhay ko?" hindi makapaniwalang turan ni Shannon na halos napaluha pa ito sa sakit ng dibdib ng sandaling iyon.

"Anak!.." sabay na sambit ng mag asawa.

"Tama ang kutob ko na hindi ko siya pag aari dahil kahit na ganito ang kalagayan ko ay hindi ko madama sa puso ko na akin siya. I can't believe na nagawa niyo akong paikutin sa kasinungalingan habang may karamdaman ako? Papaano ninyo nakakaya na makita ako na nahihirapan na pakisamahan ang babaeng iyon samantalang alam niyo na nagpapanggap lang siya?" garalgal ang boses na wika ni Shannon na napasuntok na sa pinto kaya gulat na gulat ang Donya.

"Anak, I'm so sorry! Alam kong mali iyon ngunit pinabayaan ko siya, please forgive us my son" umiiyak ng samo ni Donya Imelda at niyakap niya ang anak na nakaupo na sa sahig habang nakasandal sa may pahina ng pinto at namamalisbis ang luha nito.

"Ayaw na ayaw ko ng makita ang pagmumukha ng babaeng iyon sa bahay na ito dahil kapag nakita ko pa siya ay baka mapatay ko na siya ng tuluyan!" ani Shannon saka tumayo ito at nagmamadaling tinungo ang kanyang kwarto.

Pagdating niya sa sariling silid ay agad niyang kinuha ang kanyang nakatagong whisky saka sinunod sunod nito ang pag inom hanggang sa nakaramdam na siya ng hilo at tuluyan na niyang ibinagsak ang katawan sa may kama at ipinikita ng kanyang  mga mata ngunit kahit na nakapikit ay may luha paring lumalabas roon dahil nasaktan siya sa nalamang kasinungalingan na sangkot pa ang mga magulang niya.

....MIDNIGHT.....

Nasa may tabing dagat si Shannon at nakashort lang siya lulusong na sana siya sa may tubig ng may makita siyang babae na parang nalulunod. Taranta siyang lumangoy at tinungo ang kinaroroonan nito at saka niya ito sinagip.

Hindi niya gaanong makita ang mukha ng babae dahil madilim at tanging ang buwan na nakatago sa ulap ang siyang tumatanglaw sa kalawakan.

"Are you okay, miss?" alalang tanong ni Shannon sa babae na naka two piece swimsuit ito.

Hindi sumagot ang babae at parang nanginginig ang buo niyang katawan kaya nag alala si Shannon......."Miss, okay ka lang ba? Do you need help?" muling tanong ni Shannon ngunit imbis na sumagot ang babae ay humagulgol ito at yumakap sa kanya ng napakahigpit.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now