45

45.4K 962 40
                                    

Nagising si mika sa isang kulay puting kwarto, nakita nya ang kanyang ama na nakaupo sa tabi ng kama.

"Dad."

Nang marinig nito ang kanyang tinig ay agad sya nitong dinaluhan.

"Baby how are you, may masakit ba sayo? Sandali lang tatawag ako ng doktor!" Ngunit bago pa man makatayo ang ama ay pinigilan nya ito.

"Daddy, what happened? Nasaan si kien? At si miko?"

"Miko is safe, nasa mansyon sya ng mga lockheart at nag papahinga"

"Si kien dad, where is he? may tama sya nag baril. Nasaan sya dad gusto ko syang makita" Nag sisimula ng pumatak ang kanyang luha.

"Mika you need to rest, makakasama sayo ang pag-aalala. Tatawag lang ako ng doktor" Hindi nya pinaalis ang kanyang ama at pinilit itong sabihin kung nasaan si kien.

"Dad, please where is kien?"

Imbes na sumagot ay yumuko lamang ang kanyang ama sabay alis nito upang tumawag ng doktor. Agad naman syang tumayo, wala syang pakialam kung kailangan nyang mag pahinga dahil sa ngayon mas kailangan nyang malaman kung nasaan si kien at kung ano ang lagay nito.

Napadpad si mika sa operating room kung saan nakita nya ang mga magulang ni kien pati si ashley na umiiyak.

"Ash" Tawag nya dito.

"Ate" Tinakbo sya nito at niyakap ng mahigpit. "Ate si kuya" umiiyak nitong sabi.

"Ash, what happened where is kien?"

"Nasa loob sya" Tinuro nito ang operating room "The doctor said he is critical dahil malapit sa puso ang tama ng bala" Nang marinig iyon ay mas lalong bumuhos ang kanyang luha. Lumapit din sa kanila ang mga magulang ni kien at niyakap sya.

After four hours ay lumabas ang doktor na syang nag opera kay kien.

"Dok how is he? Ok na ba sya? Ligtas na ba sya?" Sunod sunod nyang tanong sa doktor.

Nakita nyang lumungkot ang muka nito and his word make her heart stop beating, she felt her whole body became numb. Pag karinig dito ay parang puso nya ang tinutukoy nito.

"I'm sorry, masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya. I am so sorry to say but he didn't make it"

She can't move. She can't speak. Sana hindi ito totoo. Sana nagbibiro lang ang doktor. Dahil alam nyang kung totoo ang sinasabi nito ay mamatay sya, Her heart will die together with him. Together with kien.

---------

Sorry po. 😢

Lockheart Series- My Hot Boss (editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon